Roshana POV
"Aga natin ngayon, a," sabi ni Kiesha nang maka-upo ako sa upuan. Wala pa si Brix at kokonti pa lang ang mga studyante sa loob ng room.
"Maaga ka rin naman," balik kong sabi, ni pagngisi sa kanya ay hindi ko magawa.
Nakakabadtrip kasi ang nakita ko kahapon. I mean there's no such a big deal. Ano naman ngayon kung may Girlfriend si Herondale 'tsaka sobrang ganda pa. Ano ngayon kung nakasakay ito sa kotse niya?
Bakit pakiramdam ko nag-iinit ang ulo ko sa irita dahil sa nasaksihan kahapon?
Mabuti na lang talaga kinuha ako ni Haze kahapon sa National books store kung hindi baka magmukha pa akong nakisawsaw roon sa kotse nung Castillejos na 'yon. Bakit hindi niya sinabing may kasama pala siyang babae sa loob. Mukhang girlfriend pa naman niya.
"Wala ka sa mood? Bakit halos tumirik na 'yang mata mo sa inis? Kanina ka pa irap ng irap sa kawalan. May problema ba? May nangyari sa inyo?" mausisa niyang tanong.
"Wala naman, may napanood lang akong movie kagabi, namatay 'yong bidang babae. Kainis!" Nag-cross arm na pabagsak akong umupo sa upuan.
Simula nang maka-uwi ako kahapon wala na talaga ako sa mood, lalo na ngayon na makikita ko si Heron. I may look childish but the hell I care.
Teka anong pake-alam ko kung may girlfriend na nga siya? Why the hell I was affected yesterday? Kaninang umaga wala akong ganang bumangon, maski sa pagkain ay nawawalan ako ng gana.
Sa taglay ba namang katangian niya, sa anyo at pag uugali ng lalaking iyon, maraming nagkakandarapa nun na maganda. At sa pag mumukha niya pa lang hindi mauubusan 'yon ng babae. Katulad na lang ng mga kapatid ko na halos araw-araw ibat-iba ang girlfriend. Sa mukha pa lang ng Castillejos na iyon, marami ng babae.
"Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Nandiyan na si Castillejos, oh."
Imbis na makinig mas lalong nagkasalubong ang kilay ko. Nagkasagupa ang mata naming dalawa nang pumasok siya sa loob ng classroom. Siya rin ang unang nag-iwas ng tingin.
Bakit pakiramdam ko balewala lang ako ng Herondale na ito? He act like he doesn't care? Bait gusto ko siyang ma-guilty?
Nakakainis dahil apektado talaga ako ng sobra dahil kahapon. Smile, Roshana! Huwag kang papaapekto, napakabata mo pa para problemahin ang lalaking 'yan.
Tama, hindi dapat ako magpapa-apekto. Hindi ko naman siya gusto masyado. Humanga lang ako sa kabaitan niya kaya ganito siguro ang apekto nung nakita ko kahapon.
"Let's check our quizzes last week. Kindly distribute the test paper, Ms.Moonzarte."
Napapikit ako para pigilan ang kakaibang naramdaman. Na may halong pangamba at pagka-inis. Sa dinami ba namang studyante sa loob ako pa 'yong nautusan.
"Rosh, distribute mo raw," bulong ni Kiesha sa tabi nang hindi ako umimik.
"Distribute this please, Kiesha Tan," baling ni Heron, na mabilis nagbago ang isip.
Kinuyom ko ang kamao sa ilalim ng upuan. Hindi ko naman sinabi na ayaw kung mag-distribute nung test paper, bakit ang bilis naman yatang nagbago ng isip niya.
"Oh...Okay sure." Ramdam sa boses ni Kiesha na masaya siya.
Bago pa siya makatayo inunahan ko na ito. Naka titig lang si Castellijos sa paglapit ko sa kanya. Nakita ko ang panandaliang gulat sa mata saka pagkunot sa kanyang noo nang makalapit ako sa kanyang lamesa.
Tinaasan ko siya ng kilay. I saw her smirk, ngumiwi ako saka malditang tumalikod.
"Thank you Ms.Moonzarte," pormal niyang saad.
Walang imik kung kinuha sa desk niya ang mga test paper namin. Pagkatapos kung ma i-distribute ang mga answered sheets bumalik na agad ako sa upuan ko. Bugnot pa rin ang pagmumukha ko hanggang ngayon.
"I thought ayaw mong mag-distribute nun," tawa ni Kiesha.
"Wala naman akomg sinabi na ayaw kong ipamigay," malamig kong sagot.
Gusto kung magalit sa sarili dahil hindi ko kayang makipagplastikan sa mga taong nakapalibot sa akin, lalo na't galit ako. Hindi ko ma-control ang sariling emosyon.
"Pfft... I wonder why you're so mean. Hindi ka ba nakakain ng almusal."
Nawala na sa isip ko ang pagka-usap ni Kiesha sa akin nang bumukas ang pintuan at pumasok si Brix.
"I'm sorry, I'm late," bungad niya pagkatapos dire-deretso ng pumasok sa loob.
"Who told you to come inside? You're late," striktong sabi ni Herondale.
Nakita ko kung paano napawi ang ngisi ni Brix dahil sa seryosong boses ng Prof na si Castillejos.
"Bawal ba pumasok?" ,,
"Stay outside." Turo niya sa labas.
Ngumuso si Brix at hindi na nga tumuloy. Hindi ko maiwasang mas lalong uminit ang ulo ko sa asta niya sa kaibigan ko. Five minutes late pa nga lang ang nakalipas tapos ayaw niyang papasukin.
Nagpatuloy siya sa pagsusulat sa black board na para bang wala siyang ginawang hindi kanais-nais. Tumayo ako sa pagkaka-upo, sakto namang tapos na siya sa pagsusulat at ready ng mag-discuss.
"Do you have a problem, Ms.Moonzarte?"
"Meron! bakit hindi mo papasukin 'yang studyante mo? He's only five minutes late. Nakakahabol pa siya sa checking na ito. Hindi makatarungang hindi mo siya papasukan," galit kong sabi.
Nagbulungan naman ang kaklase ko. Hindi ko na lamang pinagtuonan ng pansin dahil napuno na ng pagkapuot ang kalooban ko sa ngayon. Grabeng pagkainis ang naramdaman ko at ayaw ko nang patagalin ito.
"Actually he's twenty minutes late. And that's the rule in this class room that he should be in the outside after the given time."
"Bakit ako ? I was so late last week hindi mo ako pinalabas. So am I special to you?" taas kilay kong tanong.
Mas lalong nagbulungan ang mga kaklase ko. Ramdam ko pa ang paghila ni Kiesha sa likuran ko para patigilin sa pagsagot-sagot sa kanya.
Pinagtitigan niya muna ako nang maigi. Hinilot ang noo, bago nagbuntong hininga.
"Fine. Let him come inside," he lazily said. Parang namomoblema pa siya dahil sa gaspang ng bibig ko.
Ilang paghinga ang ginawa ko bago bumalik sa pagkaka-upo. Parang nagkarerahan ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. You're so brave to talk to him like that Roshana.
"Thank you kanina ah. Grabe ikaw lang talaga ang kauna-unahang sumagot kay Castillejos ng gano'n" Si Brix.
Kumakain kami ngayon sa Cafeteria. And usual magkasama pa rin kaming tatlo.
"Sa pagkakakilala ko kay Castillejos, sa tuwing may umaapila sa gusto niyang mangyayari mas iipitin ka pa sa sitwasyon pero kanina..." Umiling-iling naman ngayon si Kiesha. "Iba talaga ang nagagawa ng Moonzarte."
I simply eat my lunch. Hindi naman talaga makatarungan iyong ginawa niya kanina. Hindi valid reason na late 'yong tao eh, hindi na papasukin, that's absorb.
"Well, well, well. Dito pala kumakain itong nagmamagaling sa klase ni Herondale."
Natigil ako sa pagtangkang pagsubo nang lumapit si Helena sa amin kasama ang alipores niya na nadagdagan ng isa. They are four mean girls around our table right now.
"Ano iyong narinig namin ha? Sinasagot-sagot mo raw si Heron kanina... Aba! Kabago-bago lang nag mamagaling na agad," sabi naman ngayon ni Shaina.
I drink my juice na parang walang narinig sa kanila. Sawa na ako sa ganitong eksena. Para talagang mga kontrabida sa pelikula iyong mga studyanteng ganito tss. Hindi dapat pinapansin ang mga taong papansin e.
"Umalis nga kayo rito. Alis! Hindi kayo inaano ni Roshana bakit kayo nangingi-alam," sabi ni Kiesha sabay tayo nang pabagsak.
"Hayaan mo na 'yan. May mga tao talagang ganyan," kalmadong sabi ko. Ayaw ko nang gulo pero sadyang iyong away talaga ang naghahanap sa akin.
"Hambog mo rin, 'no? Moonzarte ka lang, pareho tayong studyante rito. Walang espesyal, lalo na ikaw Roshana!" Singhal ni Helena gamit ang mataray niyang boses.
"Girls stop will you!. Helene umalis na nga kayo, walang ginawang masama iyong tao sa inyo bakit niyo pinagdidiskitahan," awat ni Brix na mukhang nairita rin sa presensiya ng mga babae.
"Ang sarap niyong i-umpog tatlo. Ikaw Roshana, may araw ka rin sa aking babae ka," banta ni Helena sabay alis. Sumunod ang mga kasama niya sa kanya.
Napa-iling na lang ako "Walang magawa sa buhay," bulong ko.
"Sila talaga ang pinaka mean girls sa skwelahan na ito. Kung ano-anong trip ang mga pinang gagawa," wika ni Kiesha.
"Wala bang nagsumbong sa mga ganyang studyante?"
"Takot lang nila pag nagsumbong sila."
Iyan na ba ang pinaka worst na mean girls dito? They didn't know that I encountered more than them. The meaniest, and more bitchy. Immune na ako sa ganyang ugali ng ibang studyante kaya parang balewala na lang sa akin ang Helen na iyon.
I was walking in the hallway palabas ng gate nang may nag pe-peep sa likuran ko. Nanliit ang mata ko nang familiar sa akin ang sasakyan. Tumabi ako para hindi ako matamaan ng kotse.
Bukas ang dalawang bintana nito kaya nakita ko si Herondale na nagda-drive na naman at sakay ulit ang babae na nakita ko noong sabado na kasama niya. Naka uniform ito katulad ng kulay sa suot ng mga college students sa University.
Nahinto ako sa paglalakad. Sumulyap sandali ang babae sa akin pati si Heron. Laking pagtataka ko anng huminto ang sasakyan sa harapan ko mismo. Dumungaw ang ulo ni Castillejos sa bintana.
"Where's your brother?" kunot noong tanong niya. I can't stop myself looking at the girl beside him. She's texting like she doesn't care if Heron talking to someone.
"P-parating na," patabang kong sagot. "Hintay lang ako sa labas ng gate".
Nilagpasan ko ang sasakyan na dala niya. Parang nilukot ng libo-libong kamay ang dibdib ko. Dito pala nag-aaral iyang Girlfriend niya. That's great right.
"Come here. I will drop you on your house."
Sinundan niya ako sa paglalakad. Agaran akong umiling. Bakit ba gusto niya akong ipasakay sa kotse niya? Anong gusto niyang iparating na magiging third wheel ako sa loob ng sasakyan? No way! Mas mabuting maghintay ako sa sundo ko kay sa makipagsabayan sa dalawang iyan.
"Malapit na ang kuya ko. Umalis ka na!" Sa puntong ito sinigaw ko 'yon sa kanya ngunit hindi ko pinahalata doon na sobrang irita ko na sa nakikita ko.
Nakipagtigasan siya sa pagtitig sa akin. Hindi rin ako nakipag talo sa titigan niya.
"Huwag mo ng pasakayin kung ayaw niya. May sundo naman ang batang 'yan. Let's go, my dad is finding 'you, Heron," sabi ng babae.
"We will wait until his brother came."
Tumigil ako sa paglalakad sa waiting shed. Parang nainsulto ako pagkarinig ko sa 'Batang yan'. Damn hindi na ako bata! Your asshole!
"But my dad wants to see you now. Wala na tayong oras para hintayin pa ang kapatid niya."
Hindi pa rin ako umimik sa kinatatayuan ko. Nasa gilid na ako ng kalsada, rinig ko na ang pag-uusap ng dalawa dahil hanggang ngayon nasa akin pa rin yong atensyon ni Castillejos.
"Heron, let's go! Come on. Pabayaan mo na ang batang iyan. Nagmamadali tayo."
Tiningnan ko ang babae sa front seat, nakita ko ang irita sa mukha niya habang sinusulyapan ako.
"Your dad can wait, Aaliyah," mahinahong sabi ni Heron.
"Sino ba ang batang 'yan? Bakit ba sobrang concern mo diyan. May sundo naman yan siguro."
"Hindi na ako bata para bantayan mo rito Mr. Castillejos. Umalis na kayo ng girlfriend mo. Mukhang nagmamadali pa naman ang papa niya na makita ka. Hindi mo ako responsible kung may mangyari sa akin," sabat ko ng hindi ko na talaga napigilan.
Sakto namang dumating si Kuya Harris kaya iniwan ko na sila doon.
Nanliit ako sa tuwing sinasabi sa akin nung Aaliyah na 'Bata'. I've never been insecure to anyone. I was always at first pero kanina pinamukha talaga ng girlfriend ni Heron na isa pa nga talaga akong musmusing bata.
Bakit sobrang bait ni Castillejos sa akin. Bakit kailangan niya pang gawin ito, iyong hihintayin pa talaga niya ang kapatid ko bago sila aalis. Kung may gusto man siyang ipahiwatig, hindi ko nagustuhan itong nasa isip ko. May girlfriend na siya pero kung umastang nag-alala siya sa akin ay parang hindi ako naapektuhan.
"What's your plan in your birthday, Jehova?" biglaang tanong ni mommy sa hapag.
Kompleto ang pamilya namin sa hapag every morning and night. And now we're n our dinner.
Natigil ako sa pagkain. Magiging twenty-one na si Jeho next month. The last time he celebrated his birthday was just a family dinner then after that all boys continued celebrate in the club. I wonder kung gano'n pa rin.
"I'll think about it mom. Next month pa naman."
"Just tell me what you want. That's your debut as a man I want it to be held so special."
"Maybe we can celebrate your birthday in our house, son" Si daddy naman ngayon.
"Alright. I'm still not decided yet."
"Bro, pagnagkataon na marami kang bisita mag-invite ka ng vitamins sa mata namin," biro ni Alaster.
"Shut your bulls, Alas. Puro ka babae"l." Iling naman ni Jeho.
Tawa lang ang naging sagot nito. Naging maganda ang naganap na dinner sa gabing iyon. Kahit papano nabawasan ang mabigat sa dibdib ko sa buong araw dahil na rin sa kulitan ng mga lalaki kong kapatid.
Kinabukasan walang gana pa rin akong pumasok sa University, ilang beses kong kinumbinsi ang sarili na huwag magpapa-apekto sa lahat ng nasaksihan at narinig sa paligid.
"Thanks," sabi ko ng makababa sa sasakyan ni Jeho.
"Hindi kita mahatid pauwi mamaya, dahil may banda kaming dadaluhan. Papakuha nalang kita kay Rohan"
I simply nod. I storm the door closed. Nasa kalagitnaan na ako sa hallway nang sinalubong ako ng mga kaklase ko.
"Rosh, sama ka ba mamaya? May banda ang kuya mo mamayang gabi,"
"Uuwi ako pagkatapos ng klase."
"Bakit naman? Mag pe-perform sila sa isang sikat na bar. May offer kasi ang producer nila na doon muna sila mag perform sa unang Banda. Sayang ang opportunity pagpinalagpas mo ito."
