Gaya nga ng paalam ni Audrix bago magtanghali ay nagtungo na ito sa airport para magtungo sa Palawan. Nais nga sana niyang ihatid ito pero gaya ng kanyang inaasahan hindi ito pumayag. Parang nais niyang magtampo sa kanyang asawa, ngunit naisip niya ang mga ka-sweetan na ginawa nito kaninang umaga sa kanya. Kaya naman inintindi na lamang niya ito, siguro ayaw lang talaga nitong magpahatid o makita niya itong umalis. Medyo nasosobrahan yata siya ng pag-o-overthink kaya alam niya na mali iyon. Kaya simula ngayon ay iintindihan na niya palagi ang kanyang asawa, hindi na siya magseselos o kahit na pag-iisipan niya ito. Tsaka baka nagkakamali lamang siya ng hinala tungkol dito at kay Belinda, kaya naman dapat maunawaan niya ito na. Normal lang naman siguro sa gano'n na maging close na clos