Thinking that you are out of place in that zone is not easy. Malalim akong huminga bago kinuha ang shoulder bag na dala. Nakatingin lang sa akin si Kiesha. Kunot noong nagtataka sa biglaang pagbabago ng mood ko. "Hindi ka na sasabay kay Jeho pauwi?" she asked confused. I shoke my head at isinabit ang bag sa balikat. "Masiyado ng malalim ang gabi. May klase pa tayo bukas. Mauna na tayo. Let's go," "Pero baka hanapin tayo ni----" "What's going on here? Where are you going, Roshana?" Natigil ako nang biglang narinig ko ang boses ni kuya Jeho sa gilid ko. Kadarating niya lang. Napatingin ako sa bandang likod niya. Hindi niya kasama ang mga ka-banda niya. Nandon pa rin sa lamesa nila nakipagkwentuhan sa mga matatanda. Except kay Heron na nakipag-usap pa rin sa anak ni Mrs.Chang. Grabeng