Isang linggo silang nanatili sa Korea para sa kanilang honeymoon kaya lang hindi naging masaya ang honeymoon na iyon para sa kanya. One week nga sila doon pero dalawang beses lamang silang lumabas ng hotel. Marami sana siyang gustong mapuntahan sa Korea. Ang bansang ito kasi ang isa sa mga pangarap niya noong mapuntahan at dahil nga nandoon na siya at may pagkakataon na siya. Syempre nais sana niyang mapuntahan ang nga lugar na nais niyang puntahan doon. Ngunit wala siyang napuntahan kahit isa dahil sa mas nais ng kanyang asawa na manatili lamang sila sa hotel. Kahit nakiusap na siya dito, sabi pa niya kung ayaw nitong sumama hayaan na lamang siya kahit sa isang buong araw lang para sana matupad niya ang oangarap niya kaya lang hindi ito pumayag . Lumabas nga naman sila ng 2 days pero hal