3rd Fight

736 Words
CANDIS' POV "Grabe talaga ‘yang si Candis, Bakla! Alam mo bang sobrang gwapo na ‘yung super fafa na Judge doon sa Ms. Cleamsilk ay inisnob lang ng loka! At hindi lang ‘yon, Bakla! Chinukchak pa sa yummy balls! Tapos, biglang nag-walkout at hinatak ako palayo kay pogi! Naloka talaga ang beauty ko ‘don, ‘Teh!" maarte at super habang litanya ni Tara kay Bessy. Isa sa mga designer din dito sa botique ni Megan Yu, ang bestfriend ko na nasa Paris ngayon dahil isa s'yang sikat na model. "Haynaku, Bakla! Hindi ka na nasanay d'yan kay Candis! Remembah? Si Gab lang ang lalaking nag-eexist sa kanya three super long years ago pa!" sagot naman ni Bessy. Matagal na kaming magkakaibigan. Apat kaming lahat sa grupo. Ako, si Megan, Tara at Bessy. Fashion namin lahat ang pagde-design ng mga damit. Si Megan ay likas na maganda at talentado bukod pa sa sobrang yaman ng pamilya nito kaya naman malayo na ang narating n'ya. At itong botique na ito ay sadyang ipinatayo n'ya para sa aming mga kaibigan n'ya. Binalik ko ang atensyon ko sa kino-compute ko. Sa totoo lang ay sumasakit na ang ulo ko sa ginagawang pagba-budget sa kasal namin. Gusto kasi ng pamilya ni Gab ay bongga ang kasal pero hindi naman pwede na sa pamilya n'ya kami umasa ng lahat ng gastos. Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring iyon. Sinagot ko ang tawag. It's from Tessa, ang baklang kakilala ko na s'yang pinaghanap ko ng murang gown pero may class. "Hello?" "Bakla, mayroon na akong nahanap. Ten thousand—" "Ten thousand?! Ano ‘yan, Bakla? Ginto hanggang laylayan?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Grabe naman kasing gown ‘yon. Sobra namang mahal! "Gaga! Edi sana nag-rent ka na lang kung ayaw mong gumastos. Bruha na ‘to!" singhal n'ya sa kabilang linya. "Sigurado ka bang maganda ‘yan, Tessa?" pumayag na rin ako kaysa naman humanap pa ako ng iba ay wala ng oras. "Kinukwestyon mo na ngayon ang taste ko, Bakla? Alam mo naman—" "Oo na, oo na. Ikaw na talaga!" "I know right! So, ano? Gora na ba tayo sa price?" "Oo na, basta siguraduhin mo na maganda 'yan, Bakla. Alam mo naman ang mga in-laws to be ko—" "Alam kong maaarte at feeling mayaman—" "Hep! Tama na. Oh s'ya, bye na! Marami pa akong tatawagan," paalam ko sa kanya saka in-end ang tawag. "Candis, sigurado ka na ba dyan ha? Hindi ka na ba magpapapigil?" tanong ni Bessy sa akin. Narinig siguro ang pag-uusap namin ni Tessa. "Yes. Sure na sure, my friend," sagot ko habang nagda-diall ulit ng panibagong number. "Hello? Ah, yes.. Itatanong ko lang sana kung magkano ang one day service sa restaurant n'yo? Errr, yes.. Kasal.. Ahh, twenty thousand—Twenty thousand?!" Napalakas ang sigaw ko dahil sa pagkabigla sa sinabi ng nasa kabilang linya. ‘Yun kasi ang may-ari ng restaurant na ni-recommend ng Mama ni Gab na kuhanin ang service para sa venue ng reception. "I'm sorry, nabigla lang ako. Anyway, full package na ba yung twenty thousand? I mean, kasama na lahat-lahat doon? Ah, hindi pa.. Eh magkano lahat kapag full package? Fourty five thousand— Talaga?! May discount na ‘yun?!" Naninikip ang dibdib ko sa sobrang mahal. Fourty five thousand raw at may discount na ‘yun para sa reservation ng buong lugar. "Ah, yes. I'd like to make a reservation pero hindi pa sure ‘yung date. Yeah.. We'll call you na lang po. Thank you!" Nanlulumong napasandal ako matapos ang tawag. Bakit ba kasi kailangan pang enggrande ang kasal? Sila ba ang ikakasal para mag-inarte sila? Nakakainis na! Pero hindi ako makapagreklamo dahil Mama ni Gab ang pinag-uusapan! Napatingin ulit ako sa phone ko ng mag-ring ulit yun. This time, napangiti ako. Si Gab ang tumatawag. Agad kong sinagot ‘yon. "Hello, baby.. Uh-huh? Okay.. Magkano daw? Ten thousand?! Ano?! Okay okay.. Bye, I love you!" Lalo akong nanlumo. Kakatawag lang ni Gab at sinabi n'yang okay na daw 'yung bridal car na rerentahan para sa kasal namin. Ten thousand daw ang bayad. Paano ba naman ay Mercedes Benz pa ‘yung pinili! Anak ng tokwa naman talaga, o! Pwede namang bonggang kotse na lang pero bakit chedeng pa? Mai-push lang ‘yung bonggang kasal gora na kahit mamulubi pagkatapos?! Nakaka-stress! Hindi ko alam na nakaka-stress pa lang magpakasal!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD