CHAPTER 35 “Kumusta?” seryoso at may dating na tanong ni Jc. Hindi agad ako nakapagsalita. Nakapalakas ng kabog sa aking dibdib. Kinakabahan ako na parang hindi ko maipaliwanag. Muli akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang napakaamo niyang mukha. Nakangiti siya na parang walang kahit anong kasamaan siyang binabalak. “Pwede bang bumalik ka na lang sa ibang araw. Gabi na kasi. Magpapahinga na ako.” Pakiusap ko. Hindi ko tinatanggal ang kamay ko sa seradura ng pinto. Wala akong balak papasukin siya. “Babalik? Ganun lang iyon? Hindi mo lang ba ako namiss? O kahit papasukin man lang muna?” “Please lang. HUwag kang gumawa ng gulo rito. Nakikiusap ako.” “Kakausapin mo ako, walang gulong mangyayari. Akala mo ba madali lang ang pinagdaanan ko para mahanap kita at pumuslit diyan sa guwardiy