2nd Fight

941 Words
CANDIS' POV Kinabukasan ay pakanta kanta pa ako habang nag pipirito ng ulam namin na hotdogs, tuyo at itlog. Saglit akong tumigil nang nasa mataas na bahagi na ng kanta at ginawang microphone ang sandok. "And I don't wanna miss a thing~ Hey yeh hey—" "Ano ba naman yan, Ate! Hindi ka naman pari pero palagi mo na lang binabasbasan ng laway mo ‘yang pagkain natin!" reklamo ng kapatid kong si Chie, short for Ramonchito. Graduating na s'ya ng Elementary. "Aba, Ramonchito. Gwapo ka ba para mag-inarte d'yan, aber?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. Napakamot lang s'ya sa ulo at saka umupo na sa hapag. Napalingon ako nang biglang pumasok ang Na‘Nay ko na may dalang bandehado ng kanin. Tumikhim ako at alangang kinausap s'ya. "Ah, ‘Nay, may lakad nga po pala kami ni Gab ngayon—" "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo, Candis na layuan mo ang lalaking ‘yan at wala s'yang maidudulot na maganda sa'yo?" pigil nito sa sasabihin ko. Napasimangot ako. Una pa lang ay hindi na gusto ng Na‘Nay ko ang boyfriend kong si Gab. At ang dahilan n'ya ay dahil nakabuntis na ito dati at hindi n'ya pinanagutan ang babae dahil ako daw ang mahal n'ya. Mahal na mahal ko s'ya kaya kahit nakakaramdam ako ng awa para sa babae at sa magiging anak n'ya ay tinanggap at pinatawad ko s'ya. Mahirap lang din sina Gab pero nagsusumikap s'yang magtrabaho para sa mga magulang n'ya at kapatid. Nagtatrabaho s'ya bilang isang bartender sa isang bar malapit sa bayan. At bago ako sumali sa Miss Cleamsilk 2013 ay nagpasya na kaming magpakasal. At ang problema ko ay kung paano sasabihin iyon kay Na‘Nay. Baka mapatay ko na s'ya sa kunsumisyon kapag sinabi ko ang plano naming pagpapakasal. Napakagat ako sa ibabang labi. Kailangan ko ng sabihin ito ngayon dahil doon din naman ang tuloy kaya bakit ko pa patatagalin? "Ah, ‘Nay.." tawag ko sa kanya. Kasalukuyan na kaming kumakain. Wala na akong Tatay. Namatay s'ya dahil tinamaan s'ya ng ligaw na bala sa dibdib na s'yang dahilan ng ikinamatay n'ya. "Ano na naman?" tanong nitong hindi nakatingin sa akin. Patay! Paano ba kasi ‘to? Ang hirap naman! "‘Nay!" tawag ko ulit sa kanya para tumingin s'ya sa akin. Gusto ko kasi ay eye to eye para makita n'yang sincere ako. "Ano ba yan, Candis? Kanina ka pa, ah? Sabihin mo na nga—" "Magpapakasal na ho kami ni Gab," walang gatol na sabi ko. Nagkandasamid samid s'ya na mukhang nabigla sa sinabi ko. "‘Nay! Chie, tubig dali!" lumapit ako sa kanya at hinimas-himas ang likod n'ya. "‘Nay oh.. Tubig," inabot naman ni Chie ang tubig kay Nanay at agad na ininom naman n'ya 'yon. "Pwede ba, Candis wag kang magbiro ng ganyan—" "‘Nay, seryoso po ako. Sa ayaw n'yo at sa gusto ay magpapakasal kami ni Gab," final na sabi ko. Napatingin lang s'ya sa akin na tila tinatantya kung seryoso ako. Pinilit ko namang patatagin ang mukha ko para magmukhang seryoso. "Gawin mo kung anong gusto mo, Candis. Pero oras na lokohin at iwanan ka ng lalaking 'yan, wag na wag kang babalik dito sa bahay," sabi nito at tumayo na sabay labas ng kusina. Napabuntonghininga ako. Hindi, ‘Nay.. Hinding hindi ako iiwanan ni Gab. Pinapangako ko 'yan sainyo. **** "Doon tayo, Baby!" turo ni Gab sa isang mamahalin na fast food chain. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din s'ya. "Oh bakit? Halika na, gutom na ako," sabay himas nito sa sikmura n'ya. "Wag na tayo ‘don. Hindi masasarap ang pagkain doon at sobrang mamahal pa! Doon na lang tayo," turo ko sa mas murang fast food chain sa tapat. "Candis naman! Eh hindi ba at nanalo ka ng 40, 000 sa contest? Bakit d'yan pa tayo kakain? Ano ba naman klaseng date ‘to oh!" napakamot sa pisnging reklamo nito sabay bitaw sa kamay ko. Kumunot ang noo ko sa pagrereklamo n'ya. "Ano ka ba, Gab? ‘Di ba nga ay kailangan nating magtipid para sa bonggang kasal na gusto mo?" paalala ko sa kanya. Kung ako lang ang masusunod ay hindi na kami magpapabongga pa ng kasal. Kahit simpleng salu-salo lang sana ay maitatawid na ang kasal namin. Isa pa, hindi naman ‘yon nakukuha sa kung gaano kabongga ang kasal. Nasa tagal iyon ng magiging pagsasama ng mag-asawa! Hindi parin nagbabago ang expression n'ya pero naglakad na papasok sa fast food chain na tinuro ko. Huminga ako ng malalim bago s'ya sinundan. Nag-order na ako at hanggang sa kumakain na kami ay hindi parin s'ya umiimik. Hanggang sa natapos na kaming kumain ay wala pa rin s'yang imik at patuloy ang pagsimangot. "Baby.. Ui! Galit ka ba?" tanong ko habang nakasunod sa kan'ya. Kakatapos lang namin kumain at sinabi n'yang umuwi na lang daw kami at may kailangan pa s'yang asikasuhin. "S-sorry na..." parang maiiyak na sabi ko. Naantig naman ang loob n'ya at hinarap ako. "Halika nga dito.. Ikaw naman kasi.. Sorry din," niyakap n'ya ako. Hindi na kami umuwi agad at naglibot libot pa sa mall. Linggo ngayon at wala akong pasok sa botique kaya every Sunday lang kami nakakapaglibot at nagkikita ni Gab. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ‘to dahil nararamdaman kong mahal na mahal n'ya rin ako. Excited na akong makasal sa kanya. Excited na akong bumuo ng pamilya kasama s'ya at higit sa lahat ay excited na akong makasama s'ya habangbuhay. At ngayong taon ‘yan nakatakdang magkakatotoo lahat. 2013 is really the perfect year for us!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD