"Vianna?"
Kinapkap ko ang katabi ko pero wala ang babae. Nagising ako sa panaginip kong iyon. Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha. Ang nagkakagulong tao at ang mga hiyawang iyon...
"Vianna?" muling tawag ko sa babae. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo mula sa kama. "Where are you?" Bakit paulit-ulit na lang ang panaginip kong iyon?
Ilang gabi nang nagigising ako dahil sa mga alaalang iyon at para itong bangungot na bumabalik lagi. Bumabalik na naman ang pait na nararamdaman ko tuwing sumasagi ang pangyayaring iyon. Napatingin ako sa kama bago napangiti nang mapait. Ang masalimuot kong buhay may-asawa! Ilang beses na ba? Hindi ko na mabilang. Isang taon mula nang ikasal ako, pilit kong sinisiksik ang sarili ko sa asawa kong walang kaamor-amor sa'kin. "V-Vianna?" malakas kong tawag pero walang sagot mula sa babae.
Umingit ang pinto nang dahan-dahan kong buksan ito. Mapusyaw na liwanag sa sala ang bumulaga sa'kin. Ilang gabi ko nang napapansin na lagi akong nagigising na wala ang asawa ko sa tabi ko. Nakapatahimik. Sa Quezon province kami nanirahan ilang buwan pa lamang nang maikasal kami. Mahirap man nang una pero alam kong mahuhulog din ang loob ng asawa ko sa'kin. Ang mga panaginip kong iyon, bumabalik ang masalimuot kong buhay sa panahon ng kabataan ko bago ako napunta sa mga Pilipino kong magulang. Bakit hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang kalbaryo ko nang kabataan pa'ko, sa Syria kung saan ako nagmula bago napadpad sa Pilipinas nang may umampon sa'kin.
Takot ang nararamdaman ng musmos kong isipan nang sumulpot sa harap ko ang mga naka-unipormeng mga kapulisan. Dalawang tao ang aking nakita, isang babae at isang lalake. Napaurong ako nang dahan-dahang lumapit sa'kin ang lalake.
"Hello, young man."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito pero ang mukha nito, may galak itong hatid nang sipatin ako nito mula ulo hanggang paa. Sino ang mga ito? Napakaaliwas ng mukha nito. Ang takot ko kanina, unti-unting nawala nang dahan-dahan nitong ilabas ang isang laruan. Kumislap ang mata ko nang matutok ang tingin ko sa plastic na laruan.
"This is for you. Come closer, young man." Nangingislap ang mata ng lalake nang titigan nito ang batang lalake. "You will be my Cloud, my son. This is Mama and—" Saglit na natigilan ang lalake nang tapikin siya ng asawa.
"M-mahal, nabibigla ang bata. Hayaan muna nating mapalagay ang loob niya sa'tin. Napakaguwapo!" Kumislap din ang mata ng babae nang balingan nito ang bata. "I can't wait, mahal, na madala na natin siya sa Pilipinas."
Napangiti ako nang salubungin ko ng tingin ang nangungusap na mata ng babae. Wari'y atubili itong hawakan ako pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong giliw na giliw sa kumikislap na suot nito.
"Do you like it, Cloud?" Nanantiya ang mukha ng babae nang haplusin nito ang mukha ng batang natigilan. Bigla nitong tinanggal ang pagkakahawak sa damit ng ginang. Isang kulay silver na damit ang suot nito dahilan upang kuminang ang kulay nitong natatamaan ng ilaw. "You like this color, anak?"
Isang mahinang tawa ang kumawala sa lalake nang balingan nito ang asawa. "Mahal, hindi siya nakakaintindi ng Tagalog or even English I think. They speak Arabic here. Ok na ang papeles niya kaya makakalipad na tayo pabalik ng bansa kasama si Cloud."
