THIRD PERSON'S POV
Kasama ang isang kumpol ng kawal ay kasama din si Generous sa paghahatid sa bihag nilang may pangalang Elijah. Nakahanda ng ang lahat at tanging si Generous nalang at si Elijah ang hinihintay ng mga kawal at tagasilbi. Nasa labas na rin ng palasyo ang gagamiting Karwahe. Nakahanda na ang handcuffs na ginawa ng Hari para sa tagalupa, ang mga kakailangnin para sa pagsasara ng mga portal at ang mga taong magiging bahagi ng pagpapasara ng portal ay naroon na.
Anim na araw na ang lumipas mula ng mapadpad si Elijah sa Genovia, sinubukan ni Generous na kumbinsihin si Hera at Clyde upang mas maagang mapabalik si Elijah sa mundo ng mga taga-labas ngunit hindi pumayag ang mag-asawang Firro. Para kay Generous ay mas lalong mahirap para sa kanya ang makita ang mukha ng asawa gayong hindi naman ito iyon. Niliwanagan niya ang sarili na kamukha lang ng lalaki ang kanyang Zee, bukod pa roon ay wala ng iba. Wala namn siyang magagawa laban sa kanyang mga magulang. Kinailangan nilang imbestigahan ng nangyaring pagbubukas ng mga portal at ang unang sulat mula kay Haring Akira. Gayunman ay nagtalaga na ang mag-asawang pinuno ng mga maghahanap sa dalawa pang sulat na sinsabi sa unang sulat ng dating Hari ng Air Kingdom. Inaasahan na nilang matataglan ang paghahanap sa mga liham ngunit pinili nilang magdagdag ng mga taong maghahanap rito. Kung tototo man na ang mga ito ang kusang pupunta sa kinaroroonan ng mga magigiting na pinuno ng Aither.
Maliban sa Aither, nagkalat din sa iba pang mga mundo ang mga tagasilbi ng palasyo upang maghanap. Anim na araw na at wala paring kahit anong balita. Ni isa ay wala pang bumabalik.
"Narito na ba ang lahat?" tanong ng kararating lang na si Hera. Mabilis na umikot si Clyde upang sagutin ang tanong ng kanyang asawa.
"Gen and the boy is still inside." tumango si Hera sa turan ng asawa.
Pumasok siya sa loob ng karwahe upang muling tignan ang mga kagamitan roon. Una niyang napansin ang isang kahel na papel na nakadikit sa ding-ding. Iyon ay isang bagay na hindi dapat na naroon. Agad niyang hinila ang papel sa pagkakadikit at laking gulat niya ng makita roon ang pirma ng dating kaibigan.
Ang ikalawang liham.
Pinagmasdan niya ng maigi ang papel ngunit bukod sa nag iisang pirma ni Haring akira ay wala na itong iba pang laman. Kahit binaliktad na niya ito ng maka-ilang ulit at wala ng iba pang mga letra doon. Lumabas siya ng karwahe upang tawagin si Clyde ngunit labis niyang ipinagtataka na wala na ang lahat ng taong nasa labas ng karwahe kanina. Biglang nagbago ang at panahon ng paligid. Sa pagkakaalala niya ay tanghali pa lang ngunit ang panahon ay naging madilim. Lumitaw sa kalangitan ang asul na buwan na siyang palatandaan na may unos na parating. Unos nga ba? Ngunit hindi niya maramdaman ang banta sa paligid.
Inikot niya ang paningin. Wala na ang palasyo, nawala ang karwahe, at nasa gitna na siya ng kawalan. Agad niyang tinignan ang kamay, nawala ang hawak na liham. Mula sa kanyang pagkakayuko ay napa-angat siya ng ulo ng maramdaman ang hangin na pumaikot sa kanyang kinatatayuan. Bigla niyang natagpuan ang sarili sa gitna ng ipo-ipo. Wala siyang marinig na ingay sa paligid maliban sa ihip ng hangin. Wala rin siyang makita sa labas dahil sa bilis ng ikot ng hangin. Nang huminto ang pag-ikot nito ay naaninag niya ang pigura ng isang pamilyar na tindig mula sa di kalayuan. Naningkit ang kanyang mga mata ng aninagin ang isang taong naglalakad palapit sa kanya. Ang naniningkit na mga mata ay unti-unting bumilog dahil sa pagkagulat at kasabay niyon ang pangingilabot.
"Salamat sa pag bisita, Inyong Kamahalan." rumehistro sa kanyang pandinig ang tinig na iyon na huli niyang narinig noong nakaraang isang libong taon. 'pagbisita?' ulit niya sa isip niya. Ngunit wala siyang ideya kung paano siya napunta dito at kung saan siya dumaan. Ngumiti ang lalaking nasa harao niya na siyang nakapagpabalik ng kanyang atensiyon.
"A-Akira..." ang tanging nasambit niya.
"Ako nga, Kamahalan." tugon ng dating hari. Ngumiti ito na tila ba sabay silang nabubuhay sa iisang panahon at oras. Ang pinagkaiba lang at malaki ang tanda ng hitsura nito.
Sinubukan niyang hawakan ang kaharap. Ngunit dinala ng hangin ang mga abong nagkalat sa harapan niya. Ilang sandali pa ay nasa harap na ulit niya ang Haring Akira.
"Matagal-tagal na rin nang muli tayong magkita. Sana ay nasa mabuting kalagayan ang lahat."
"Nasa mabuti namang kalagayan ang lahat, ang inaalala ko ay ang mga nangyari noong nakaraang isang libong taon."
"Patawad ngunit iyan ang isang bagay na hindi ko maaaring sabihin sa iyo ng personal, Kamahalan. Hinarap kita ngayon sapagkat nais kong ibigay sa iyo ang bagay na ito." matapos na magsalita ni Akira ay inilabas niya ang isang asul na sobre. Sing-liit lang ito g isang maliit na dahon kung titignan. Marahan niyang iniabot kay hera ang sobre na sa sobrang nipis ay hindi maramdaman ng kanyang daliri.
"Pangatlong liham?" tanong niya kay Akira. Ngumiti at malumanay na umiling. Lalong lumapad ang ngiti nito ng mapansin ang pagkunot ng kanyang noo.
"Pangalawang liham." Sabi nito ng nakangiti. "Ang hinawakan mo kanina na may pirma ko ay hindi isang liham kundi isang susi sa lagusan papunta dito sa akin, Kamahalan."
"Kung ganoon ay kailan ko makukuha ang ikatlo?" Tanong niya agad rito sa pag aakalang sasabihin nga nito kung kailan. Nadismaya siya ng bigla itong sumimangot tulad ng ginagawa nito noon noong binata pa ito at prinsipe pa lamang.
"Ano ka ba naman kamahalan. Ayaw mo na bang makita ang gwapo ko mukha?" Sabay tawa nito na akala mo ay walang marka ng katandaan sa noo at pisngi. "Sa pangalawa muna tayo. Saka na 'yung ikatlo kamahalan. Matatagalan pa ang pagdating nun dahil hindi pa panahon. Isa pa, tatlong beses mo lang ako akong makikita. Sa Oras na matanggap mo ang ikatlo ay iyon narin ang huling beses ba makakausap mo ako. Una ngayon upang sabihin sayo na nagagalak akong nabasa mo na ang unang liham at iabot sa iyo ang pangalawa."
"Kung ganon ay ito ang una nating pagkikita. Kailan ang ikalawa?" Usisa ng reyna sa kaibigan.
"Huwag kang ganyan, Kamahalan. Baka pagselosan ka ng aking asawa. Hahahahaha!" Humalakhak ito ng malakas ngunit mapapansin parin ang pagiging matikas na hari habang tumatawa. Napangiti ang Reyna. Hindi niga ito mahawakan ngunit mas mabuyi na rin iyon kaysa mabatukan niya ng dahil sa pagbibiro nito.
"Matanda ka na. Hindi na patay na patay sayo 'yon." Ganting biro ni Hera.
"Palibhasa ay hindi ka namin nakasamang tumanda dahil bigla kang nawala." Biro lang dapat iyon ngunit ikinatahimik ni Hera. Naging matamlay ang ngiti nito. Lalo niyang ninais na maakap ang kaibigan.
"Kung sana ay maibabalik ang oras at panahon, Aki." Malungkot na sabi ni Hera. Tumabi sa kanya ang dating Hari.
