Napangiti si Maia ng magring ang bell. Napatingin siya sa mga kaklaseng excited na ding lumabas. Hudyat na uwian niya. Excited lang naman kasi siya sa uwian. Pero bago niya mapagpasiyahang umuwi ay dumaan muna siya sa library nila. Nanghiram siya ng mga libro para sa assignment nila at para magreview na din dahil sa susunod na araw ay exam na nila.
Malapit na palang magtapos ang school year na iyon. Malapit na din ang graduation nila.
Palabas na siya ng library ng tawagin ng kaklase at kaibigang si Ram.
"Hoy, MJ! Nabigay mo ba kay Jessa iyong pinapabigay ko?" tanong nito. Regalo iyon na pinadaan lang sa kaniya. Type kasi nito ang kaibigan din niyang si Jessa.
"Oo, salamat daw! Dapat ikaw na magbigay sa sunod! Baka mamaya ako pa ang sagutin niya!" Biro lang naman niya.
"Gago! Sige subukan mong ligawan! Ipagkanulo kita doon sa crush mo!" kunyaring banta naman nito.
"Siyempre, joke lang iyon!" bawi niya.
"Alam ko! Pero hindi maganda yan! " Nakangising sabi ni Si Ram. Siya lang ang bukod tangi at naniniwalang pusong babae talaga siya.
"Mauna na ako! Kita kits na lang!" Nakangiting paalam nito sa kanya.
Mabilis na tinungo niya ang gate ng paaralan nila. Tinungo niya ang mga nagtitinda ng mga pagkain. Bumili muna siya ng fishball at kikiam. Nakaramdam kasi siya ng gutom. Bumili din siya ng palamig panulak.
Napalingon siya sa teacher nila na lakad-takbong papalapit sa magarang sasakyan. Guwapo rin ang teacher nilang iyon. Mayaman din, pero mas pinili nito ang magturo kesa humawak ng negosyo. Maraming admirers ito. Kaso wala naman siyang pinapansin kasi puro bata pa nga ng mga ka schoolmate niya.
Pagkatapos inumin ang palamig ay naglakad sa siya sa kinaroroonan ng teacher niya. Doon din kasi ang daan papunta sa mansion ng mga Davis.
Nakalusot ang kamay ng lalaking kausap ng teacher nila sa magarang sasakyang nito. Nang tumapat na siya sa kinaroroonan ng teacher nila ay binati niya ito.
"Good afternoon po, Sir William!" sabi niya. Natigilan siya ng mapako ang tingin niya sa kausap nito. Ang amo nila! Si Sir Elijah pala!
Ang guwapo guwapo nito sa suot na printed polo-shirt! Bakat na bakat ang makikisig nitong katawan. Napalunok siya ng mapatitig sa mamula-mula nitong labi.
Agad din naman niyang binawi ng magsalita ang teacher niya.
"O, pauwi ka na Miss Dimaano?"
"Opo, Sir! Sige po mauna na ako!" sabi niya at yumuko bilang tanda ng paggalang dito.
"Ingat ka!" sabi naman nito at tuluyan na siyang tumalikod.
Nang malayo-layo na siya ay napapadyak siya dahil sa kilig na nadarama niya. Nakompleto na naman ang araw niya! Hindi niya alam basta gustong gusto niyang makita ang amo. Parang gusto niyang tumalon ng mga oras na iyon. Pero pinigil niya dahil baka mapagkamalan pa siyang baliw ng mga tao.
Papaliko na siya sa kanto ng magulat dahil sa busina ng sasakyan. Muntik pa siyang mahulog sa kanal na nangingitim. Gusto niya sanang sigawan ang bumusina pero ng malingunan ang nakangiting amo niya ang nabungaran.
Nanlambot naman siya ng makita ang napakalaking ngiting iyon. Lalo na namang nadagdagan ang paghanga niya dito.
"Hop in!" sabi nito at narinig niya ang pagclick ng pintuan.
"P-po?"
"Sumakay ka na, iisa lang naman ang uuwian natin!" sabi pa nito.
"Naku 'wag na po, Sir! Sanay naman po akong maglakad!" Tanggi niya
Biglang nagbago naman ang ekspresyon nito.
"Sasakay ka, o bubuhatin kita? Mamili ka!"
Bigla siyang kinabahan sa tono ng pananalita nito kaya binuksan niya ang pintuan at sumakay na.
Pagupo niya ay napatingin siya sa nakangiting mukha nito.
"Sasakay naman pala, eh" pabulong iyon pero narinig niya pa rin.
Napasinghap siya ng lumapit ito sa kanya, napapikit siya pero makalipas ang ilang segundo ay walang dumapong labi sa kanya. Akala niya hahalikan siya nito. Naramdamn niya ang pag-ikot ng kamay nito sa gilid niya. Pigil naman ang hininga niya habang may kinakapa ito at napangiti ito ng maabot ang itim na parang sinturon sa gilid niya habang nakatitig ito sa kaniya. Kinabitan pala siya nito ng seatbelt!
