I was sitting there for the whole time hindi na kumikibo. Nawalan agad ako ng gana. Hindi na rin ako makatingin sa stage. Nakikinig na lang ako sa boses ni Heron na nakakapanindig balahibo sa ganda. But my esteem was getting bitter and bitter while listening to him. "Mauuna na kami, Rosh," paalam ng mga kaklase ko. Tapos nang tumogtog ang Banda nina kuya Jeho kaya naman nag-si-uwian na rin ang mga tao sa resto bar. Ala una nang hating gabi pero nasa labas pa rin kami. "Sure! Mag-ingat kayo," pilit na ngiting saad ko. Nagbeso si Kiesha sa akin. "Ayaw mo ba'ng sumama sa amin ni Brix? Nandiyan ang sundo niya ihahatid ka na lang sa inyo." Mabilis akong umiling. "Sabay na kami ng kuya ko pauwi." "Sure ka, Rosh?" tanong naman ni Brix. "Yes. Sabay naman kaming pumunta rito kaya sabay rin