"Kamahalan, bukod sa reyna ay kaibigan kita. Alam kong kakayanin mo lahat dahil hindi ka nagiisa. Nariyan na ulit si Clyde at ang kambal mo. Ipinagpapasalamat kong hindi ninyo kami kinakalimutan. Pero, kailangan niyo na kaming hayaan sa kabilang buhay. Lagi kaming nakabantay sa inyo at nagdadasal sa bawat labang kakaharapin niyo." natigilan si Hera. Tama si Akira. Hindi parin niya makalimutan ang kanilang henerasyon at ang mga nangyari nitong mga nakalipas na siglo.
"Nakakatawa na nalaman mo ang lahat noon dahil kay Rim pero hindi mo man lang sinubukan na sabihin sa amin ang mangyayari. Ang lahat ng nangyari." Nakatingin sa kawalan na sambit ni Hera.
"Kung sinabi ko 'yun. Maaaring mas lumala ang sitwasyon."
"Alam ko." Nakangiti niyang sagot kay Akira. "Ikaw pa. Alam ko naman na matalino ka, Aki. You will never make a situation worst and you always knew what to do."
"Hahahahahaha Alam ko!" Sabi niya habang tumatatawa ng malakas. "Oh itago mo na to dahil ang ingay ingay na ng asawa mo!" Sabay abot niya ng liham kay Hera. Kumunot ang noo ng Reyna sa huling sinabi nito. Ngumiti ito at itinuro ang kanyang likuran. "Hanggang sa muli." Huli nitong sabi. Lumingon sa likuran ng mapansin niyang nasa harap na niya ang asawa niya na sunod sunod ang tanong. Hindi niya muna ito pinansin at muling nilingon si Akira ngunit wala na ito. Hindi man lang din niya napansin sa huminto na ang ipo-ipo.
"Hey, I'm asking you if you're okay?" Untag ng asawa niya sa malambing at nagaalalang tinig.
"Huh?" Napalaki ang mata niya at sabay na umangat ang kilay na sagot sa asawa.
"We've been calling your name a few times and all you did is smile at nowhere and talk to someone can't be seen. You even put a barrier between us." Paliwanag ng asawa na labis na nag-aalala. Nakahawak ito sa mga braso niya at bakas ang pagaalala sa mukha. Napangiti nalang siya at pinisil ang pisngi nito.
"Let's talk about it later, okay? Ready na ba ang lahat?" Nakangiti niyang tanong sa asawa. Kumunot ang noo nito at bahagyang nainis ng ibahin niya ang ang usapan.
"Yes, Mom. I'll accompany him." Biglang sagot ni Generous. Na naroon na din kasama si Elijah.
Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Ako na lang ang maghahatid." Alok ni Heronui.
"I can handle it. No need to worry." Buong tapang at tigas na sabi ni Generous. Mabilis siyang lumakad papunta sa karwaheng gagamitin ng walang lingunan kaya hindi na tumutol pa ang kapatid at maging mga magulang niya.
Wala mang alam ay napakunot ang noo ni Elijah dahil sa kakaibang kinikilos ng mag-anak. Iniisip niya kung siya ba ang dahilan ng pagsusungit ng prinsesa gayong wala naman siyang ginagawang masama.
Habang nag-iisip ang binata ay bigla nalang siyang nagulat ng sumulpot ang Hari sa harapan niya at sinuotan siya ng Handcuffs. Ngunit napakunot siya ng noo ng bigla siya nitong ngitian ay may ibinulong sa kanya na hindi niya nakuha ang kahulugan. Bago pa siya makapag tanong ay umalis na si Clyde sa harap niya. Bigla naman siyang inakay ng isang kawal papasok ng karwaheng sinakyan ni Generous. Muli niya pang nilingon si Clyde ngunit naglalakad na ito papasok ng palasyo kasama ng Reyna.
Nang sumara ang pinto ay napatingin siya sa labas ng bintana. Nagsimulang umaangat mula sa sahig ang karwahe at naging dahilan ng pamumuo ng kaba sa dibdib niya. Napansin niya pa ang kahawig ni Generous na lalaki at isang medyo may edad ng lalaki na nakatingin sa karwaheng sinasakyan niya. Naalala niya na nakita niya ang dalawang iyon noong isang araw,noong mismong pagsulpot niya rito. Ang prinsipe at ang ginawag nitong Uncle.
Lalong tumaas ang lipad ng karwahe at nagsisimula na itong umandar. Rinig na rinig din niya ang kumpas ng naglalakihang pakpak ng mga pegasus. Napatingin siya sa kaharap na Prinsesa. Nakapikit lang ito at nakaupo ng diretso. Magka-krus ang mga braso. Seryoso naman talaga si Generous kahit noon pa man na siyang namana niya sa kanyang ama ngunit kahit mukhang seryoso ay hindi maiwasang mapangiti ng sinumang tititig sa kanya mukha. At iyon ang nangyari sa binata.
"It is rude to stare at people who is trying to have a nap." Nagulat ang binata ng magsalita si Generous ngunit nakapikit parin.
"Pasensiya na po." Sagot nito at nag-iwas ng tingin. Tumingin siya sa labas ng bintana at napanganga na lang ng makita niya kung gaano kataas ang lugar na kinaroroonan niya, ang mga magagandang bagay at nilalang na nakikita niya at ang lahat ng kamangha-manghang mundong nakikita niya ngayon. Napalunok siya sandali at napangangang muli. Saka niya nilingon ng dahan dahan si Generous na ngayon ay nakangiti ng kaunti at nakatingin sa kanya.
"Yes?" Simpleng tanong ni Generous.
"Ang ganda." Sambit ng binata at hindi parin makapaniwala. "Ang ganda ganda ng lugar na to. Tapos ang ganda ganda din ng prinsesa dito." Napatawa si Generous.
"Pwede ka namang dumito muna. Bakit ka ba nagmamadaling umuwi sa Mortal world?" Bigla ay nagbago ang pakikipag-usap rito ni Generous. Kaswal na kaswal na pananalita pa ang ginagamit niya.
"Hindi po pwede. Sigurado pong nag-aalala na ang lolo kong may sakit at ang kapatid ko pong mas bata sa akin."
Nag-iwas ng tingin si Generous. Alam naman niyang tatanggi ang binata sa suhestiyon niya ngunit pakiramdam niya ay si Zee mismo ang tumanggi sa harap niya. Lihim niyang pinagtawanan ang kanyang sarili dahil sa naisip. Lagi niya itong napagkakamalan gayong hindi naman talaga ito ang taong nasa puso't isip niya. Winaksi niya ang mga gumugulo sa isio niya at saka muling pumikit.
Ang binatang si Elijah naman ay nanahimik nalang kahit na marami pa siyang gustong malaman. Gusto niyang magtanong at mang usisa. Kaya lang nauunahan siya ng takot at hiya—takot na mapahiya. Prinsesa ang kaharap niya kaya't iniisip rin niya kung paanong kikilos ng tama. Nakita niya kung paano ito igalang mga nasasakupan nito at nasaksihan niya na hindi basta prinsesa lang ang babaeng ito. Hindi niya maramdaman ang panganib ngunit hindi parin mawawala ang takot na kanyang naramdaman mula pa noong unang beses siyang makakita ng mga kakaibang nilalang sa lupaing ito.
Tahimik man at seryoso, may pagkakataon mang nakakatakot ang presensiya ni generous ay hindi maitatanggi ni Elijah na napakagaan ng loob niya rito. Ito kasi ang pinakaunang kumausap sa kanya at nagpakita ng mabuti. Hindi niya napigilang sumulyap muli sa magandang prinsesa ngunit nagkataon naman na nakatingin pala iti sa kanya.
"Do you want to say something?" Biglang tanong ni Generous sa kanya. Nasamid siya at napahalukipkip sa gilid ng karwahe. "Until now you're still afraid of me? I won't bite, seriously." Natatawang dagdag ni Generous. Bigla niyang ikinumpas ang kamay. Nagukat si Elijah ng bigla na lang nakalag ang posas na nasa kamay niya.
"Hindi naman sa ganun mahal na p-prinsesa." Nagulat man sa ginawa ni Generous ay nakahinga siya ng maluwag mediyo naging komportable rin siya.
"Magkwento ka."
"P-po!?"
"Tell me a story." Ulit ni Generous. Napakunot ng kilay si Elijah at kapagkuwan ay bigla na lang napangiti dahil sa pambihirang sense of humor ng kaharap niya.
"Ano po bang gusto niyong kwento?" Umayos ng upo at kanyang kinlaro ang lalamunan.
"I don't really like happy stories because I don't have a happy ending one. However I'm not into sad stories."
"Huh? Eh anong ikukwento ko?" Tanong niya sa sarili.
"How old are you?" Biglang tanong ni Generous.
"21 po. Kayo po?"
"I'm a bit older than you." Sabi na lang ng prinsesa. Hindi niya maintindihan kung bakit pero bigla siyang nahiya na sabihin ang eksaktong edad niya. "How do you live your life in the other world?"
"Tatlo lang po kami sa bahay namin. Ako, yung lolo ko at nakababata ko pong kapatid. May sakit po yung lolo ko kaya ako ang nagpapatakbo ng neosyo niya at nagaalaga sa kanya at sa kapatid ko." Simula niya. Bigla ay naging komportable siya sa pagkukwento. Nasabi niya lahat ng natatandaan niya mula pagkabata. Namatay ang mga magulang sa plane crash habang papuntang Europa para sa isang business trip at ang pinaka bunsong kapatid niya na nawala noong nasa Gradeschool palang ito. Hanggang ngayon daw hinahanap parin nila ito. Naikwento niya rin ang dahilan ng pagkakasakit ng kanyang lolo. Bukod sa katandaan ay labis raw itong nangulila sa pagkawala ng kanyang lola.
Nalilibang si Generous sa pakikinig sa pagsasalaysay ng binata sa buhay nito. Nakikinig siya kahit na kung tutuusin ay hindi naman niya kailangang alamin pa ang buhay nito. Ngunit natutuwa siya dahil nagsasalita ito at nagkuwento sa kanya na para bang bago silang magkakilala. Hindi man lang nila namalayan na lumapag na ang gulong ng karwahe at nakahinto na rin sa harap ng lagusan.
"Nandito na pala tayo mahal na prinsesa. Pasensiya na po at naging napakadaldal ko." Sabi ni Elijah at saka bumaba ng karwahe. Agad niyang pinunasan ang kamay at sinugurong malinis ito bago inalok ang kamay sa prinsesa upang alalayan itong bumaba.
"Thank you." Maiksing sabi ni Gen at saka inavot ang kamay ng binata. "You can save your stories for later. We still have a long way to go." Sabi niya saka itinuro ang mahabang kweba sa harap nila. Bumuka ang tubig ng talon at lalong lumantad ang malaking bunganga ng kweba.
"Ang ganda." Manghang bulalas ni elijah ng makita niya ang rumaragasang tubig mula sa talon na may ibat't ibang kulay. Nang tignan niya ang likuran niya ay nakita niya agad ang ilog kulay bahaghari. Napakataas rin ng lupang kinatatayuan niya kaya nalula siya napaatras. "Prinsesa, napakaganda po talaga dito sa inyo. Sana ay makita rin ito ng lolo at kapatid ko."
"We can consider that. But, I still need a permission from the King." Agad na sabi ni Generous. Natuwa siya sa hindi niya malamang dahilan.
"Naku! Hindi na po mahal na prinsesa." Nahihiya nitong tugon.
"Well, let's go?" Alik ni Generous at saka iminwestra ang daan. Itinulak ng isang kawal na kasama nila ang kwadradong bato sa gilid ng talon upang lumitaw ang tulay papasok sa kweba.
Habang naglalakad sa loob ng kweba ang dalawa kasama ang dalawang kawal ay patuloy parin ang pagkamanghang dulot ng kakaibang paligid kay elijah.
Nang makarating sila sa dulo ay naroon ang isang malaking portal. Ito ang pinakapangunahing portal sa buong Genovia at kahit sa iba pang mundo. Ang sinumang naatasan o kaya ay pinahintulutan ng hari at reyna na maglabas pasok sa mundong ito sa mundo ng mga mortal ay dito dapat dumaan. Masasabing illegal o tresspasser ang sinumang papasok sa Geovia na Hindi dumaan dito tulad na lang ni Ekijah at ng dalawa pang pinaghahanap na Mortal. Ipinakiwanag na ito ni Generous kay Elijah noong unang araw ng binata dito ngunit ngayon niya lang ito nakita ng personal.
Ang Portal ay kulay asul na Hangin. Paikot ikot lang ito at gumagalaw sa iisang direksiyon lang sa paikot nito ay may mga nakalutang na maliliit na bato na kung saan ay pupuntiryahin ka kung ikaw ay hindi pinahintulutang pumasok rito.
Huminto si Elijah sa harap ng portal.
"Mahal na prinsesa." Magalang na tawag niya kay Generous.
"Don't you know my name, young man?" May halong inis na tanong ni Generous.
"O-opo."
"I already told you my name and you keep calling me 'mahal na prinsesa'." ( Isang paalala: when generous says do it. Mainitin parin ulo niyan. )
"S-sorry po."
"I'm not mad. And please cut off the 'po'." Tumango ang binata. "What is it?"
"Itatanong ko po—" napalunok siya at saka napakalamot sa ulo. "Itatanong ko lang sana kung nakapunta ka na sa mundong pinanggalingan ko."
"Hindi pa." Pagsisinungaling niya. "Bakit? Are you gonna invite me?" Diretsong tanong ni Generous. Walang paligoy ligoy pa. Alam naman niya sa sarili niyang gusto pa niyang makasama kahit sagkit ang binatang ito na kamukhang kamukha ng kanyang asawa.
"Ahm." Nagaalangan na napatingin si Elijah sa dakawang kawal. Napansin ni Generous ang pagaalangang iyon.
"I can join you." Sabi ni Generous at akmang lalapit sa portal. Alam niyang hindi sasangayon ang mga kawal dahil sa utos ng kanyang mga magulang. Ngunit si Generous ay si Generous. Bumaling siya sa mga ito. "I'll be back shortly."
"Your majesty, mahigpit pong pinagbilin ng mahal na hari na tanging ang mortal na ito lamang po ang maaring tumawid." Magalang at nakababa ang ulo na sagit ng kawal.
"Alright." Sangayon agad ni Generous. Agad niyang itinulak si Elijah sa kanyang likuran at muntik ng lamunin ng portal. Dumikt siya kay elijah habang umaatras papalapit sa portal. Sabayna umaatras ang dalawa. Si Elijah naman na halatang nagulat sa kilos ni Generous ay sumunod na lang din.
Nabahala ang dalawang kawal dahil mukhang sasama nga ang prinsesa sa mortal world. Sabay nilang nilapitan ang prinsesa upang mapigilan na pumasok sa portal ngunit hindi pa man nakakahakbang ay nalaman na ni Generous ang gagawin nila. Ikinumpas ng prinsesa ang kamay. Huminto ang katawan ng dalawang kawal sa pagkilos. Sapat na ang ilang segundong freezing spell na inilagay ni Genrous upang maitulak niya ng tuluyan si Elijah papasok ng Portal at saka paatras na pumasok rin siya doon. Nang mawalan ng bisa ang spell ay sinubukan pang habulin ng dalawang kawal si Generous bago pa sumara ng tuluyan ang portal ngunit wala na silang nagawa pa.
Agad na tumakbo ang dalawang kawala palabas ng kweba. May mga kawal na naroon na naghihintay. Agad nilang pinaharurot ang karwahe pabalik ng palasyo upang ipaalam sa Hari ang nangyaring pagsama ni Generous sa Mortal World.
Nang makarating palasyo ay agad na sunalubong ang mag-asawang Firro , si Heronui at Norm sa mga parating na kawal. Nakita na ni Hera kung anong nangyari, tanging kumpirmasyon lang mula sa mga kawal ang nais nila.
"What happened?" Kalamadong tanong ni King Clyde.
"Your Highness, we sincerely apologize." Sabi ng heneral.
"Where is my daughter!?" Sigaw ni Queen Hera. Agad siyang hinawakan sa balikat ng Hari upang kahit papaano ay hindi siya mag histerical.
Nagkatinginan naman ang magtiyuhin sa likuran ng mag-asawa. Sabay na napangiwi dahil sa pasaway na si Generous. Lalo silang malilintikan na dawala dahil sa pagiging pabaya nila noong nakalipas na anim na araw. Bukod sa hindi pa nila nahahanap ang dalawa pang tao na napadpad sa Genovia ay bigla namang aalis si Generous.