Hindi na nakatiis si Eva, tinawagan na niya sa number si Audrix para malaman kong nasaan na ito. Halos maiyak na siya sa sama ng loob para sa asawa dahil ang paalam lamang nito ay mabilis lang at bibili lang ng lechon manok. Pero anong oras na malapit ng gumabi, wala pa rin ito at kasama pa ang Belinda na iyon. Ngunit hindi lamang yata nakabenteng missed calls na siya ay hindi pa rin ito sinasagot ang cellphone. Kahit na napakaraming messages na niya ang na i-send dito pero wala pa rin talaga ni hindi nito magawang i-seen ang kanyang message. Kaya naman sa panggigigil niya pati ang kanyang cellphone ay naibato na niya mabuti na lamang at hindi iyon tumama sa matigas na bagay kundi bumagsak lamang iyon sa malambot nilang kama. Ni hindi na nga ito nakapagpaalam ng matino sa kanya tapos g