Chapter 3: Trouble

2486 Words
When you are trying so hard to be good, but nobody can see it. They only noticed the profile not the attitude of a person. They didn't bother to seek what's the truth behind. They didn’t like to look for the true personality . Tanging sapat sa kanila ang naririnig na balita tungkol sa pangit na ugali ko. When in fact, it's not even true. Hindi ko naman puwedeng ipaglandakan sa lahat, kung ano talaga ang gusto kong ipunto. Dahil lahat sila, tingin sa akin, katatakutan, masama ang ugali. Mayaman pero walang puso, mata-pobra at higit sa lahat war freak. Maski isa sa mga paratang nila sa akin ay kabaliktaran sa totoong ako. Whenever, I heard that from everyone. Naiinis ako, minsan ako na ang kusang umiintindi. Ako na rin ang nag-adjust sa mga taong hindi naniniwala sa akin. Sa totoong ugali ko na kailanman hindi pa nila nakita or maybe na pansin na nila ngunit mas focus sila sa masamang ako. They only judge me by my name, my appearance, and my highly profile as a person. I was frustrating because of the people around me. Naiinis ako sa mga taong gano’n ang mindset patungkol sa akin. "Hindi, e! You cheated. Sabi mo, hindi mo ako isusumbong." While walking in the hallway, biglang napantig ang tenga ko sa nag-aaway na estudyante sa may 'di kalayuan. Pinapalibutan sila ng mga estudyanteng ding naki-usisa sa gulo. Natigilan ako habang kunot noong pinakinggan ang awayan ng dalawa, na akala mo trumpa sa lakas ng boses. Nagmumukha silang palengkira. "Ikaw ang nagpasimuno ng lahat. Look what I've got, pinapatawag ako ng guidance dahil sa kagagawan mo! Plastic ka masiyado!” "Wow! Ako pa talaga? Kung hindi ka lang naman kasi tanga sa pagtatago ng answer sheets, hindi mangyayari 'yan sa'yo." Are they fighting because of the cheating issue? "We need to interrupt. Nagdadala lang sila ng eskandalo sa skwelahan. Mga papansin rin talaga," sabi ni Briesha sa tabi ko na ika-tango nang iilan pang kasama namin. Hindi ako nagsalita. Nilakad ko ang agwat ng mga estudyanteng nag-aaway. Rinig ko pa rin bawat bangayan nila. Mas dumami rin ang panay umusisa sa nagaganap. Hindi pa ako nakalapit ng tuluyan nang maghawi-an iyong mga studyante ng makita ang pigura kong papalapit. "Si Roshana, mukhang makigulo pa yata." "Tabi, nandito 'yong Moonzarte. Nandito ang anak na babae." I can hear them. But my mind was not functioning due to the situation.. "Kapal ng mukha mong magsumbong. Kasalanan mo 'yon! Traydor ka!" "Sinad'ya mo kasi inggit ka lang!" Nalaglag ang panga ko nang magsabunutan ang dalawang babae sa harapan ko mismo. Nakatitig lang ako sa kanila, walang magpapatalo sa awayan. Gustong manalo ng isa ngunit hindi rin papatalo ang kalaban. "Akala mo hindi kita papatulan! Kahit kaibigan kita wala akong paki-alam sa'yo!" "Mula ngayon, tapos na itong pagkakaibigan natin!" Umatras ang paa ko nang kamuntikan na akong mabangga sa kanilang pagsasabunutan. I can't believe it? Dahil lang sa isang pagkakamali. Tapos na agad ang kanilang pagkakaibigan? Ganyan talaga kababaw? If I was not mistaken? Nag-aaway sila dahil sa cheating na ginawa ng isa at mukhang nahuli ng prof. "Ganyan na ba kayo kababaw?" walang ganang sambit ko, gamit ang blangkong pagmumukha. Tumigil silang dalawa para harapin ako. Galit ang makikita mo sa mga mata nila. "Huwag kang maki-alam dito. Palibhasa mas'yado kang mayaman kaya wala kang problema sa grades! Kasi binabayaran ng magulang mo!" sigaw nu'ng isang babae. Wala akong planong makigulo sa kanila, gusto ko lang imulat sila sa katotohanan kung anong dapat gawin. For god sake! Nasa hallway sila. Maraming estudyanteng nakikiusisa sa away pang elementarya. Tanging paalala lang ang nais ko pero mukhang hindi ko na masasabi 'yon sa kanila. Dahil nag-iinit ang bunbunan ko sa sinigaw nu'ng babae. "Nag-aaway kayo dahil lang sinumbong ka niya sa prof na nag-cheating right?"tanong ko roon sa nagsalita. "Ano ngayon? Huwag kang makialam. Pabida ka mas'yado," galit naman niyang sabi. Samantalang kalmado naman ang kaaway niya sa tabi. I want to laught. Kung sino pa talaga ang makasalanan sila pa ang may lakas loob na magalit ng husto. "She’s cheating in the exam. Sinuway ko siya na papalapit ang professor namin kaso iniba niya ang pagkaintindi. Pinagkamalan niya ako na sinumbong ko siya kahit hindi," iyak naman nu'ng isa. "E! Sinumbong mo naman talaga ako! Huwag kang magmaang-maangan diyan!” "I didn't, Loisa. Bakit hindi mo 'yan maintindihan." "Sinumbong mo ako kaya huwag kang magmakaawa! Hindi bagay sa'yo!” Huminga na lang ako nang malalim. I don't know, what would be my reaction to their childish fight. Ang liit na problema ay pinapalaki. "Bakit ka naman magagalit? Ano ngayon kung pinagalitan ka ng professor mo. Tama lang din naman na nahuli kang nagche-cheat ‘di ba?" sabi ko sa galit na galit na babae. Tiningnan niya ako ng masama. Mas lalong nagalit ang kanyang mukha. "How dare you!" "Bakit mas'yado kang guilty? ‘Di ba dapat tama lang din naman. Accept the fact that you are called in the guidance office, Miss. Hindi tama ang ginagawa mo. Alam mo iyan?" "Anong sabi mo? Hindi porket isa kang Moonzarte at takot ang mga studyante rito sa'yo, may kakayahan ka nang pagsalitaan ako," namewang siya. I want to laugh so hard. Seriously?Kailan pa ako nanakot ng studyante. "Hindi ko sinabing dapat silang matakot sa akin. I didn't threatening them, so..." "Pero natatakot sila sa'yo. Do you think, katulad ako sa kanila na 'di ka papatulan." "Hindi ako nagha-harian sa skwelahan na ito. I only want peace, but you almost forgot how to respect. Alam mo namang mali ka, nag-eeskandalo ka pa sa hallway," ‘di makapaniwala kong saad. "Bakit sa’yo ba itong paaralan para magsiga-sigaan ka rito?!" Ngumisi ako na ika-atras niya ng ka-onti. I raise my brows. "May sinabi ba ako? Gusto ko lang iparating na mas'yado ka ng public sa bibig mo. Kaibigan mo lang 'yang kaaway mo pero kong pagsalitaan mo siya akala mo kung sino lang." I breath. I don't know why, I make this thing as a big deal. Wala naman akong pakialam sa kanila. Bakit nasawsaw ako rito. Tss, Alright, hindi ko lang naman kasi mapigilang lumaban. Hindi ko nagustuhan ang lumalabas sa bibig niya. "What did you just say!" She's full of anger. Nagkibit balikat ako. "Nothing. Continue your fight. Hindi na ako makikialam. Wait the guidance office to come here." Nilagpasan ko sila. Ngunit nakailang hakbang pa lang ako nang may humila sa buhok ko. Narinig ko ang singhap ng mga tao. Pumikit ako nang mariin. Here I am again. I'm in troubled again and again. "Let go,” mariin kong utos. Walang kabuhay-buhay ang boses. ‘Di ba sinabi ko, na time out muna ako sa lahat ng ito. I don't want to transfer again in some prestigious school. Nakakapagod na. "Huwag mo akong talikuran. Hindi pa ako tapos sa'yo, gaga! Sige, ngayon takutin mo ako sa mga banta mo, Roshana Dazzle Moonzarte." Bawat hila niya sa buhok ko, napapikit na lamang ako nang mariin. Ayaw kong mag-eskandalo na naman. Gustuhin ko mang lumaban hindi ko magawa. Pagod na akong lumipat ng ibang skwelahan, kakalipat ko lang dito tapos malilipat nanaman ako ‘pag pinatulan ko siya. "Bitaw,” malamig kong ulit na utos. Ayaw ng pahabain pa, "I don't do, talk some shits. Nagbabanta ay mas'yadong pormal sa sarili ko," I smirk. "Tingnan natin 'yang yabang mo!" Mas hinila niya pa ang buhok ko. Sobrang sakit na nu'n, kulang na lang matanggal na ang bungo ko sa sobrang sakit. "Bitawan mo ako," malamig ko pa ring utos. Pero kabaliktaran ang ginawa niya. Mas sinabunutan niya pa ako lalo. Ang dalawang buttons ng uniporme ko ay natanggal. Akmang lalapitan ako nina Briesha para tulungan. Ngunit mabilis ko silang inilingan ng ulo saka sinenyasan na huwag ng makialam. "Ka bago-bago mo lang dito, kung umasta ka parang prinsesa. Oo, mayaman ka nga. War freak naman!" Tanging nakaurong lang ang ginawa ko. Pinigilan siya ng kaibigan niya na tumigil, kaso mas lumala lang ang pagsabunut niya sa akin. I breathed deeply. Palagi na lang akong nasasabak sa gulo. Kahit anong iwas ko nito. Napapalapit talaga ako. Okay lang sa akin kapag pinagsabihan ako ng masasama pero kong sinasaktan na ako. Mukhang ibang usapan na ito. "Hindi ako war freak. Sadyang nagpapaniwala lang kayo na gano'n ako. Now, get your filthy hands in my hair!" Mabilis kong hinawakan ang kamay niyang nakasabunut sa akin at inikot ang braso niya, sakto lang para makaramdam siya ng sakit. Medyo binali ko rin ang daliri niya dahilan nang pagsigaw niya ng malakas. Nabitawan niya rin ako dahil sa nangyari. I know what will be the consequences after I did this. Hindi na bago sa akin ang lumaban. I did this many times to those people who I had fight in the past. But all I could think is to fight back, kaya nga napagsabihan akong war freak, mean girl at kung ano-ano pa. Dahil lumalaban ako sa nanakit sa akin. Turo ni Mommy sa'kin, hindi ako basta-bastang nagpapa-api. Imbes na ako ang kaawaan, mas ako pa 'yong masama sa paningin ng lahat. Mali ba`ng lumaban ka sa tama? Ang ayaw ko ang kinatatakutan ako, pero iyon ang lumalabas sa kanila. "Let go my arm, you b***h!" sigaw niya. Her eyes turn red because of anger. Konti na lang luluhod siya sa harapan ko para lang bitawan ko ang kanyang kamay na pinilipit ko. Imbes na maawa mas pinalala ko pa ang pag-ikot sa braso at daliri niya. Hindi pa ako nakuntento, diniin ko pa ang mukha niya sa dingding dahilan para suminghap ang lahat. Panigurado ako mamaga ang pisngi niya sa lakas nang pagbangga ko sa mukha niya. "Nanood lang ako, tapos ganito na. Ayus-ayusin mo 'yang pananalita mo, ah. Kung ayaw mong mas lumala pa itong aabutin mo," sabi ko gamit ang walang ganang tinig. "Let me go, I'll tell this to my dad!" Sa puntong ito, umiyak na siya. Wala akong planong bitawan siya. Ewan ko ba, natutuwa pa akong pagmasdan ang nakaka-awa niyang mukha. I maybe an angel in outside but, I have also a little evil inside. I love seeing this scene so much. Lahat ng mga pinanggagawa ko sa lahat nang nakakaaway ko noon. Gusto ko may tumulo munang luha sa kanilang mata bago ko sila pakawa------ "Roshana! What have you done this time!?" Mabilis kong binitiwan ang babaeng hawak. Nagulat sa pagdating ng taong kilalang-kilala ko. Sa walang ka buhay-buhay pa lang na boses nito, alam ko na agad kung sino 'yon. "Hazer, wala kang klase?" tanong ko. I'm acting innocent right now. This is the second time that he caught me fighting with someone. Iyong una, noong may lalaking nambastos sa akin. Kaya sinampal ko at tinadyan ang ari ng lalaki. Nasaksihan niya 'yon, kaya laking galit niya dahil baka dumating sa magulang namin ang nangyari. And thanks to him, he cleaned the mess. He cleaned my mess. And now, he saw me again. Magdadalawang buwan pa ako sa paaralang ito pero ang dami ko ng bad record. "I will tell this to my dad, Rosh. You hurt me!" sigaw nu'ng babae. Humagulhol siya sa pag iyak. Dinaluhan siya ng kaibigan kaso winaklis niya ito, tinulak palayo sa kanya. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin dahil iyong mata ko, na kay Hazer na mukhang hindi nagustuhan ang nangyari. Mabilis bawat hakbang niya papalapit sa akin. Kahit wala siyang emosyong pinapakita. Nakitaan ko pa rin siya ng labis na pagtitimpi na sigawan ako. "Haz---------" "Say, sorry to her, Now!" Tinuro niya ang babae na hanggang ngayon panay ang iyak. "Your evil sister is a b***h. She grabbed my hand and twisted it, Haze. I will surely report this to my dad. Nang sa ganoon dumating itong ginawa niya sa guidance." Biglang kumulo ang dugo ko sa sinumbong niya. I saw Haze, close his eyes tightly. Pati kamao nakuyom niya. "Kung hindi mo lang kasi ako sinabunotan hindi mangyayari sa'yo iyan!" I pointed her, "She doesn't deserve my sorry!" I shouted. "Nangi-alam ka kasi. Labas ka sa awayan namin kaya, bakit kung makapagsabi ka riyan na parang mas'yado kaming mababaw! Look, Haze, you should teach her a lesson,” sumbong niya. "Narinig mo ba 'yang mga pinagsasabi mo?Dapat ikaw ang turuan, hindi ako," I laughed sarcastically. "What? Why would I? I know what, I'm doing." "Oh, really? Pati pagche-cheat alam mong ginagawa mo 'yon para makapasa? Napakababaw mo. You cheated in the class. Anong tingin mo riyan sa ginagawa mo!? Tapos ipaglalaban mo pa ang sarili mo. Palibhasa, hindi mo lang tanggap na nahuli ka," hindi makapaniwalang sumbat ko. I don't know, why, I am arguing this pity creature infront of me. She has a close minded mind. Ang babaw ng utak niya para magalit sa maliit na bagay. "See that guys?Hiindi na ako magtaka kung bakit palipat-lipat siya ng paaralan dahil mas'yado siyang pakilamera! Panigurado darating ang panahon na iiyak siya dahil walang may gusto sa kan-----" "That's enough, Miss. Stop pushing under conclusion. When in fact you don't know the reasons behind," putol ni Hazer. Natikom ang bibig nu'ng babae. Nakitaan ko siya ng pamumula, dahil sa kahihiyan. Lalo pa't mukhang hindi nagustuhan ng kapatid ko ang mga lumalabas sa bibig niya. "Lumapit lang ako rito, Haze para tingnan ang kaguluhan kaso-----" "Enough, Roshana!" Natigil ako sa pagsumbong. Kahit kailan, kaya niya talagang magpatahimik ng tao sa simpleng utos niya. "I hope, Miss, You're not going to report this to anyone, nor your dad or the guidance council. ‘Cause if you did, I'll surely break everything. Babaliktarin ko ang sitwasyon hanggang ikaw ang maipit sa sarili mong bitag," banta ni Hazer. Hindi nakapagsalita ang babae kaya dire-diretso na akong hinila ng kapatid paalis sa madaming tao. "Why do you always give me an headache, Roshana?" saad niya nang kami na lang dalawa. Dinala niya ako sa locker room para bigyan ako ng extra uniform na hindi ko alam kung saan niya nakuha. "Siya naman kasi ‘yong unang sumugod," sumbong ko sabay nguso. "Bakit ka pa lumapit doon, kung alam mong may gulo, umalis ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon may tumatanggol sa’yo. Hindi rin sa lahat ng pagkakataon may maniniwala sayong mga tao na inosenti ka sa lahat," he scold. Ayaw ko nang pahabain pa ang usapan na ito kaya tumango na lamang ako. It’s my fault also, dahil hindi ko mapigilan itong bibig ko sa pagsabi nang nakaka-insulto kapag may nakitang hindi maganda. Just like a while ago. "Sana hindi ito dumating kina Mommy at Daddy." Sinirado niya ang locker para tingnan ako nang maigi. "Sa kanila hindi, pero sa mga kapatid natin malalaman at malalaman nila ito. Before you could do some decisions, they know it first," he said bluntly. I felt nervous right now. Knowing my hunk and strict brothers. Gosh, Roshana, you are in trouble.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD