Hindi ako tumango sa pabor na sinabi ni Keisha sa akin. Pero namalayan ko na lang ang sarili, na nasa studio na kami, kasama ko iyong mga kaklase kong babae. Sila ang nangulit sa akin na samahan sila rito.
Hindi ko makuha bakit napasama ako ng mga ito. Kusa na lang akong nagpahila kay Keisha na sobrang excited papasok ng audio room. Hindi rin ako tumutol man lang.
"Bawal madaming tao rito," sabi nung lalaki na mukhang staff sa loob.
"Okay lang iyan. Hindi naman kami mag-iingay," saad ni Kiesha sa tabi ko.
Napa-iling na lamang iyong staff saka tiningnan ako. Mukhang sinisisi niya pa tuloy, Kung bakit nandito ako, nanood. Well it is not my fault to come here. Hinila ako ni Kiesha kaya nagpa-tianod na lamang ako rito.
"Kapag dadating na 'yong producer, tumahimik na kayo. Baka ako pa ang mapagalitan," problemadong sabi ng staff.
Mabilis na sumagot ang mga kasama ko. Samantalang bored akong naghintay sa mga taong kakanta sa loob ng studio.
Nasa labas kaming lahat, hinati ang napaka lawak na room na ito. Nasa mga system sounds kami naka antabay lahat. Samantalang 'yong namamagitan sa amin ay iyong studio sa kabila, tanging makapal na glass wall ang naka harang sa amin. Kapag may nagsasalita roon sa loob ng audio room hindi namin maririnig. Kailangan munang i-on yong sound system bago namin marinig iyong kumakanta sa loob.
Hindi ko maiwasang mapa-hanga sa ganitong systema ng paaralang ito, pwede pala mag-voice recording rito tapos ipu-publish?
Ilang sandaling paghihintay, may dumating na bading na sa tingin ko ang producer para sa kantang gagawin. Tumaas ang kilay niya nang makita ang nasa loob ng Audio room.
"Bakit sobrang dami niyo rito aber?" masungit na tanong niya.
"Gusto lang namin mapanood ang first album na gagawin nina Jehova Moonzarte," sagot nung isang babae.
"At sinong may sabi sa inyo na puwede kayong pumasok rito? Ano tayo rito? Sardinas? At saka ayaw kong makarinig ng titili galing sa ingratang mga babae!
Nakakarindi!" maarte itong nag-roll-eyes Sabah ngiwi.
Mabilis akong hinawakan ni Kiesha at pinakita sa bakla.
"Ito yon. Kapatid na babae siya ni Jeho, dito siya nag-aaral. Kaya kung papaalisin mo kami pati siya aalis na rin at hindi na matutuloy ang kuya niya sa pagtugtog," ngisi ni Kiesha.
Tama ba iyong narinig ko? Mukhang ako pa yata ang naging dahilan para masira iyong recorder ng kapatid ko.
"Hello Ma--sirr....." bati ko na hindi alam kung anong itatawag sa bading.
"Don't call me sir. Babae ako... Oh siya! O siya! Pwesto na kayo sa upuan. Magsisimula na ako. Basta ang request ko lang sa inyo, bawal tumili. Gigil niyo ako mga bakla! Hmp!"
Sumaludo ang lahat sa kanya. Umupo na ako sa mahabang upuan sa tabi. Nasa unang baitang ako ng upuan, katabi ko si Kiesha at iyong dalawa pa naming kaklase na hindi ko pa kilala. Nasa likuran naman yong iba.
Galing sa puwesto ko, klaro sa akin yong loob ng Audio room. Kahit malaking glass ang namamagitan hindi ko maiwasang maexcite. I am so excited, this is my first time watching my brother perform. I don't know who's the lead singer but all I know, kuya Jeho is the Guitarist.
"Okay! Nandiyan na ba iyong banda?" tanong nung bading sa micropono na direkta sa loob ng studio room.
May tatlong stuff doon na may senenyas sa bading. Hindi ko makuha kung ano iyon.
"Magsisimula na ako in five minutes, paki-bilisan ang pag aayos."
May nilabas na drum sa loob at piano, 'tsaka dalawang guitar. Tinignan ko na lang iyong kuko para maaliw ang sarili sa paghihintay.
"Grabe, hindi ko akalain na sa simpleng post nila don sa video na nag-viral na kinanta nila. Umabot sila sa ganito, magkakaroon pa ng Album," daldal ni Keisha na kanina pa nag-iingay.
Narinig kong pumalakpak ang bading. Natuon pa rin iyong atensyon ko sa kuko na kakanail art lang noong nakaraan.
"Okay na ba kayo?"
"We're good."
Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang boses na iyon. Kahit sa speaker ko lang siya narinig pero nangilabot agad ako. That voice. That husky but baritone, it gives me butterflies in my stomach.
Umangat ang titig ko sa loob ng studio room. Doon nakita ko ang limang banda, naka tayo sa bilugang platform.
My jaw drop when I saw who's standing in the center. He is holding a mic on his hand while looking directly to me.
Katabi niya si Jeho na may hawak na guitar saka iyong isa pa nilang kasama na may guitar rin na dala. Tapos iyong isa pang kasama nila pumwesto na sa bandang drum tas yong isa inaasikaso naman yong piano.
"I can't wait until I heard Herondale, voice. What a sexy beast," rinig kong sabi nung nasa likuran ko.
Iyong sub-prof yong leading vocalist nila? Si Castillejos?
Kinuwayan ako ni Jeho nang makita ako sa bleachers. Nginitian ko lang siya, napatingin yong ibang kasama niya sa akin. May sinabi sila kay Jeho, tinanguan lang sila ng kapatid ko sabay turo sa akin.
I saw how Castellijos face harden. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at itinuon na lamang ang mata sa mic na naka tayo sa kanyang harapan.
"We are going to start. In...1...2...3.." bilang ng bading
Hindi kalaunan tumunog na yong togtog ng kanta. Umayos ako sa pagkaka-upo. Nanlamig dahil sa lalaking kakanta sa loob ng Audio room. I can't wait until I hear his song.
Nang magsimula na siyang kumanta, namanhid agad ang mukha ko. Sobrang familiar sa akin ang kinanta niya.
Napaka lamig ng kanyang boses. Makikita mo talaga ito kahit sa aura niya lang. Oras na marinig mo iyong boses niya parang ayaw mo ng tigilan.
The way he sang the song, it gives me chill. Parang nakaka-relax kung pakinggan mo ito ng mabuti. I saw how he close his eyes just to felt every beat of the song.
Lima sila sa loob ngunit sa kanya lang talaga natuon yong atensyon ko. Parang naka magnet na ang mga mata ko sa kanya. Kagaya noong kaninang umaga, kagaya noong pagkakita ko sa kanya sa loob ng classroom. Nakakalula siyang pagmasdan.
I love mellow songs but after hearing him singing this kind of Melody and the way he sang using his baritone vocal. Parang naiba na tuloy yong taste ko sa kanta.
Sa pagbukas ng kanyang mata, dumeretso agad yon sa akin. Hindi ko matagalan yong titig niya kaya naman itinuon ko nalang yong mga mata sa paa. Kahit gusto ko pa siyang pag masdan. Why I am nervous right now?
I cleared my throat at mas nag-focus sa pakikinig. Now I remember this song, it's entitled 'Can't let you go'
Nang umangat yong tingin ko sa kanya, muntik na akung atakihin nang makita kung nakatitig pa rin siya sa akin. Pagkatapos lumipat yong mata niya sa katabi ko.
~So baby come on don't let this go
You know I love you so
Don't throw away
Let out love grow
I can't let you go~
While singing that lyrics napatulala ako lalo.
Narinig ko ang singhap ni Keisha nang titigan siya nang maigi nung Castellijos, para bang sinasabi niya sa lyrics na yon kung anong gusto niyang sabihin sa katabi ko.
~So baby come on don't let this go
You know I love you so
Don't throw away...~
Tinignan ko ang katabi when I heard her sniffing. Para siyang umiyak, nagulat ako nang makita ko ang luha niya na pumapatak. What the hell is happening?
Na-igtad siya nang makita ang gulat kong titig sa kanya.
"A-Are you okay?" hindi mapakali tanong ko.
She smiled and wipe her tears, "Sorry, nadala lang ako sa kanta. Mauuna na ako," she said before going down the bleachers