The Innocent Woman
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking muka na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Nang marinig ko ang mahinang pagkatok na nagmumula sa labas ng aking kwarto. "Joyce anak gising kana ba. Lumabas kana dyan at ng makakain na tayo. " Turan ng aking ina. "Opo nay palabas na din po ako." Nasabi ko na lamang. Kung kayat bumangon na din ako at nagligpit ng aking hinigaan. Ngayong araw ang alis ko upang makipagsapalaran sa maynila. May kakilala ang aking ina sa maynila para mapasukan ko bilang kasambahay. High school lamang ang natapos. Di na ko nagpursigeng magkolehiyo dahil nagparaya ako para sa pag aaral ng mga kapatid ko. Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Sa hirap ng buhay dito sa probinsya mas pinili kong tumulong kina inay at itay at hayaan ang mga kapatid ko ang tumupad ng mga pangarap na makapagtapos hanggang kolehiyo at makahanap ng maayos na trabaho. Sa isiping iyon ay natutuwa ako para sa kanila. Di ko man naipagpatuloy ang kolehiyo sigurado naman akong sila ang tutupad nun para sa ikagagalak ng aking mga magulang.. Nang makalabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina naabutan ko si inay na naghahanda na ng hapag kainan. "Oh anak nandyan kana pla. Halika na dito at kumain upang hindi ka maiwan ng byahe paluwas ng maynila. " Makakabakasan mo ng lungkot ang boses mi inay habang sinasabi ito.. "Ate di kana ba talaga papaawat na lumuwas ng maynila, maaari ka namang dito na lamang maghanap ng trabaho sa atin" Bigkas ng kapatif kong bunso na si Justin. "Alam nyo namang gagawin ko to para sa ating pamilya at ng makapagpatuloy pa kayo sa inyong pag aaral. Kaya habang wala ako kayo na muna ang bahala na mag alaga kina inay at itay hah. Okay ba yun., gusto ko rin na pagbutihin nyo pa ang inyong pag aaral ng sa ganun ay sulit naman ang pagtatrabaho ko sa ibang lugar. Di man ako nakatungtong ng kolehiyo gusto kong kayo ang magpatuloy nun.. Yun lamang at lubos kaming magiging masaya nina inay at itay. isa isa silang tumango sakin at kahit di nila sabihin ramdam ko ang lungkot nila. "Basta palagi kang mag iingat at tatawag sa amin dito ate para alam namin kung okay ka lang ba duon hah.. Wag mo din kakalimutang magdasal sa amang nasa itaas para gabayan ka sa araw araw.. Malungkot na sabi na lamang nga kapatid kong si Rain na pinaburan naman ng kakambal nitong si Storm.. "Oh sya kumain na nga tayo at baka lumamig pa ang pagkain.. Nagdadrama na naman kayo dyan eh.. Hahaha.." Pilit kong pag iiba ng usapan dahil anumang oras ay nararamdaman kong papatak ang mga luhang pilit kong pinipigilan. Ito kasi ang unang pagkakataon na malalayo ako sa kanila. Makalipas ang ilang sandali at nakatapos na kami sa pagkain. Nagtungo na ako sa kwarto ko para ihanda na ang mga gamit ko.. Papasok na ako ng banyo upang maligo ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.. Pagbukas ko ng pinto nakita kong nakatayo duon sina inay at itay. Makikita mo ang lungkot nila sa kanilang mga mata. Pagpasok nila sa kwarto ko yinakap ako ni itay at sinabing mag iingat ako palagi at wag makakalimutang magdasal sa amang nasa itaas. Si inay naman ay maluha luha ng yumakap sa akin.. Pasensya kana anak kong kinakailangan mong lumayo at magtrabaho sa maynila para lamang makatulong sa amin ng itay mo. Kung sapat kang sana ang kinikita ng itay mo hindi kana sana namin papayagang lumayo pa sa amin para lamang magtrabaho.. " Mangiyak ngiyak na bigkas ng aking inay. "Wala po iyon inay, gusto kobrin naman pong makatulong sa inyo ni itay. Wag nyo po akong alalahanin at palagi po akong mag iingat tatawag dito sa inyo para di na kayo mag alala sakin. Tama na nga po ang drama inay,maliligo na din po ako at ng makaluwas na ako ng maynila, wag nyo po akong intindihin. Ako pa ba ang inalala nyo alam nyo namang malakas ang loob ko sa mga hamon ng buhay.. Hahahaha" Pag iiwas ko ng usapan.. Nagpaalam na din silang lumabas ng kwarto kung kayat pinagpatuloy ko na din ang pagpasok sa banyo upang maligo.