True enough ang sinabi ni Hazer, pagkarating ko sa bahay sinalubong agad ako ng mga kapatid ko.
"What happened, Rosh? I heard you had a fight again this time?" tanong ni kuya Deon. Siya ang pumapangawala kay kuya Harris. He is also strict when it comes to his siblings, especially to me.
"There's nothing wrong kuya. Everything's alright," I said. "Haze, will take care everything."
Nakita kong nilagpasan kami ni Hazer, na kasabay ko sa pag-uwi. Binati niya muna ang mga kapatid namin, nakipag-tanguan bago siya pumasok sa malaking kitchen namin kaya nawala rin siya sa paningin ko kalaunan.
"What do you mean by that? Everything's alright? You sure of that? I heard that girl, pulling your god damn hair," kunot noong saad nito, nababahala na.
"I'm fine kuya. Nandoon naman si Hazer,he managed everything.” I smiled.
Umiling siya, hindi makapaniwala. Nakita ko ang paglabas ni kuya Rohan sa isang pinto, humihikab pa ito. Nang makita ako, biglang nawala ang kanyang antok at sumeryoso ang mukha.
"Finally, you’re here," his baritone voice can make me panick.
"Hi kuya, Rohan," I kiss his cheeks.
"Did you hurt somewhere, baby girl?"
Umasim ang mukha ko. What kind of enderment is that? Ayaw ko talagang marinig ‘yan sa kanila. Pero wala ako sa huwisyo na pansinin pa iyon.
"Nothing, wala namang masakit sa akin," sagot ko.
"Nag-iisang babae ka lang tapos kung sasaktan ka ng kung sino... Tsk! Tsk! I can't accept that."
"I will go to your school tomorrow, haharapin ko ‘yang naka-away mo," seryosong saad niya.
"Wala namang nangyari sa akin. Huwag nga kayong over reacting diyan," I laugh so hard.
Akala niyo papagalitan ako ng mga kapatid ko. No! They will support me always, sila lang talaga ang nakaka-intindi sa lahat. Sa lahat na nangyari sa akin, sa kabila ng pagharap ko sa ganitong isyu.
They don't judge easily, mangalap muna ‘yan ng totoong impormasyon bago susugod.
Lalo na nung bumababa si Alaster na kasama si Jeho sa hagdanan. I know another, kulitan na naman ang matatanggap ko sa dalawang ito.
"May nakaaway ka raw? Bakit mo binalian ng kamay?" tawa ni Alaster, papalapit na sila.
"Oo nga, Rosh. You should break their faces. I would love to watch them suffered," si Jeho na ka-akbay si Alas.
"Kung ako ‘yon babasagin ko pagmumukha ng babaeng ‘yan. Tss, kulang ka pa sa pag-practice ng taekwando," ngisi ni Alaster na nakakainis pagmasdan.
Para bang may tinatago siya sa likod ng ngisi niyan. I hate how mysterious my all brother is, hindi ko sila makuha.
"Turuan na ba natin, Alas?" Ngisi rin ni Jeho.
"Cool ako riyan. Basta ikaw ang taga-sparing. Nababagay ka do'n, eh," tawa ng kausap.
Napa-ikot na lang ang mata ko. "Seriously? Taekwando talaga? Pwede iba naman. Siguro baril, turuan niyo akong humawak ng baril nang sa gano'n, kayo ang una kong paputokan kung sakali."
Nakita ko ang pagbiglaan nila ng halakhak ng malakas.
"That's too brutal, baby Rosh," Si Jeho. "Pero unahin mo si Alas. Nang mawala na'to sa mundo."
Muli napa-ikot na lang ang mata ko pero sa huli napa-tawa na lang din. I love it, when I am here. Lahat ng problema ko sa labas nawawala kapag sila na ang kaharap ko. Hindi ako mag sasawang sabihin, na swerte ako sa kanila. They are over protected but in a good stunts.
"Tama na nga iyan. Bukas pupuntahan ko ‘yang naka-away mo. I will talk to her," si kuya Deon gamit ang maowtoridad na boses.
"Sasama ako, I will teach her a lesson," Si kuya Rohan naman ngayon.
"You wanna come guys?" Tanong niya kina Jeho at Alas.
"Kayo na lang may banda pa akong i-attend bukas. Sayang," iling ni Jeho.
"Sasama ako, chix na ‘yan, eh," tawa ni Alas na binatukan ng katabi.
"Puro ka chix, ayusin mo nga ‘yang sarili mo, Alas."
"Ayos naman ako, ah. Seryoso nga ako, sasama ako bukas. I will teach her some lessons," ngisi niya nang nakakaloko.
"What lesson dude?" Biglang sulpot naman ni kuya Renzo. "Making them kneel down and eat your bulls," halakhak niya.
Natawa rin si Jeho. Uminit ang pisngi ko nang mag sink-in sa akin ang ipinunto ni Renzo. Narinig ko rin ang halakhak ni Rohan sa tabi sabay mura ng malutong.
"Watch your mouth, Renz. Our youngest hear your shitty mouth. Get lost all of you!" utos ni kuya Deon sa lahat na sinunod naman.
"Alright. We will talk about something then,let's go” Si kuya Renzo pagkatapos umalis na, hila ang dalawang maingay. Kaya ang naiwan si kuya Rohan, ako, at si kuya Deon.
"Seriously, kuya? No need for that. Ano na namang gagawin niyo sa kanya? The last time I checked in my old school. May ginawa kayong hindi kanais-nais. Pinapahiya niyo ‘yong naka-away ko sa lahat ng studyante."
Kapag naalala ko ang mga pinanggagawa nila. Naiinis ako, isa nga rin siguro kaya takot ang ibang studyanteng sa akin na kalabanin ako dahil na rin sa kanila. They take actions suddenly.
Hindi basta-basta ang mga parusang ginawa nila kapag may nakakaaway ako. They take scandalous images on them. Katulad nga no’ng sinabi ko, iyong huling naka-away kong babae. Pinahubad nila ito at kinunan ng picture. Kinalat sa internet. Nagkaroon ng depression ang babae kaya ang resulta nagpakamatay ito. Ayaw ko ng maulit ‘yon, that's worst.
"Huwag kayong gagawa ng kalokohan. Ayaw ko nang masisira itong pangalan ko dahil na rin sa kagagawan niyo. We are Moonzarte, hindi tayo gan’yan, diba? Don't make a move to make people embarrass. Don't be so harsh. I can handle myself," mahinahon kong sabi.
"You sure of that? We are your brothers, kaya namin gawin lahat para protektahan ka. We can't afford watching you being bullied. Mas maganda kung sila ang binubully kay sa ikaw ang binu-bully nila. Tandaan mo ‘yan," huling paalala ni kuya Deon.
I can't afford also, being a bullied. That's absorb. I only want a normal life. Lumalaban ako pagpinapangunahan ako. Pero ‘pag hindi, I will ignore it.
I sigh heavily. This is what I have been talking though. Moonzarte family is not an ordinary family name. There's a mystery behind it, Isa sa amin ay may tinatagong kakaiba. We are a little devil on this family. We do bad things, but we help in a good way.
I was walking in the hallway in the middle of the night, when I heard Jeho calling someone in the balcony. Madilim ang kanyang pwesto kaya hindi ko maaninag masiyado ang mukha niya.
"Then fix something. Kailangang ayusin mo ‘yang problema mo." That voice is from my brother who's talking someone in the phone.
Nasa likod ako ng dingding. Nakikinig sa kanya. I've never heard him talking so serious like this. Parang alalang-alala siya sa kausap.
"Find her, kailangan mo siyang mahanap sa lalong madaling panahon. She's your girlfriend, bro."
Nagkibit balikat na lamang ako. Ano bang paki ko kung sino ‘yang kausap niya. I'm thirsty, why I hidding myself? Puwede ko naman siyang lagpasan at balewalain.
"What the hell, Heron! Edi hanapin mo… Ano? Aalis ka?"
Natigil ako sa pagtangkang paglalakad paalis dahil sa nabanggit na pangalan.
Heron?
Tama ba ang narinig ko? Iyong kausap niya------
"Hindi ba, girlfriend mo siya. Hanapin mo. Saan ka ba pupunta? Oh, damn you! May concert tayo sa makalawa. Baka hindi ka makahabol niyan."
Bumalik ako sa pagtatago. I want to hear more, baka nagkakamali lang ako ng dinig sa pangalang iyon. ‘Tsaka may girlfriend? Sinong may girlfriend?
"Babalik ka agad. Ikaw ang vocalist ng banda dapat nandoon ka… Sige na. Sige na, hanapin mo muna ‘yang girlfriend mo. Update me. Call me again asshole.”
Iyan ang huli kong narinig na sinabi ni Jeho bago niya binababa ang tawag pero nakatunganga pa rin ako sa kawalan. Pilit pinoproseso iyong narinig na tawag.
"Roshana, bakit nandiyan ka? Hindi ka pa ba matutulog?"
Naigtad ako sa tawag ni Jeho sa akin. Mabilis siyang nakalapit sa akin, nakakunot ang kanyang noo.
"M-Matutulog na ako mamaya. K-Kukuha lang ako ng gatas." Kumurap-kurap ako ng ilang beses.
Tumango siya. Blangko pa rin sa kakaibang kabang naramdaman ko. "Kanina ka pa rito? Gusto mo ako na gagawa ng gatas para sa’yo? I'm free?"
"H-Ha?"
Hindi ko alam kung bakit naging balisa ako. Dahil ba ito sa katawagan niya?
"Mukhang inaantok ka na. Alright, ako na ang gagawa ng inumin mo. Hindi mauutusan iyong mga katulong sa bahay dahil natutulog na sila. Go, I'll make you a milk, wait me in your room," he pat my head before he leaves.
Nagisip-isip pa ako nang ilang minuto roon. Tulala pa rin, sana mali iyong naririnig ko sa kanya. Sana mali ang pangalan na narinig ko. Kahit may porsyento na ang tinutukoy ng utak ko ang katawagan nga ni Jeho kani-kanina lang.
Could it be...?
Hays! Never mind.
Pumunta ako ng kwarto ko. Umupo sa kama, nanghihina ang mga buto. Napatitig ako sa pintong gabi-gabi ko binubuksan nang sa ganon, mapanaginipan ko lang ang taong iyon. Kahit sa panaginip, makakasama ko lang siya.
Tumayo ako sa pagkaka-upo para buksan ang isang pintuan na tanging ako lang ang nakaka-alam. It's a secret passage. Sinadya ko talagang pinagawa ‘yan nang sa ganoon, doon ko mailalagay bawat lihim na nakatago sa sarili.
Isa lang siyang ding-ding kung pagmasdan. Na parang walang pinto sa likod ng ding-ding na iyan. Behind my potray there's a little button, and if you push it, dadalhin ka sa ibang dako ng kwarto na puno ng ibat-ibang litrato.
I was going to push the buttons when I heard some foot steps coming inside to my room. Inatras ko ang paa pabalik sa kama. Nang maka-upo ako kasabay nang pagbukas ng pinto.
Dumungaw ang ulo ni Jeho roon. I smiled before calming myself. He entered my room and lend me a cup of milk.
"Here it is."
"Thank you, kuya Jeho," I said.
Sometimes I called him kuya if needed. Kapag masiyado na siyang maloko, nawawala ang respeto ko sa kanya sa pagtawag nun. Mas grabe kasi siya kung magbubulakbol. Nahahawa kay Alaster na walang alam kundi mambabae.
"You're welcome. Matulog ka na. You need to sleep. Maaga pa ang klase mo bukas."
I nodded. Ininom ko ang binigay niyang gatas. Hindi mawala ang tingin ko sa kanya, nakatitig din siya sa akin. Kinikilatis ang titig ko, mabilis akung nag-iwas ng tingin.
"Do you want to ask something?"
Natigil ako sa pag-inom. I shook my head.
"Wala.” Nginitian ko ulit siya.
Huminga siya nang malalim.
"I know you, baby Rosh. If you look at me like that, you have something bothering on your mind.”
Umupo siya sa kama. Nilagay ko naman pabalik ang tasa sa tray. Saka siya tinignan.
"Sino 'yong katawagan mo kuya?" mahinang tanong ko. Takot sa posibleng mahalata niya.
"It was Heron. Why? Did you hear so many infos?" Tumawa siya ngunit tanging ngiti ng pilit ang ginawad ko.
"Heron? You mean the vocalist?" pagkumpirma ko pa.
"Uhuh, Yeah. That guy, Herondale Castellijos. May girlfriend na ‘yon, it's a secret. Dahil na rin nasa industriya siya kaya mahihirapan siyang ipakilala ‘yon sa lahat. Baka dumugin ang babaeng girlfriend niya."
"Y-You know that girl?"
Biglang lumamig ang aking kalamnan while hearing my shaking voice.
Nagkibit balikat siya. "Not really, but I saw her twice. She's pretty, Rosh. And I think Herondale Castellijos really loves her."
Kinagat ko ang pang ibabang labi. How come? I didn't know this news?
"Bakit mo naman nasabi na m-mahal nga niya ang babaeng ‘yon?" I cleared my throat.
"Nawala kasi ang babaeng ito ngayon. Nasa kalagitnaan siya ng pag-practice ng vocal niya nang bigla siyang umalis para hanapin ang kanyang girlfriend. Sinabi niya sa akin mawawala siya ng ilang buwan. Namomoblema nga ako kasi may concert kami sa Araneta sa makalawa, baka hindi siya makabalik sa araw na iyon."
"B-Bakit, ano ba’ng nangyari? Bakit umalis ang girlfriend niya?"
"I don't know, Rosh. Let's see what will happen. Matulog ka na. Goodnight."
Sinundan ko ang pagtayo niya. Hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis sa kwarto.
Nakatitig ako sa kawalan. Si Herondale? May girlfriend pala siya? I thought it's a fake news. Iyong babae kaya na rumor sa internet iyon ang girlfriend niya? Anong pangalan kung gano’n?
Kinuha ko ang tablet sa side table table at mabilis na nag-search tungkol sa kay Herondale. I saw many articles about him saying that, he had a rumored girlfriend kaso dine-deny niya ito sa tuwing tinatanong siya ng media.
May isang video din doon na sinasabi niyang, wala lang ‘yon, friend niya lang ang kasama niya sa litrato. Spotted doon sa kuha ng isang citizen na nakita niya si Herondale na may kasamang babae sa isang coffee shop. Niyakap siya ng babae. Panay ang deny niya nang tinanong siya sa tungkol litratong iyon.
Akala ko hindi totoo ang lahat. Pero ngayong na kumpirma ko na kay Jeho na girlfriend niya nga ang non-showbiz na iyon, parang gumuho ang mundo ko. Sobrang bigat sa pakiramdam.
Tumayo ako sa kama para lapitan ang pintong nakatago ang lahat. Nang mabuksan ko ito, bumungad sa akin ang malaking tarpaulin na may mukha ni...
Herondale Castellijos
What a nice name right? Iyang pangalan na ‘yan ang dahilan kung bakit sa mura kong puso nakaramdam nang pagtibok sa ‘di ko malamang dahilan.
Pumasok ako sa loob. Isa lamang itong maliit na kwarto na kaya nang tulugan ng dalawang tao. Lahat sa dingding na ito, nakadikit ang kanyang mukha. Seryoso man ito o tumatawa, nandito na lahat. My effort while puting his picture in here was relaxing.
I can still remember how we first met, how I got distracted by his looks everytime I saw him.
Lahat yata ng babae sinasamba siya para makuha lamang ang kanyang atensyon. Lalo pa ngayon na sikat na sikat na siya. He is the vocalist of the famous band, named, Rasta Supreme Band.
Naalala ko pa lang iyong unang rinig ko sa boses niya, halos magwala na ang dibdib ko sa kaba.
Pumikit ako nang mariin. Kasabay nang pagbalik ng ala-ala ko sa nakaraan. Kung saan, doon ako nakaramdam ng unang kaginhawaan.
Simula nang makilala ko ang isang Herondale Castellijos. Ang lalaking unang nagpabaliw sa akin patungkol sa tinatawag nilang pag-ibig. He is my longest crush, my first crush. But now, he is still my special someone. Nothing change, I still like him and I think it's more than obsession.
Loving him is a sin.