Ambisyosa! sabi niya sa sarili.
Nakahinga siya ng maluwag ng umayos ito ng upo at nagsimulang paandarin ang sasakyan pauwi ng mansion.
Nahuhuli niyang tumitingin ito sa kanya at pagkuway ngingiti.
"May dumi po ba ako sa mukha, Sir?" tanong niya.
"Wala naman!" Hindi pa rin mawala ang ngiti nito na nakatingin sa palda niya pagkuway sa sombrero niya.
Wala pang limang minuto ay narating na nila sa Mansion nito.
Nagulat pa ang kanyang ina ng sinalubong nito si Sir Eli na kasama siya.
"Nakita ko siyang naglalakad, Nay Mely kaya isinabay ko na!"
Buti na lang at ito na ang nagpaliwanag. Kundi baka ano pa maisipang itanong ng ina sa kanya.
Agad na tinungo niya ang pathway papuntang servant's quarter at mabilis na nagbihis. Nagstay-in sila ng ina dahil iyon ang bilin ng mag-asawa. Bali silang apat lang na katulong ang narito. Iyong iba naman uwian, depende yata sa klase ng trabaho. Iyong dalawang taga-luto at silang mag-ina ang magkakasama. Pito lahat ang katulong na nagtatrabaho dito, maliban sa kanya dahil part time lang naman. Tatlong palapag ang servant's quarter. Kaya naman tig-iisa silang kuwarto.
Mabilis na nag-bihis siya at nagtime-in na. Agad na tinungo ang kusina at tiningnan kung may mga hugasin. Wala naman kaya bumalik siya sa dirty kitchen at tiningnan kung anong ginagawa ng mga kasamahan. Alas tres pa lang naman kaya kompleto pa ang mga katulong.
Halos nandoon pala sila, may naghihiwa ng mga gulay, naghuhugas ng karne at may nagluluto din.
"O, anjan ka na pala Maia, halika tulungan mo kami magbalat ng sibuyas at bawang." Si Nana Soleng, ang matagal na cook ng mga Davis.
"Sige, po!" masayang tugon niya at naupo sa bakanteng silya.
Pakanta-kanta siya habang binabalatan ang bawang. Napatingin siya sa niluluto ni Nana Soleng. Mabango at mukhang masarap iyon.
"Nana may handaan po ba? Ang dame naman po atang putaheng nakahanda."
"Darating kasi ang nobya at kaibigan ni Eli kaya nagpaluto siya." Sagot naman nito.
"Ah, ganon po ba?!" Bigla siyang nalungkot ng sinabi ng matanda na may nobya na ito.
"Maganda po ba ang nobya ni Sir?" wala sa sariling naibulas niya.
Nagulat siya ng si Nimfa ang sumagot.
"Naku, oo napakaganda nun, sexy, mayaman at matalino. Sabi ni Lucas baka ikasal na sila." Si Lucas ang family driver ng pamilya nila.
Mas lalo naman siyang nalungkot sa sinabi ulit ni Nimfa. Matanda lang ito sa kanya ng tatlong taon. Halatang kinikilig din ito sa amo. Minsan nahuhuli niyang nakatitig ito sa mga picture nito.
Hindi na siya nagtanong kasi baka ang susunod na sabihin nito ay "may anak na sila"
Tahimik na lang siyang gumawa ng mga pinag-utos ng mga nakakatanda sa kaniya.
Pagkatapos magluto ng mga ito, ay pina-tikim ulit nila sa ina at inihain na ang mga pagkain sa mesa. May mga dumating na daw kaya nagmadali silang naghanda.
Kagaya ng dating gawi ay nasa tabi lang siya ng ina. Isa-isa na ngang pumasok ang mga bisita ng binata. Parang pinagpala din ang mga ito sa kaguwapuham kagaya ng amo niya. Naggagandahan din ang mga kababaihang kasama ng mga ito.
Umalis ang ina niya sa tabi at May kinuhang Cake sa ref na malapit at inilagay sa mesa.
Huling dumating naman si Sir at may kasamang babae. Ito na marahil ang nobya nito. Para siyang na star struck sa ganda nito. Ang kikinis ng balat, matangkad, maganda, may poise. Kahit sino atang lalaki ay maakit agad dito. Tama nga ang sabi ni Nimfa. Walang-wala siya sa kalingkingan nito.
Nalungkot na naman siya. Napatingin siya sa sarili.
Nagpahanda ang binata sa ina ng wine. Kahit malayo ay nababasa niya anh mensaheng nasa ibabaw ng cake. Birthday pala ng nobya nito.
Natapos ang kainang iyon ng masaya ang mga bisita. Sila iyon, sila lang ang masaya. Na-heart broken lang naman siya ngayong gabi. Napabuntong hininga na lang siya.
Pinadala naman nga batang amo ang ilang barbecue at pagkain sa may pool at doon pinagpatuloy ang party. Hinatiran din nila ng alak.
Maaga naman siyang pinapasok ng ina sa kuwarto kasi mag pasok pa siya kinabukasan.
Naupo muna siya sa kamang naroon at napaisip. Tumayo siya at hinanap ang bestidang bigay sa kanya noon ng ina. Hinubad niya ang puting T-shirt at pambabang jogging pants. Sinuot niya ang bestida at kinuha ang makeup kit na nasa bag niya lang lagi. Napangiti siya sa repleksyon ng matapos, sa kabilang banda nalungkot siya dahil kahit kelan hindi niya mapapantayan ang angking kagandahan ng babaeng iyon. Hindi rin siya mayaman kumpara dito.
Mabilis na hinubad ang bestida at naghilamos na din ng mukha. Muling sinuot niya ang damit at pants na hinubad kanina.
Tinapos niya muna ang assignment at nagreview na din pagkatapos. Hindi niya namalayang nakatulugan niya ang pagre-review.
Lumipas ang mga araw lalong lumalim ang paghanga sa binatang amo. Minsan inuutusan siya ng ina na maglinis ng kuwarto nito kaya napapadalas niya itong makita.
Araw ng sabado, siya ang nakatokang maglinis ng kuwarto ng binata. Alas-otso na kaya umakyat na siya sa kuwarto ng binata para simulang maglinis.
Pero laking gulat niya na nandoon pa pala ito at tanging boxer brief lang ang suot nito Kaya napa-sigaw siya pero mabilis siyang nilapitan nito at hinapit siya papasok ng kuwarto ng nito.
Soundproof iyon kaya hindi na marinig ang sigaw man siya. Nakahawak pa rin ito sa beywang niya. Maya-maya ay napatitig ito sa kanyang mukha at bumaba sa mga labi niya. Nakita niyang gumalaw ang adams apple nito. Nagulat pa siya ng bitawan siya nito ng bigla na muntik niyang ikatumba. Pero nasalo naman ulit siya nito. Agad na binatawan siya nito.
Ang akala niya ay pumasok na ito! Hindi niya alam na naririto pa pala ito.
Agad naglakad ito patungo sa closet at pumili ng masusuot. Napatitig siya dito. Napakagandang tanawin. Napalunok siya dahil kitang-kita niya ang maumbok na pang-upo nito at nakaumbok sa harapan nito. Nagulat siya ng biglang nagsalita ang amo.
"Enjoying the view?" hindi niya alam kung ngiti ba yon o pang-asar lang.
Napatalikod siya bigla at naramdaman niyang pinamulahan na siya.
Ang lakas ng loob mong titigan ang amo mo! anang isip niya.
Pagkatapos magbihis nito ay nagmamadaling umalis at iniwan na siya nito
Makalipas ang isang linggo ay inanunsyo na ng teacher nila ang nalalapit na graduation.
Lalabas na din ang isang announcement kung sino ang top students sa mga susunod na araw. Kinakabahan siya kasi isa siya sa candidates, iyan ang sabi sa kanya ni Sir William.
Tuwang-tuwa siya ng umaga na iyon matapos makita sa bulletin board ng school nila ang resulta. Sa una ay hindi pa siya makapaniwala, kaya nagpakurot pa siya kay Jessa. Pero iyon talaga ang resulta! Siya lang naman ang top students ng batch nila!
Sumapit ang araw na pinakahihintay niya. Sa tatlong magkakapatid siya ang pinakamatalino. Kaya proud na proud ang dalawang kapatid niya ng ibalita sa mga ito. May kaniya kaniya ng buhay ang mga ito. May mga asawa't anak na din. Siya lang kasi ang nag-iisang babae sa magkakapatid kaya mahal na mahal siya ng kaniyang pamilya.
Mahigpit na niyakap siya ng kaniyang mga kuya nang matapos ang seremonya.
"Congratulations, my princess!" Nakangiting sabi ng panganay nila, si Macky.
"Baka prince!" Pabiro namang sabi ng sinundan niya, Si Martin. "Congrats kapatid, proud na proud si kuya sayo. Magtapos ka at huwag kang gagaya sa amin, na hindi na nakapagtapos." naluluhang sabi nito at ginulo ang buhok niya.
Kasama din ng mga ito ang mga asawa't anak nila. Magkakaroon sila ng kaunting salo-salo sa isang kainan na malapit sa skuwelahan nila kaya naman kompleto sila ngayon.
Senior High na siya sa susunod na pasukan. Nakatanggap siya ng scholarship sa isang magandang unibersidad. Kaya naman hindi na mahihirapan ang ina sa kanyang pag-aaral.
Pagkatapos nilang kumain sa labas ay kaniya-kaniya na silang uwian. Sila ng ina ay dumerecho na sa mansion ng mga Davis.
May mga natanggap siyang mga regalo mula sa mga kasamahan sa bahay. Pero ang umagaw ng atensyon niya ay ang magarang paperbag.
Tiningnan niya ang card na nakadikit sa paperbag. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang pangalan ng lalaking hinahangaan. Muntik pa siyang mapasigaw sa sobrang saya.