Tomboy, ‘yan ang kadalasang naririnig niya sa mga kaklase at mga kapitbahay. Halos lalaki rin kasi ang naging mga kaibigan niya. Hindi niya ito pinapansin dahil alam niya sa sariling babae siya.
Mabilis na kinuha niya ang sombrero at inilagay sa ulo. Hindi iyong normal na suot. Patalikod kung isuot siya nito.
Siya, si Mariah Jane Dimaano, ang labinglimang taong gulang na anak ng mayordoma ng mga Davis. Maia siya kung tawagin ng kan’yang pamilya. MJ naman siya sa skuwelahan.
Unang araw niya ngayon sa trabaho kasama ang ina. Ilang beses na siyang humiling sa ina na sumama pero hindi ito pumayag. Ngayon lang dahil umalis ang isang hardinera ng mga Davis.
"Maia, pakibilisan mo jan! Baka tanghaliin tayo!" narinig niyang sigaw ng ina.
"Palabas na po!" magalang niyang sagot dito.
Paglabas niya ng kwarto ay saktong papalabas na din ng pintuan ang ina.
"I-lock mo ‘yan anak, ha," bilin nito.
"Opo!"
Apat na kanto din ang layo ng mansion ng mga Davis. Excited siyang pumasok sa mala-palasyong bahay ng mga ito. Labas lang ang nakikkta niya palagi kapag napapadaan dito. High-tech ang mga kagamitan ng mga ito. Punong-puno din ng mga CCTV camera's.
"'Wag kang magpapasaway doon anak." Lingon ng ina sa kan’ya habang naglalakad.
Mabilis kasi talagang maglakad ang ina. Parang akala mo ay hinahabol ng mga sanggano.
"Opo, inay!" sabi niya at binilisan ang hakbang para magpantay sa ina.
Namangha na naman siya ng makarating sa tapat ng malaking bahay na iyon. Agad na inilabas ng ina ang card nito at tinapat sa isang aparato para bumukas ang gate.
"Grabe, ang yaman talaga nila, inay!" manghang-manghang sabi niya ng bumukas ang gate. "Magkakaroon ba ako ng gan’yang card, 'nay?"
"Oo naman anak. Mamaya sabihin ko kay Sir!" nakangiting tugon nito.
"Yes!" masayang sabi niya. Napangiti naman ang ina sa kaniya.
Hindi niya halos matandaan kung saan sila pumasok. Napakalawak at maraming pasikot-sikot. Basta ang alam niya lang papunta sila sa servant's quarter na nasa likod ng magarang bahay na ito. Oo, nasa likod wala sa mismong loob ng bahay.
Mas lalo na naman siyang na-amaze ng mag-login ang ina sa isang touch screen monitor sa pamamagitan ng daliri nito. Nang matapos ito ay nilingon siya nito.
"Halika rito anak, mag-register ka muna. "
Tuwang-tuwa siyang lumapit sa ina. Nakita niyang may pinindot itong button at lumabas ang imahe ng hinlalaki.
"Place your thumb finger to start with," dinig niyang sabi ng boses na nanggagaling sa monitor. Lalo na naman siyang namangha.
Inabot ng ina ang hinlalaki niya at pinatong sa screen kung nasaan ang imahe ng hinlalaki. Nang magsuccessful ang scan ng hinlalaki niya ay sumunod naman ang mukha niya. Tinapat niya ang mukha sa camerang nasa gilid. Pagkatapos ay binilinan siya ng ina na kompletohin sagutan ang lalabas na form. Iyon lang at iniwan na siya ng ina. Basta ilagay niya lang daw ang buong pangalan, edad at address. Siya na ang nagtipa nito sa monitor.
Bigla siyang nagkainteres sa technology kung anong meron ang bahay na ito. Parang gusto niyang kumuha ng Information Technology pag nag-kolehiyo.
Pagkatapos niya doon ay pumasok na siya sa nakaawang na pinto. Naabutan niyang nag-aayos ang ina ng uniporme. Dahil walang kasya sa kanya, hindi na siya pinagbihis ng ina. Puting damit na loose at jogger pants ang suot niya. Nakasapatos din siya. Pinatanggal din ng ina ang sombrero niya.
Sumunod lang siya sa ina. Agad na binati ito ng ibang katulong pagkakita sa ina. Ang alam niya magiging assistant siya ng ina. Ibig sabihin lagi siyang bubuntot dito.
