1st Fight

1282 Words
CANDIS' POV "Who will be this year's Miss Cleamsilk!? May bet na ba kayo?" Malakas na tanong ng MC ng sinalihan kong contest sa pagandahan ng buhok. Syempre, pang commercial yata ng shampoo ang peg ko ‘no! Malakas na nagsigawan ang mga tao. Kanya-kanya silang sigaw ng number ng mga pambato nila. Grand finals na kasi ngayon at kailangan kong manalo. Pang dagdag din kasi ang mapapanalunan ko dito sa gagamitin kong pang handa sa nalalapit na kasal namin ng boyfriend ko. Yes, I am finally getting married this year. And I am so excited about it! "Our Miss Cleamsilk 2013 will receive a total of fifty thousand pesos in cash plus one year supply—charot lang! Will receive one month supply of Cleamsilk shampoo and conditioner. Excited na ba kayo na malaman kung sino ang panalo sa taong ito?!" Umugong ng malakas ang crowd. Kanya-kanyang sigawan ang mga tao at dinig na dinig ko ang sigaw ng kaibigan kong si Tara, short for Jayson. Kung paano naging Tara ang Jayson? It's none of my business na daw ika n'ya! "Yuhoooooo! Go, Bakla! Ang cha-chaka ng mga kalaban mo! Sure win na 'to! Wuhoooo! Hahalikan ko ng torrid itong gwapong judge na ito kapag natalo ka pa!" matinis at may kahalong kilig pa na sigaw ni Tara. Napailing na lang ako sa kanya. Kahit kailan ay napaka-supportive talaga ng kaibigan ko na ‘yan. Kahit saang pageant ay sinusuportahan n'ya ako. Ako kaya ang nanalong Ms. Sitio Baku-bako sa lugar namin! Kahit naman kasi medyo kapos kami sa buhay ay hindi naman ako naging kapos sa kagandahan at ka-sexyhan! Sa totoo lang ay iyon na lang ang pinaghahawakan ko sa ngayon—ang taglay kong alindog! Napatingin ako kay Tara na ngayon sa pagkilatis sa sinasabi nitong judge. Tumaas ang kilay ko nang makitang wala manlang mababakas na excitements sa mga mata nito habang hinihintay ang pag-announce sa nanalo. Parang inip na inip pa nga ito at madalas na kumukunot ang noo kapag may malakas na tumitili mula sa audience. Suplado, huh? "Okay, okay! Ito na talaga! Wag na nating patagalin pa! Our Miss Cleamsilk 2013 is none other than....." Parang may tunog ng drum roll akong naririnig sa isip ko nang sabihin ng MC iyon. "Contestant number....." pambibitin pa rin nito. Halos matigil ang paghinga ko habang hinihintay s'yang i-announce ang winner. "Contestant #7! Miss Candis Lane Ferrer!" malakas na anonsiyo ng MC sa pangalan ko! Napasuntok ako sa hangin at agad na naglakad palapit sa MC. Feeling ko ay wala akong ibang nakikita sa paligid kung hindi ay pera. Fifty thousand pesos! "Thank you, thank you," kumakaway pa ako sa mga tao matapos kong abutin ang price at korona sa lalaking pinagpapantasyahan ni Tara. Hindi sinasadyang napatingin ako sa mukha ng judge na ‘yun na halos walang ka-ngiti ngiti nang makaharap ako. Pormal na pormal ang mukha n'ya at usually ay bumabati ang mga judge sa mga nasalihan kong contest. Bukod tangi lang ang isang ito na parang wala lang. Basta iniabot n'ya lang sa akin ang cash at walang lingon likod na umalis at bumaba ng mini stage. Aba't? Attitude ang loko! Sa inis ay hinabol ko pa s'ya ng tingin at nang nakabalik na ito sa upuan ay sakto namang tumingin din s'ya sa gawi ko. Ngumiti ako ng ubod ng peke at bumulong sa hangin ng "Congrats to me!" na mukhang nakuha naman nito dahil nakita ko pa ang pagtagilid ng ulo nito at pag-iling na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Hoy, Bakla! Congratulations! Sobrang easy win naman yan!" sabi nito at bumeso sa akin. I just flipped my hair kaya nagtawanan kami at nagyakapan dahil sa naging panalo ko. Agad din naman s'yang kumalas at masiglang ibinalita ang pagkahumaling n'ya sa supladong judge kanina. "Grabe, Bakla! Kotang kota ako sa titig kay gwapong judge! Bakla, mahal ko na yata s'ya—aray naman! Ito naman di na