Tumingkayad ng upo ang lalake at takang-taka ako nang guluhin nito ang buhok ko. Singkit ang mata nito hindi kagaya ko. Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko. Nasa loob kami ng isang kwarto kasama ang ilang mga tao. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ibang-iba ang hitsura ng lalake kumpara sa'kin dahil may pagka-asul ang mata ko. Kipkip ko ang laruang bigay ng mga ito bago ako kiming sumulyap sa babae. Malugod itong nakatingin sa'kin at nakangiti ito nang pagkatamis-tamis.
"C-Cloud."
Umangat ang tingin ko sa mukha ng lalaking nakatayo sa harap ko. Dahan-dahang umangat ang kamay ko nang makita kong nakalahad ang kamay nito. Nagtaka ako nang biglang umiyak ang babae sabay yakap sa lalaking hawak ko ngayon.
"Isang pangarap ang magkaro'n ng anak kagaya niya, m-mahal. May anak na tayo. Thank you, everyone." Bumaling ang babae sa mga kasama sa loob ng opisinang iyon. Thank you for processing everything, we are the legal parents of this child now. He will have a good life back home."
Wala akong naiintindihan sa sinabi ng mga ito. Basta ang alam ko, sasama ako sa mga ito sa pag-alis dito kung saan—napaiyak ako nang malakas nang maalala ko ang nakakalunos na hitsura ng aking magulang. Ang duguang katawan ng mga ito kasama ang ilan pa. Ang sunod-sunod na pagsabog at hiyawan ng mga tao. Ang nagmamadali kong magulang akay ako bago ako napunta rito. Nang nasa labas na kami ng bahay, isang nakakakilabot na pagsabog ang narinig ko bago nagdilim ang lahat sa'kin. Naramdaman ko ang pag-angat ko nang buhatin ako ng lalake kasabay ang mahinang pagtapik nito sa likod.
"You're only five years old but you're experiencing all these. We will help you to recover, my son. I will give you a happy childhood."
Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ng lalake sa'kin, wari'y nanlubag ang loob ko sa ginawa nito. Napatingin ako sa babae bigla nang punasan nito ang luha ko. Naiyakap ko ang maliliit kong braso sa leeg ng lalake bago ako nakaramdam ng pagod at antok.
"He's totally an orphan. We will continue to check on him even though he's already in the Philippines. Any news about his relatives, we'll let you know the soonest we can."
Hinang-hina akong napaupo sa sofa sa sala. Why my childhood memories keep hunting me? Kulang na kulang ang pagkatao ko ngayon. Nakagat ko ang labi ko dahil sa pangungulilang naramdaman ko. Matagal nang patay ang mga taong umampon sa'kin. Sila ang kinikilala kong magulang. Sila ang nagpabago sa masalimuot kong kabataan. Isa akong refugee na nagmula sa Syria at nalagay sa isang orphanage. Maswerte akong napunta sa kamay ng mabubuting tao. Solo na'kong namumuhay at ngayon kahit ang asawa ko, wala lagi sa tabi ko. Nang maalala ko si Vianna, napatayo ako. Inikot ko ang buong bahay pero hindi ko matagpuan ang babae.
"V-Vianna?" malakas kong tawag nang makalabas ako sa gate. "Where are you, Vianna?"
Naglayas kaya ang babae? Alam kong pwersahan ang pagpapakasal sa'ming dalawa ng lolo nito na sinang-ayunan ko na lang. Paunti-unti ko na ring minahal ang babae. I'm the man with dignity. Si Lolo Romualdo—napangiti ako sa kabutihan nito sa'kin. Napapayag ako nitong pakasalan ang nag-iisa nitong apo na babae.
Dumako ang mata ko sa isang sasakyan na nakaparada sa labas ng gate ng bahay ko, ang sasakyan ni Vianna. Malalaki ang hakbang ko nang puntahan ko ito pero dahan-dahan na ang ginawa kong paglapit nang makita ko ang nasa loob nito. Si Vianna at ang isa pang babae, naghahalikan! Pinanlamigan ako ng katawan sa aking nasaksihan. Halos hindi ako makapagsalita. Sumulak ang dugo ko nang mahimasmasan ako bigla.
"V-Vianna!" pasigaw kong tawag sa pangalan nito. "What is this?" Bukas ang bintana ng sasakyan kaya kitang-kita ko ang pakikipaghalikan nito sa isang babae. Exposed din ang katawan nito dahil wala na itong damit pang-itaas.
"C-Cloud?" Nataranta na ito nang buksan bigla ng asawa ang pinto ng sasakyan. "W-wait, let me e-explain, C-Cloud." Napahawak agad ito sa kamay ng asawa para pigilan ito. "Go back inside the house, Cloud. Let's talk there, not here. Nakakahiya."
Nakakahiya? Umigting ang panga ko nang balingan ko ang asawa kong biglang umismid. Nadako ang tingin ko sa isang pang babae na nasa loob ng sasakyan nito. Maikli ang buhok nito at may hitsura rin ito.
"Who are you?" Hindi ako nakapagpigil nang hablutin ko ito palabas ng sasakyan. "Why you're kissing my wife? f**k!" Mabilis nitong nawaslik ang kamay ko kaya nabitawan ko ito. "V-Vianna, who's this lady?" Galit kong binalingan ang asawa ko pero umismid lang ito at tinaasan ako ng kilay. "Bakit kayo naghahalikan sa loob ng sasakyan mo?" Pigil na pigil ko ang pagtaas ng boses ko dahil alanganin na ang oras. "A-answer me, Vianna!"
Isang sampal ang pinadapo ng babae sa mukha ni Cloud nang balingan nito ang asawa. "Where's your manner, Cloud? Huwag mo siyang bastusin," inis na anas ng babae sabay tulay sa lalake nang tangkang humawak ito sa kamay nito. "Kinasal lang tayo dahil sa pagpupumilit ni Lolo, hindi dahil sa pagmamahal. Pumasok ka sa loob muna, Cloud, do'n tayo mag-usap. Maine, I'll see you at the office. I'm sorry, babe."
"What the f**k, Vianna! She's a woman like you, why you're calling her babe?"
Matalim kong sinundan ng tingin ang tinawag na Maine ng asawa ko nang pumasok ito sa sasakyan. Nakakaloko pa itong ngumisi sa'kin bago ito nagbigay ng dirty finger. Mabilis nitong pinasibad ang sasakyan nang akmang lalapitan ko sana uli. Para itong bulang naglaho sa harap namin.
"Don't try my patience!" gigil na anas ko nang akmang susundan ko ito. "Who's that f*****g woman, huh?"
"C-Cloud!" Humarang agad ang katawan ni Vianna at hinawakan na nang mahigpit ang braso ng lalake. "P-pumasok na tayo sa bahay, please."
Napasunod ako kay Vianna at sinara ko na rin ang gate nang magpatiuna na ito. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sobrang sakit dahil sa isang taon naming mag-asawa, natutunan ko na siyang mahalin. Pinapahalagahan ko sobra ang dokumentong pinirmahan namin at ang tiwalang binigay ng pamilya nito sa'kin.
"Vianna!" galit kong tawag sa kanya nang makapasok na kami sa bahay. "W-why are you doing this? B-bakit, Vianna? Babae ka!"
Tumawa nang pagak ang babae bago dahan-dahang lumapit sa asawa. "My dear Cloud," anas nito sa mukha ng lalake. "Matagal na kaming magkarelasyon ni Maine pero nagpakasal tayo, 'di ba? You ruined me, Cloud, so don't expect I'll love you back. That won't happen!"
Napatango ako sabay hawak sa braso ng babae pero deep inside, parang sasabog na ako. "You're right, Vianna, there's no love between us but I learned to love you. Ako mismo ang puputol sa sungay mo kung 'yan ang nararapat para tumino ka. Kung kailangan kong sabihin sa pamilya mo ang kalokohan mong ito, I'll do it right away. I'm your legal husband and you know that. You really can't, Vianna! I legally own you, my dear wife. Putulin mo na ang kalokohan mong ito hangga't kaya ko pa. Bakit paulit-ulit mo itong ginagawa?"