"Just don't forget about Riya Chan, Liu." Iyon lang ang sinabi nito bago tuluyang umalis. Who's Riya Chan? Kanina pa ito tumatakbo sa isip ko hanggang sa kalabitin na lamang ako ni Mei. "Oy babae pumasok ka nga pero lutang ang utak mo." "Ha?" Umirap ito sa akin. "Ano ka ba? Kanina pa namin pinag uusapan ang birthday ni Layla." Layla is our colleague. Napatingin naman ako sa iba pa naming mga kasamahan hanggang dumating si Madam Jiang. "Madam Jiang good morning po." Sabay sabay kaming napatayo. Malaki ang pagkakangiti ni Madam Jiang at may halong kaba. "Everyone be prepare. Mr. Van Shen will arrive here shortly." Anunsyo nito. Napahawak naman sa kamay ko si Mei at nagkatinginan kaming dalawa. Hindi naman kasi alam ng buong kompanya ang tungkol sa amin ni Liu. Napatingin kami sa mala