Kauna-unahang tunog nina Jeho ito sa ibang tao. Sa naririnig ko sakanila, sa skwelahan lamang sila tutog-tog. Ngayon nagkaroon sila ng opportunity na mag perform sa sikat na bar.
"Tignan ko," tanging sabi ko.
Sabay kaming pumasok sa loob ng room, wala pa si Kiesha at Brix pagdating ko. Ten minutes late na rin ang dalawa pero ang ipinagtataka ko, hindi pa pumasok si Herondale.
"Baka absent siya ngayon, nagpa-praktis sa event mamayang gabi," pag-usap ng mga kaklase ko.
"Hindi naman iyon aabsent, kapag ganyan lang. Gagawa pa rin ng paraan si Castellijos para makapasok sa klase natin."
Marami pa silang haka-haka. Ako naman hindi ko napigilang lumabas ng classroom na iyon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinahak ko ang mainit na field para puntahan ang Engineering department.
Bakit kaya matagal pumasok si Herondale? Maaga naman iyon parati sa klase namin. Ayaw nun ma-late.
Kahit alas otso ng umaga sobrang tirik ng araw. Pinagpawisan na naman ako, ilang ulit kong pinahid ang noo para sa pawis na namuo. Nangangamoy dugyot na naman ako nito. Bakit naman kasi ang layo ng building ng mga college students.
Nang makarating na rin sa wakas agaran akong dumeretso sa classroom niya. Walang tao sa hallway dahil kanina pa nagsimula ang klase.
Sinilip-silip ko iyong classroom nila kaso wala akong maaninag na tao doon. Saan kaya sila? Bakit ang tahimik ng building na ito. Sinilip ko rin ang ibang classroom. Doon ko lang napagtanto na wala pa lang studyante sa lahat ng classroom. Kaya pala tahimik ang hallway.
Naglakad ako pabalik. Sayang ang pawis ko papunta rito tapos wala naman pa lang klase ang lahat ng college students.
Natigil ako nang may pigura akong naaninag papaliko sa isang pasilyo. Likod pa lang nito kilala ko na agad.
"Heron," sambit ko sa kawalan.
Mabilis kong hinakbang ang paa para sundan ang taong iyon. Para siyang nagmamadali. Dahan-dahan lang ako sa pagsunod, nagtatago ako sa ding-ding kapag may nakita akong pagtataguan. I don't know why I am doing this.
Dapat sana tinawag ko siya pero hindi eh. Ayaw ko siyang tawagin dahil natatakot ako sa 'di ko malamang dahilan. Parang may mali sa bawat hakbang niya.
"Heron!"
I was caught off guard when I heard a girl scream. Tumigil sa paglalakad si Castellijos para balingan ang babaeng tumawag sa kanya.
Mas pinag-igihan ko pa ang pagtatago ng lumitaw ang babae. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino iyon.
"What do you want?" walang ka buhay-buhay na tanong ni Heron.
"This is for you,"
Hindi maproseso ng utak ko kung bakit niya binigyan ng isang lunch box si Heron. Para siyang nanginginig at kinabahan
"What's that?"
"I made this cupcake for you."
Napatakip ako sa bibig ko. Bakit binibigyan ni Kiesha si Castellijos ng cupcake? Tapos ginawan niya pa ito. Hindi kaya...
"I told you, I don't like your bake. Mahirap bang intindihin yon!"
Nagulat ako ng hinawi niya ang cupcake at natapon sa semento. Narinig ko ang mumunting hikbi ng babae nang tinalikuran siya ni Heron na mukhang hindi man lang nakonsensiya sa ginawa.
"Gustong-gusto kita," sigaw nito kahit malayo na ang kausap. "Sorry sa lahat," hikbi niya.
Napatakip ako sa bibig sa nasaksihan hindi ko akalain na ganito pala kasama si Heron sa nagkaka gusto sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang humarap siya papunta sa akin at nakita ko ang pag mumukha nang babae'ng ni reject ni Castillejos. Mas lalo akung nag tago sa dingding.
"K-Kiesha Tan," mahinang sambit ko.