mabiro!" Automatic na naglanding ang palad konsa batok n'ya. Kaya palaging nasasaktan 'yan dahil masyadong mahilig sa gwapo. At kapag pinatulan ay masyadong marupok. Bigay todo, kaya palaging iniiwanan kapag nahuthutan na ng todo! Binatukan ko s'ya dahil hindi ako makapag-concentrate sa pagbibilang ko sa napanalunan kong pera. "Tahimik ka muna d'yan. Nawawala ako sa pagbibilang," sabi ko at pinagpatuloy ang pagbibilang. Kumunot ang noo ko nang ilang beses ng mabilang ay kulang pa rin ang perang nakalagay sa sobre. Itinaob ko pa ang sobre para ma-check ‘yon pero wala talaga. "Kulang ng sampung libo!" Bulalas ko at nagsimula ng uminit ang ulo. Hindi porke at pangkaraniwang beauty contest lang ito ay dadayain na nila ako! Sisiguraduhin kong mananagot sila dito kung may kinalaman man sila! "What?! Sampung libo?!" Eksaheradang bulalas din ni Tara. Agad na nilapitan ko s'ya at niyaya. "Bakla, tara! Samahan mo ako. Babalikan natin ang mandarambong na judge na ‘yon!" sabi ko sabay hila sa kamay ni Tara. "Ay, Bakla! Game na game ako d'yan. I love to play habulan, lalo pag matcho fafa!" kinikilig kilig pa na sabi nito at nagpahila na sa akin. Naabutan namin s'yang kausap ang mga coordinator ng contest. "Thank you so much, Sir. Sa uulitin po!" rinig naming sabi ng matandang coordinator ng contest doon sa supladong judge. Nang umalis ang babae ay agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Hoy, sandali nga!" Napatingin naman s'ya at napakunot noo pagkakita sa akin. "Why? Do I know you?" preskong tanong nito at tinaasan pa ako ng kilay. Halos malaglag ang panga ko. Ano daw? Do I know you? Wala pang ten minutes nang huli kaming magkaharap pagkatapos ay hindi na n'ya ako natatandaan?! Agad agad?! "Ewan. Pero ikaw, kilala ko," sagot ko at nagtaas ng kilay sa kanya. Nakita ko naman s'yang napangisi. "Sino bang hindi makakakilala sa akin—" "Mawalang galang na, ha? Pero wala akong pakialam kung sino ka. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ibalik mo ang sampung libo ko!" sabay taas ng sobreng pinaglagyan ng cash price na napanalunan ko. Humalukipkip naman s'ya at tintigan ako. "Why would I do that? In the first place, you are not deserving for that price. Maputi ka lang kaya ka nanalo," mariin n'yang sagot. Nanlaki ang mga mata ko. "So, you mean to say na hindi ako deserving na manalo dahil maputi ako. Ganoon ba?" Paglilinaw ko. Umiinit na ulo sa antipatikong judge na ito. Masasapak ko na talaga ito maya-maya kapag hindi n'ya pa sinara 'yang bastos n'yang bunganga! "Sa'yo na mismo nanggaling yan," nakangising sagot pa nito. Halos mapabuga ako ng apoy dahil sa sobrang panggigigil sa kaharap! At ano bang problema n'ya sa kulay ko? Hindi naman ito contest para sa glutathione! Bonus na lang ang kutis ko pero ang buhok ko ay panalong panalo! "Ah.. maputi lang pala, ha?" bulong ko at binalingan si Tara. "Bakla, halika dito!" lumapit naman s'ya at nag-beautiful eyes sa antipatikong lalaki sa harap namin. Bumulong ako sa kanya. "Nagagwapuhan ka ba dito?" tumango naman s'ya ng tumango na daig pa ang nasasaniban ng masamang espiritu. "So, hindi mo ibibigay ang sampung libong kulang?" tanong ko sa kanya sa huling pagkakataon. "Never. I'd rather donate it to our charities than to give it back to you," kalmado at proud pang sagot nito. Tumango-tango ako. "Kung ganon... bayaran mo na lang ang sampung libo ko," sabi ko. Nakita ko naman s'yang napakunot noo. Mukhang nalabuan sa sinabi ko. "Bayaran mo nito...." habol ko sabay tuhod sa pagkalalake n'ya. Nalukot ang mukha n'ya habang salo-salo ang hinaharap. Dinig na dinig ko ang mura n'ya. Napangisi ako. "I think, that's enough for ten thousand pesos," sabi ko at inirapan s'ya bago hinila si Tara palayo doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD