"Hindi totoo 'yan, Rosh. Hindi dahil mayaman ka dumidikit ako sa'yo. Alam kung mabuti kang tao kaya kita nagustuhan. Huwag mo naman akong itaboy bilang kaibigan mo." Iniling-iling ko ang ulo. Napagpahinga ako nang malalim. Habang nakikita ko siya ngayon na malungkot na nakayuko, hindi ko maiwasang makonsensiya sa mga pinagsasabi ko. I want to take it back what I've said. Nakakakonsensiya na ito ang aabutin naming dalawa dahil lang sa iisang lalaki. "I'm sorry, hindi na kita gustong maging kaibigan. Magmula ngayon gusto kong itrato nating dalawa na hindi tayo magkakilala. Please, do it for me." Iniwan ko na siya roon. Ang hirap sa part ko na kailangan ko pang gawin ito upang hindi lumalala ang mangyaring awayan naming dalawa. Dahil for sure, oras na malaman niyang nagkakagusto ako kay H