5th Fight

665 Words
CANDIS' POV "Hello, Megmeg! Yes! Ha? Naku, okay lang 'yon, Bakla. Kita-kits na lang pag-uwi mo. Okay lang ba s'ya? Okay, kiss mo na lang ako kay baby Aaron. Bye!" sabay baba ko ng phone sa side table. Tumawag kasi si Megan, humihingi ng pasensya kasi hindi daw s'ya makakarating sa kasal ko. Okay lang naman dahil alam kong busy s'ya sa trabaho. "OMG, Bakla! Ang ganda mo! Manang mana ka talaga sa akin!" malanding sigaw ni Tara. S'ya kasi ang nag-make up sa akin. Ngumiti lang ako. Kinakabahan ako pero alam kong masaya lang ako dahil sa wakas, ikakasal na kami ng pinakamamahal ko. "Candis? Ready ka na daw ba? Tawag ka na ng Nanay mo doon. Mukhang badtrip ang mudra mo, ‘Teh!" biglang pasok ni Bessy. "Naku, ‘Teh, alam mo naman na ayaw ni mudrakels nito kay Papa Gab," singit ni Tara pagkatapos ay bigla itong napatili. Kunot noong napatingin naman kami sa kanya. "Anong nangyayari sa'yo, bakla? Nasisiraan ka na ba ng bait?" tanong ni Bessy. Sunod-sunod ang pag-iling nito. "OMG, Bakla! Ngayon ko lang naalala na si Papa Jerwin pala 'yung kahawig 'nong gwapong judge sa Miss Cleamsilk!" tili nito habang ipinapakita sa amin ang picture sa social media nito. "Who's Jerwin?" tanong naman ni Bessy. "Gaga! Jerwin Ordoñez! Iyong ex n'yang si Candis!" Umikot ang mga mata ko nang maalala ang utangero kong ex boyfriend. Sa built ng katawan at sa height ay hindi nga sila nagkakalayo ng antipatikong judge na 'yun. Pero sa itsura ay medyo lamang lang ng kalahating timbang paligo 'yung antipatikong judge. "Ah! Malamang ay babaero din 'yong judge na 'yon. Lapitin kasi iyang si Candis ng mga makakating lalake," komento naman ni Bessy. I rolled my eyes. Si Jerwin ang ex ko na umutang ng tatlong libo sa akin tapos ay lumayas at hindi ko na nakita. "Magkamukha talaga sila dahil pareho silang mandarambong!" inis na sabi ko. Pero agad din akong ngumiti dahil hindi ako dapat ma-stress ngayon dahil today is my day! Magsasalita pa sana si Tara nang tumayo na ako. "Let's go!" Sumunod naman sila at nakita kong nakabusangot na si Nanay. Lumapit ako sa kanya at nginitian s'ya. "Good vibes, ‘Nay! Gooood vibes!" nakangiti kong sabi sa kanya at saka pinisil ang magkabilang balikat. Inirapan n'ya lang ako at nauna nang lumabas at sumakay sa Mercedes-Benz na nirentahan namin ng tumataginting na sampung libo! Pagdating namin sa simbahan ay sobrang dami ng tao. Halos lahat yata ng kamag-anak ni Gab ay ininvite n'ya. Sobrang bongga ng ayos ng simbahan. Ikaw ba naman ang magbayad ng walong libo para lang sa decorations! Pwera pa doon ang bayad sa pari at kung ano-ano pang mga papel. Pero okay na rin kahit halos magkanda-utang utang kami sa bangko dahil sa mahal ng gastos, basta mairaos lang ang kasal na ito. Mairaos lang? Seryoso ka ba? Mahigit P150, 000 ang nagastos dito tapos ay mairaos lang? Unfairness, hindi halata! Sabat ng maldita kong utak. Lumapit ako sa Mama ni Gab nang makita kong parang nagpapanic ito habang may kausap sa phone. "Tita? May problema po ba?" tanong ko nang matapos s'yang makipag-usap. Napahawak naman ito sa dibdib nang makita ako. Parang nakakita ito ng multo. Sa ganda kong 'to? Duh? "C-Candis.. S-si G-Gab—" utal utal na sabi nito. "Bakit po? Ano po ang nangyari—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mag-ring ang phone ko at makitang si Gab ang tumatawag. Nakangiting sinagot ko ang tawag. "Hello, Baby? Nasaan ka na? W-what do you mean? No, Gab! Hindi mo pwedeng gawin sa akin ito! Hello? Gab! Hello!?" sunod sunod na diall tone na ang narinig ko matapos n'ya akong pagbabaan ng tawag at sabihing hindi n'ya kayang magpakasal sa akin dahil mahal n'ya ang anak n'ya sa babaeng nabuntis n'ya. Nang subukan kong i-dial ulit ang number n'ya ay hindi ko na s'ya na-contact pa. Agad na nanginig ang tuhod ko at napaluhod dahil sa sobrang panlulumo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD