4th Fight

562 Words
MAVERICK'S POV "Tell her she's fired," utos ko kay Alison, ang secretary ko, matapos n'yang sabihin na wala pa ang bagong comercial model ng Cleamsilk na isa sa mga products ng company namin. She's five minutes late, for Pete's sake! Hindi pwede sa akin ang tatamad tamad dahil ang mga taong katulad nila ang nagpapatagal sa trabaho ko. I'm working as a director and I'm strict pagdating sa oras. Sideline ko lang ito kapag wala akong gaanong trabaho sa Yu International, which is our company. Kapag sinabi kong 10:00 AM, you should be here fifteen minutes before 10. And I guess, professionals in this field know that! Hangga't maaari ay gusto kong perfect ang lahat. Ayoko sa lahat 'yung nale-late ako kaya ayoko rin ng staff na palaging late. Kung hindi mo kayang sundin ang kaisa isa kong rule, pasensyahan na lang tayo. "Pero, Direk—" "No buts, Alison," winagayway ko pa ang kamay ko tanda na ayoko ng makipag-usap pa sa kanya. I heard her sigh pagkatapos ay walang nagawang lumabas na ng studio. Ilang minuto pa lang na nakakaalis si Alison ay humahangos na dumating naman si Max, ang baklang assistant ko. "Excuse me, Direk! Pero si Lyndsay po kasi..." hinihingal na sabi nito. Kumunot naman ang noo ko. Lyndsay is my girlfriend and soon to be my wife because I'm planning to propose to her one of these days. We've been together for almost a year and I really think, this is the right time for me to settle down. Kaya yayayain ko na s'yang magpakasal ngayong taon. She's a model and I know that she's a bit stubborn sometimes. Madalas na hindi n'ya sinusunod ang pinapagawa ng assistant ko. "What about her, Max?" "Kasi, Direk, ayaw n'ya pong isuot 'yong wedding gown na kailangan n'yang imodel para sa pictorial ng YEZ magazine," sagot nito. Tumayo ako para puntahan s'ya. Alam kong susundin n'ya ko. "Okay, I'll talk to her," Pagdating ko doon ay nakita ko si Lyndsay na kausap si Lyndon, my cousin. He's Lyndsay's bestfriend and they're really close to each other kaya nga madalas na si Lyndon ang mapagkamalang boyfriend n'ya. It's not that I'm jelous of my cousin pero dapat ay mas dumistansya na s'ya ngayon kay Lyndsay lalo pa at malapit ko na s'yang maging asawa. I walked towards them. Agad naman silang naghiwalay. "I gotta go, Say. Behave!" bilin ni Lyndon bago umalis. "B-Babe? What are you doing here?" tanong naman si Lyndsay sa akin nang makaalis na si Lyndon. "Sabi kasi ni Max ay ayaw mo raw suotin ‘yung wedding gown. Bakit?" nakita ko naman s'yang umirap at humalukipkip. Tinignan ng masama si Max. "Sumbungero..." rinig kong bulong nito. "Come on, Lyndsay! You're a professional model here and you should act as one," iritadong sabi ko. "I'm sorry-" "Lyndon pampered you too much that throwing a fit became a habit of yours," iritadong putol ko sa sasabihin n'ya at saka lumabas na sa dressing room n'ya. Pabagsak na umupo ako sa swivel chair at hinilot ang sentido ko. "Masyadong nagiging isip bata," bulong ko. Nag-ring ang phone ko para sa isang tawag. I immediately checked it and saw my sister's name on screen. She's staying in Paris now dahil isa rin s'yang model. "Yes, Meg?" sagot ko sa tawag n'ya. Napatayo ako agad nang marinig ang sinabi n'ya. "You what?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD