"Moonzarte 'yon, anak ng Moonzarte. Inayawan mo!" I heard someone said in there group. Namuo agad ang luha ko. Pero pinilit ko pa ring magpakatatag kahit puno na ako ng kahihiyan ngayon. Maraming nakakita sa pagreject niya sa cake na bigay ko para sa kanya. Kagat labi akong bumaling sa kanyang paglalakad palayo sa akin. Nakita ko si kuya na palapit sa gawi ko. Biglang nagbago ang naiiyak kong ekspresyon. Nasa kalayuan pa lang siya nakita kong tinapik niya sa balikat si Herondale at nagtanguan sila bago siya naglakad palapit sa akin. Seryoso ang mukha niya. Nagtatanong ang kanyang mga mata tungkol sa ginagawa ko sa sarili ko. Kahit parang kulang na lang nangilid na ang luha ko sa kahihiyan dahil sa pag-refuse ni Heron sa cake ko. Salihan mo pa ni kuya Jeho na bigla-bigla na lang dumara