Chapter 2

1135 Words
Sinulyapan ko ang lalaking nakatingin sa akin. Siya'y maputi ngunit mahahalata na hindi siya isang Pilipino. Mabilis akong umiwas ng tingin ng masulyapan ko ang isang lalaki na nakangisi habang papatawid sa kabilang kalye. Huminga ako ng malalim saka inalog ang aking ulo. Mukhang napagod talaga ako sa trabaho ngayon. Nakita ko ang itim na usok na nasa loob ng lalaki na mas ikinalaki ng aking mga mata. Ito na naman, bakit ba parati ko itong nakikita? "Hindi 'yan totoo, Maribel," bulong ko sa sarili ko. Nagsimula akong maglakad upang makatawid na rin sa ibang kalye. Narinig ko ang malakas na pagsabog ng isang malaking simbahan na nasa tapat ko. Nagsisigawan ang mga tao at halos magtulakan na sila para mabuhay. Totoo ba ito? Tumakbo ako ng mabilis saka napasulyap sa malaking simbahan na gumuho dahil sa malakas na pagsabog. Nakita ko ang maraming bangkay ng mga maninimba, maraming nagsisiiyakan habang dinadampot ang mga buhay. Nakita ko ang pagsigaw ng isang lalaki. "May nagpasabog sa simbahan! Isang suicide bomber!" sigaw ng iba. Halos magtulakan ang mga tao, nakita ko ang maraming mga bangkay na halos hindi makilala. "Patayin ang mga dapat patayin! Kung ayaw nilang talikuran ang Diyos nila, huwag niyo silang ititira ng buhay!" sigaw ng lalaki na may hawak na tabak. Mabilis niyang hinigit ang isang binatilyong sakristan at saka tinutukan ng tabak. Maraming tao ang nagsigawan sa takot, maraming mga tao ang gustong tumakbo ngunit hindi makahingili ng saklolo. " Tingnan natin kung masasakluluhan kayo ng Diyos niyo!" galit na sabi ng lalaki saka mabilis na idinapa ang batilyo na nanginginig sa takot. Mabilis niya iwinasiwas ang tabak na mas ikinalaki ng aking paningin. Anong nangyayari? Magugunaw na ba ang mundo? Itinabak niya sa leeg ng binatilyo ang tabak ng ilang beses saka napugot ang ulo nito. Nanginginig sa takot ang mga kasama nila sa simbahan. "Ahh! Diyos ko! Tulungan mo ako!" hiyaw ng mga tao ng magsimulang isa-isahin ang mga ito na damputin sila. "Diyos ko tulungan mo ako!" malakas na sigaw ng isang matandang babae habang kumakapit sa rebulto na sinasamba niya mula araw at gabi. "Akala mo ba gagalaw 'yan!" galit na sigaw ng lalaki saka ito nagsalita ng ibang lenggwahe. Tatakbo na sana ako ng nakita ko na napalingon sa akin ang isang lalaki. Ngumisi ito sa akin at sumaktong nagtinginan din ang mga kasamahan niya. "Patayin mo rin 'yan! Pugutan niyo ng ulo para maibigay natin kay ama!" sigaw ng lalaking nagpugot sa binatilyong sakristan. Mabilis akong tumakbo ng tumakbo at biglang nag-iba ang lugar na kinalalagyan ko. Nasaan ba ako? "Hulihin niyo siya! Ang walang tatak ni ama ay dapat patayin!" galit na wika nila. Mabilis akong tumakbo ng tumakbo at nagulat ako na may mga kasabayan akong tumatakbo. "Para kay ama!" sigawan ng mga kalalakihan habang hinahabol kami. Halos mapasigaw ako ng makita ko ang isang lalaki na nadapa. Nagmadali akong lumapit sa kanya nanginginig ito sa takot. "Patayin!" sigaw na naman ng mga lalaking nakaitim. Naging maingay dahil sa sigawan ng mga taong tumatakbo. Hahawakan ko na sana ang lalaki na 'yon upang tulungan ngunit tinulak niya ako. Napasigaw ako sa takot ng mabilis siyang kinubabawan ng isang lalaki saka galit na galit na inihampas ang tabak sa kanyang leeg. Napasigaw ako ng makita ko ang pagkalas ng kanyang ulo sa kanyang katawan. "Hindi ito totoo!" sigaw ko. Iwinagayway ng lalaki ang ulo ng lalaki na parang isa itong ginto o kayamanan. Nagtawanan ang mga kalalakihan. "Estupido! Wala naman tumulong sa'yo! Si ama ang tunay na diyos!" sigaw nila sabay dinuraan ang katawan ng lalaki habang humahalakhak. Binato pa nila ang ulo nito na parang isang soccer ball at pinagsisipa-sipa. "Habulin sila, kailangan maubos ang mga 'yan mga salot!" sigaw ng lalaki sabay lumingon sa akin. Nakangiti na ito habang dahan-dahan naglalakad papalapit sa akin. Napahakbang ako papaatras habang unti-unting pumapatak ang aking mga luha. "Miss! Okay ka lang ba? Kailangan ka ba namin dalhin sa hospital?" tanong ng isang lalaki. Napalingon ako sa aking paligid at nakita ko na nasa gitna ako ng highway. "May masakit ba sa'yo? Umiiyak ka kasi, dadalhin ka namin sa hospital," wika ng lalaki ngunit sumalampak na ako sa kalsada saka humagulgol. Hindi 'yon totoo! Isa lamang kathang isip ang bagay na 'yon. Isa itong sumpa, umiling ako na parang nasisiraan ng bait. Imposibleng maganap ang pangyayaring iyon. "Miss, halika na dadalhin ka namin sa hospital, akala namin nabangga ka bigla ka na lang tumakbo sa gitna ng highway na parang may humahabol sa'yo," malumanay na wika ng lalaki. Hahawakan niya na sana ako ng mas umiling ako. Hindi ko kaya! Ayaw ko! "Hindi 'yon totoo!" bulong ko sa aking sarili. Nanginginig ako sa takot at hanggang ngayon ay naalala ko ang itsura ng lalaking iyon. Saktong paglingon ko ay nagulat ako ng makita ang lalaking nakita ko sa aking pangitain. Naglalakad siya habang may hawak na Bibliya. Masaya ito at nakita ko ang puting nakapasok sa kanyang katawan. Anong mayroon? Ano 'yon? Napalingon siya sa akin at ngumiti. Naglakad ako papalapit sa taong 'yon habang lumuluha ako. Aagawin ko sana ang kanyang Bibliya upang itapon ngunit inilayo niya agad 'yon sa akin. "Anong ginagawa mo, Miss?" tanong niya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo, ngunit masaya pa rin ito. "Itatapon ko 'yan! Hindi mo ba alam na dahil diyan ay mamamatay ka!" galit na sigaw ko at nagpumilit na kunin iyon ngunit ngumiti lang siya sa akin. "Kung gayon ay masaya akong mamatay ng naglilingkod sa aking Diyos, dahil hindi naman ako parte ng sanlibutan, galit ang sanlibutan sa ILAW, kaya alam ko na ang lahat ng tagasunod ng ILAW ay aalisin din niya sa mundong ito," mahinang sambit niya sa akin na ikinagulat ko. Ano ba ang pinagsasabi niyang ilaw? Hindi ko siya maintindihan na ikinasakit pa ng ulo ko. Nagbabatak ba ito? "Anong pinagsasabi mo? Anong ilaw? Hindi ka ba natatakot na mamatay dahil diyan sa paniniwala mo!" sigaw ko sa kanya na ikinatingin ng mga tao sa akin. Nakita ko na naman ang lalaki iyon na nakangisi sa akin. Maamo ang mukha nito at makisig. "Kung gayon tanggap ko ang kapalaran ko dahil mahal ko ang Diyos at nagtitiwala ako sa Kanya," sagot ng lalaki sa akin. Tumango pa ito sa akin saka ngumiti bago ako nilagpasan. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Pakiramdam ko ay parang tatakasan na ako ng bait sa mga nakita ko. Nababaliw na siguro ako! hindi ito totoo, tama si nanay na baliw ako! Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit ng pagpintig nito. Naramdaman ko ang paggewang ng aking katawan at ang pagbagsak ko sa kalsada. Nakita ko pa ang lalaking iyon na seryosong nakatingin sa akin bago ako nilamon ng kadiliman. ---------- Note: Ang Italics po ay parte ng vision ni Maribel. God bless!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD