Isang taon ang matuling lumipas Kahit papaano ay naka-survive naman si Eva sa piling ng kanyang asawa. Kahit sa totoo lang ay hindi niya nai-enjoy ang s*x life nilang mag-asawa ay wala naman siyang problema sa bagay na iyon dahil sa sobrang kahiligan ng kanyang asawa ay parang masasanay na lamang din ang kanyang katawan. Sa loob ng isang taon na iyon umiikot ang kanyang buhay sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang asawa. Kadalasan ay nananatili lamang din siya sa Terraza de Milliones, bihirang bihira siyang lumabas ng bahay dahil sa napakaseloso din ng kanyang asawa. Hindi siya maaaring makipag-usap kahit na kaninong lalaki at hindi rin siya pwedeng makipag-usap sa dati niyang mga kaibigan. Ang nais nito ay iikot lamang ang buhay niya sa asawa at sa pamumuhay nilang dalawa. Kaya lang n