You can't teach your heart who you wanted to be loved. Kung maturuan lang ang puso sana iba na lang ang ginusto ko, sana iba na lang ang kinababaliwan ko. Hindi sa taong hindi man lang ako binigyan ng pagtingin, hindi sana ako masasaktan ngayon nang ganito ka grabe. Sa gabing iyon pinili kong hindi na sila silipin sa loob ng tent dahil grabe na ang paninikip ng dibdib ko na akala mo, aatakehin ako sa sobrang sakit. Pinili kong magkulong sa loob ng kwarto ko at doon naglabas ng sama ng loob. Iniyak ko nang nang iniyak ang sakit hanggang sa hirap na akong makahinga dahil sa luhang walang awat sa pag-agos. Ang hirap pala. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit, parang pinupunit ang puso ko. Hindi ko mapigilang mabaliw kakaisip nun. Sa araw nang pasukan na naman, parang gusto ko na la