Lumapit ito sa mahabang mesa na puno ng pagkain. Lahat tinikman nito. Pagkatapos ay agad na inutusan siya ng ina na magdala ng pagkain na ililipat sa malaking bahay. May dala din ito, siyempre.
Hindi na naman niya mapigilang humanga sa bahay na iyon. Lahat ng natatanaw niya ay magagara. Dumercho sila sa dining room. Tumulong siya sa pag-aayos ng mga plato at kubyertos, ginaya niya lang ang mga kasamahan. Susunod sana siya ng tinawag ng ina.
"Dito ka lang anak sa tabi ko, hayaan mo na silang kumuha ng ibang putahe. Mamaya bababa na sila." Ang tinutukoy ng ina ay ang mga Davis.
Mabilis namang nakabalik ang mga katulong na dala ang mga natirang ulam.
Mayamaya ay may pumasok na babae na sa tantiya niya ay kaedaran ng ina niya kasabay ng guwapong may edad na rin. Nakangiti ito. Napako ang tingin nito sa kanya.
Napatingin siya sa isang makisig, matangkad, matipuno, morenong lalaking kasunod ng mga ito. Nakatingin ito sa kanya. Parang hindi marunong ngumiti.
"Siya na ba iyong bunso mo, Mel?"
Napalingon siya sa ginang ng marinig ang tanong nito.
"Opo, Ma'am!" Lumingon ang ina niya sa kanya. "Magpakilala ka anak," bulong nito.
Agad na sinunod niya ang ina.
"Magandang umaga po, ako nga po pala si Mariah Jane. Pero Maia po ang tawag sa akin nila inay. Labinlimang taong gulang po at kasalukuyang nasa Junior High po," magiliw at malambing na sabi niya na ikinangiti nito.
"Abay nakakatuwa at napakalambing pala ng anak mo, Mel at higit sa lahat maganda din," natutuwang sabi ng ginang.
Bigla siyang pinamulahan ng mukha sa sinabi ng ginang. Paano naman siya naging maganda eh mukha nga siyang tomboy.
Ngumiti naman ang ina niya ng lingunin ito.
Nagpasalamat naman siya sa papuri ng ginang.
Tanging kobyertos at pinggan lang ang naririnig niya sa mga sumunod na sandali. Mayat'maya din ang serve niya ng juice sa ginang. Kape naman ang sa asawa nito at sa guwapong anak nito.
Ang alam niya dalawa lang ang anak ng mga ito. Pinadala daw sa ibang bansa ang bunso para doon mag-aral.
Nag-serve din siya ng tubig sa binata ng maubos ang nasa baso nito.
"Thank you!" sabi ng baritonong tinig nito.
Pati pala boses, guwapo din. Hindi niya alam kung normal bang husky ito o hindi. Bago matapos ang kainang iyon ay pinatawag ng ginang ang lahat ng katulong.
Aalis pala ang mag-asawa para mangibang bansa. Ang pagkakaintindi niya ay doon na muna ito maglalagi kasama ng bunso dahil ang panganay na anak ng mga ito ang magpapatakbo ng negosyo.
Ngayon din pala ang alis ng mga ito kaya maraming ibinilin ang mag-asawa. Nakikinig lang ang binata.
Panay-panay naman ang sulyap niya dito. Di niya kasi mapigilang mapatingin sa kaguwapuhan nito. Hindi nito alam na kanina pa niya pinag-pipiestahan ang buong katawan nito.
Nagulat pa siya ng mapatingin ito sa kanya. Kaya agad na binawi niya ang mga mata dito at tumingin na lang sa ginang na naghahabilin.
Pagkatapos ng mga habiling iyon ay nagsibalik na sila sa trabaho. Tumulong siya sa paghuhugas ng mga pinggan. Nagdilig din siya ng mga halaman.
Bandang alas-dies ay inutusan din siya ng ina na magwalis ng mga tuyong dahon na malapit daw sa swimming pool.
Agad na tinungo niya ang bakuran ng mga Davis at hinanap ang sinasabi ng ina. Napakalaki naman talaga kasi ng bahay na iyon. Nakalimutan niyang itanong sa ina kung saan banda ang tinutukoy nito.
Nang makitang puno ng mangga na may mayabong na mga dahon at may bunga ay agad na nilapitan ito. Subalit malinis naman ang lupang kinatatayuan nito.
Nagpalinga-linga naman siya para hanaping muli. Napapitlag siya ng may baritonong boses na nagsalita. Hinanap niya ito. Paglingon niya sa kaliwa niya nakita ang matipunong palapit sa kinaroroonan niya.
"Are you lost, baby girl?"