Chapter 10: Notebook

2239 Words
Grabeng scenario ng pag-iiisip ang nangyari sa akin pagkatapos ng tagpong iyon. Ang tagpuan namin ni Herondale na hindi ko makakalimutan na nagkatitigan kami. Ganon ang nangyari in the other day. Pagkapasok ko sa first subject late ako. Hindi kailan man ako kinakabahan oras na mahuli ako sa klase kundi ngayon pa lang. Sinong hindi kabahan kung yong Prof ay si Mr. Castellijos. Nitong nagdaang araw pilit ko siyang iniiwasan sa tuwing may klase siya pero ngayon mukhang hindi ko na matagalan ang presensiya niya. Ilang beses akong huminga bago kumatok ng tatlong beses. Binuksan ko ang pinto. Gaya noong unang pasok ko sa paaralang ito lahat ng mata nakatitig na naman sa akin. "You're late Ms.Moonzarte." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang magsalita si Herondale Castellijos sa kanyang desk. May sinusulat siya sa papel, kahit maski tingnan ako hindi niya pinagtuonan ng pansin. Nagtaka tuloy ako kung bakit alam niya na ako ang dumating. "Pasensiya na po," sabi ko sabay lakad papunta sa upuan na parang wala lang. Nakita kong pinandilatan ako ni Kiesha at sinabi ang katagang, "Bakit ang tagal mo? Malapit ng matapos iyong klase niya." Walang sounds ang pagkasabi niya nun, pero nabasa ko pa rin "I told you I hate late students..Do I need to say that to you everyday?" Uupo na sana ako sa upuan pero dahil sa boses niyang sobrang diin napatuwid ako sa tayo. Biglang nanginig ang binti ko habang sinasagupa ang titig niyang malupit pa sa lahat ng nakakasagupa kong guro. Naka-angat na ngayon ang kanyang ulo. Direktang naka tingin agad sa akin. "Why you're late?" Nilagay ko sa likuran ang kamay. Nilaro-laro ko ito dahil sa sobrang kaba. Bakit nga ba ako na-late? Kaninang umaga hindi na ako nakapag almusal dahil ang tagal kung nagising. Hating gabi na yata ako nakatulog kagabi dahil sa isip kung ukupado... "Why you're late. Care to share?" taas kilay na tanong niya. Kung sasabihin ko sa kanya na natagalan ako sa pag gising valid reason ba iyon? "K-Kasi..." Naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang first period. Para akong nabunotan ng tinik dahil naka raos din sa tanong niya. "Sit. Let's talk later" seryosong sabi niya. Umupo ako sa upuan. Akala ko save na ako. Mag-uusap pa pala kami. Bakit napaka strict niya? "Go to your next subject. Let's continue tomorrow. Pass your test paper," saad niya. "Ikaw Ms.Moonzarte stay for awhile." Tahimik akong tumango. Nag iwas siya ng tingin sa akin para magpatuloy sa ginagawang pag susulat sa notebook. Tinignan ko na lang ang mga kaklase ko na nagsilabasan sa classroom isa-isa. Nilagay ng lahat iyong mga test paper na sinasagutan sa table ni Mr. Castellijos bago sila lumabas. Para akong batang naiwan mag-isa habang sila iniiwan ako. Kinagat ko ang pang ibabang labi. Sayang hindi ko na naabutan ang pinapasagutan. "Sunod ka ah," paalala ni Kiesha sa tabi ko. Nag-aayos siya ng gamit niya. I nodded and smile. "Rosh, usap tayo mamaya. Sabay tayong mag-lunch, anyahang sabi naman ni Brix. He tap my shoulder bago sila sabay na lumabas ni Kiesha ng room kaya naiwan na kaming dalawa ni Herondale sa loob. Nang magsarado ang pinto. Tumingin ako kay Castillejos na busy pa rin sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya. Ayaw kong magsalita dahil hanggang ngayon umiinit ang pisngi ko dahil lang pinagalitan niya ako. Ilang sandali pa tumigil na siya sa pagsusulat at tinignan ako deretso. Para akong sinaniban ng mag tagpo yong mga mata naming dalawa. Mabilis kung itinuon ang mata sa ibaba. "Why you're late again?" Sa puntong ito kalmado na angg boses niya. Hindi katulad kanina na mukhang galit. "Natagalan ako sa pag-gising. I'm sorry ," mahinang sabi ko. Hirap pa ako nun sa pagsabi. Tumahimik ang silid. Itinunghay ko ang ulo ko ng diko siya narinig magsalita. Naabutan kung naka titig siya sa akin ng mataimtim. "Come here." Kahit nanghina sa mga titig niya tumayo ako nang dahan-dahan sa upuan para malapitan siya sa lamesa na limang hakbang ang layo sa kina-uupuan ko. May nilahad siya sa aking test paper na katulad nong sinagutan ng mga kaklase ko kanina. "Answer that. Pass that to me in our lunch time, puntahan mo na lang ako sa class room ko mamaya. Third floor Engineering department, nasa kabilang banda lang ang building namin." Lutang na tinanggap ko ang test paper na binigay niya. Hindi ko inasahang may pa special test ako sa kabila ng pagka late ko. Gustong kong ngumiti todo pigil lang ako. "Okay thank you Mr. Castillejos," saad ko. Tinalikuran ko siya para kunin na ang bag ko at maka- alis na. "One more thing. Do you know what are the formula ?" Doon ko lang napagtanto na hindi ko pala alam sagutan yong test paper dahil hindi ko naabutan ang pagdi-discuss niya. Nasa black baord ang mga formula kung paano sagutan kaso wala na akong oras na mag-take-down notes dahil may klase pa. "Magpapaturo na lang ako kay..." Natigil ako nang mapagtanto ko na wala pala akog kaibigan sa classroom, tanging si Kiesha at Brix lang. Si Kiesha mahina sa klase, tapos si Brix... "Magpapaturo ako kay Brixon Zamora. Magaling naman iyon sa math," sabi ko Nakita kong umigting panandalian ang kanyang panga. Kumunot rin ka-onti ang kanyang noo. "Here, I wrote it down all the formula. Kung may hindi ka naintindihan sa sinulat ko puntahan mo na lang ako sa building nang maturuan kita. You can go now." Nilapag niya ang note book na kanina niya pa sinulatan simula ng dumating ako. Gustuhin ko mang tumanggi ngunit hindi ko na kayang mag salita dahil natameme na ako sa sobra-sobrang pabor na ginawa niya para sa akin. "Thank you," I said before going out in that suffocating room. Feeling ko tuloy pwede na akong himatayin dahil sa sobrang saya. Anong intensyon niya, bakit kailangan niya pang magsulat ng formula na para sa akin. Hindi ko maintindihan? Ganito rin kaya siya sa ibang na late na students? Tinutulungan niya? Bahala na nga basta ako hindi na ako mapakali habang hinihintay ang lunch. I can't believe this, pupunta ako sa College building para lang ibigay itong pinapasagutan niya. Tsaka ano nga yon? Engineering department? Gosh I can't wait any longer. "Bakit naka ngiti ka riyan?" sita ni Kiesha sa akin. Magkakaklase pa rin kaming tatlo sa second subject na ito. "Anong pinag-uusapan niyo ng Castellijos na 'yon?" tanong ni Brix. Pilit kong winala ang ngisi sa labi para hindi sila magtaka sa sayang aura ko. "May binigay lang siyang test paper ipa-pass ko mamayang lunch," kibit balikat kong wika. "Sasamahan ka ba namin do'n? Medyo malayo-layo rin iyong College building sa department ng senior high." Si Kiesha. "Huwag na, ako na lang mabilis lang naman." "Sige i-pass mo na lang iyang test paper pagkatapos hintayin ka namin sa Cafeteria para sabay tayong mag-lunch " I simply nodded and smile. Excited na talaga akong pumunta sa department ng College students. Wala namang special pero hindi na talaga ako makapaghintay na maipasa itong test paper. Nang tumunog ang bell para sa lunch time, mabilis akong lumabas ng classroom inunahan ko pa nga iyong teacher namin sa paglabas. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang tinahak ng mga paa ko ang mainit na soccer field. Hindi ko ininda ang mainit na araw na tumatama sa balat ko. Mga twenty minutes yata akong naglakad papuntang college building bago ako nakarating. Sobrang pawis ang inabot ko nang makapasok ako sa loob ng building. Inamoy ko ang sarili, napangiwi na lamang ako sa amoy araw kong pawis. Wala pa naman akong dalang panyo para ipahid sa leeg na sobrang lagkit. Ngayon ko lang napagtanto na nakakahiya pa lang harapin ang Castillejos na iyon dahil ang dungis-dungis ko na at amoy araw pa. Ilang beses akong huminga nang malalim. Bahala na, nandito na naman ako ibibigay ko na ito sa kanya. Hinanap ko ang room niya sa engineer department. Bawat madadaanan kong lalaki ay nag whi-whisle at tinatawag ako. "Miss anong pangalan mo?" "Ganda oh!" "Gandang bata hintayin kita pag laki mo. Anong pangalan mo?" Kahit kinabahan ako sa nasasagupang kong mga lalaki nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap ng room ni Castillejos. Nanginginig na ang binti ko sa takot. Hindi naman sila mukhang manyakis, gusto lang makipag kaibigan ngunit hindi ko talaga kayang pansinin. Engineering department pala ito kaya hindi na ka taka-taka kung bakit maraming lalaki sa hallway. Patuloy ang mga lalaking madadaanan ko sa pag sitsit. Inisa-isa ko rin sa pag tingin yong bawat classroom. May iba nagtanong kung sinong hinahanap ko, hindi ako nag-atubling sumagot dahil na rin sa hiya at takot. "Di ba kapatid iyan ni Jeho?" "Saan? Siya ba 'yong pinakabunso nila? Napaka ganda naman. Ngayon ko lang nakita ang kapatid niya." "Huwag niyong subukang lapitan o dimeskarte riyan dila na lang ang walang latay sa inyo. Mayayari kayo sa otsong kapatid. " "Paano kami papatol diyan? Tignan mo oh, masyado pang bata. Senior high pa 'yan eh gago ka talaga." Ilan lamang iyon sa narinig ko sa kanila. May nadaanan akon nagkukumpulang lalaki. Pinagkakaguluhan ang isang litrato na nakita nila sa cellphone nung kasama. Madadaanan ko sila kaya labis na lang ang kaba ko. Pinagsisihan ko pa tuloy kung bakit hindi ko inalam agad ang room number ng classroom ni Heron. "Sobrang ganda talaga ni Aaliyah. Siya iyong representative sa department natin di ba? " "Oo, tignan mo oh. Siya ang pinaka maraming share at likes, panigurado ako panalo na agad 'to." "Sexy nito talaga." Tumawa ang lalaki "Langya bakit kasi napaka hard to get ng bababeng ito nahirapan akong diskartehan." "May chix pre!" sigaw nung kasama nila nang tuluyan na akong mapadaan sa kanilang pagtipon-tipon sa hallway. Sobrang dami nila sa labas ng classroom nagkagulo dahil sa isang picture na hindi ko mawari kung ano. Ngunit basi na rin sa narinig mukhang babae yata. "Miss napadpad ka rito ah?" Na-igtad ako nang may humawak sa braso ko. Pilit kong kinuha pabalik ang hawak niyang braso ko kaso mahigpit niya itong hawak. "Anong pangalan mo Miss? Engineering department ito bakit nandito ka? " Ngisi nung lalaki na sa tingin ko siya lang ang manyak na nasasagupa ko rito. "Bitaw. May hinahanap ako," takot kong sabi sabay pilit na kumawala sa pagkakahawak niya. "Sinong hinahanap mo? Ako ba?" Ngisi ulit niya. Naghiyawan ang lahat at inasar kaming dalawa. Nanginig naman ang binti ko. "B-Bitawan mo a-ako" Gusto nang tumulo ng luha ko dahil sa takot. Nanginginig rin ang labi ko sa nerbyos, iniisip ko na baka may mangyari sa aking masama. "Damn dude!" may sumigaw non nang may humila sa humawak sa akin at pabagsak itong idiniin sa ding-ding. "You make her scared. Can't you hear it? She said let her f*****g go, baka sadyang bingi ka lang talaga." Kahit likod niya lang ang nakikita ko alam ko na agad kung sino itong taong humila sa lalaking manyakis. At pinag diinin bawat kataga. Kwenelyuhan niya ito at idinikit sa ding-ding. Napa nga-nga ako sa bilis ng galaw niya at walang ka hirap-hirap niyang pwersa dahil halos sakmalin na niya ito. "I-Ikaw ba hinahanap niyan? Pasensiya pre akala ko batang ligaw lang. " takot niyang sabi kay Heron. Binitawan siya nito sa leeg. Malaki ng katawan ni Heron at payatot naman ang manyakis. Isang iglap lang nito kaya niya itong balibagin. Nang makawala 'yong payatot na manyakis nagtatakbo ito paalis. Nagsi-alisan na rin ang mga lalaking naka palibot sa amin dahil na rin sa mabangis na matang ipinukol ni Heron sa kanila. "Are you okay?" tanong niya nang maharap niya ako. Nakita ko ang pag-alala sa kanyang boses at tingin sa akin. "Okay lang ako. Natakot lang ako sa mga lalaking humarang sa daraanan ko kanina," mahina kong wika. Narinig ko ang kanyang malulutong na mura sa kawalan. Mukhang pinagsisihan kung bakit dito niya ako gustong papuntahin. "I'm sorry. Let's go somewhere," aniya. Umiling ako. Naghihintay na sa akin ang mga kaibigan ko kanina pa baka nainip na 'yon. Kailangan ko nang lumisan dito. "Hindi na ako magtatagal. Ibibigay ko na lang itong test paper sa'yo. Nasagutan ko na lahat." Nilahad ko ang hawak kong papel. Napatingin siya do'n, nagdalawang isip kung tatanggapin ba niya o hindi, pero sa huli kinuha niya ito. "Nahirapan ka ba?" tanong niya. "Ha?" Hindi ko masyadong makuha. "All the questions." "Hindi naman. Nakuha ko rin ang mga formula na sinulat mo. Thank you..." Bago ko pa makalimutan nilabas ko ang notebook niya at binigay sa kanya. "Keep that... Sinulat ko na lahat ng formula riyan sa buong sem,, at lahat ng topic para sa semester na ito. Pag-aralan mo iyan lahat." "Pero sa'yo ito." hindi makapaniwalang sambit ko. "Hindi naman iyan lesson namin. Ibalik mo na lang iyan sa akin kung 'di mo na kailangan." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Totoo ba itong narinig ko? Bakit masyado naman yata itong ginawa niyang kabaitan. "O-Okay. Thanks," alinlangan kong sabi. "You want to go inside? " Alok niya sa loob ng classroom Kumunot ang noo ko. Ano na namang pag-usapan namin? "Aalis na ako. Naghihintay na ang mga kaibigan ko sa Cafeteria, sabay kaming mag-lunch eh." Himig sa boses ko kung gaano ako nanghihinayang. "Alright. Ihahatid na kita pa labas ng building baka mapa'no ka pa. Mayayari ako sa kapatid mo tss." Parang malaglag na yata ang puso ko sa bawat bigkas niya ng salita. Hindi ko akalain na maiisip kung mag tagal sa paaralan na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD