Pagkatapos kong linisan ang isda na hirap akong gawin kung paano iyon linisan. Kailangan ko pang tawagin si Heron para maturuan niya kung paano maglinis ng isda. Natatakot akong pumalpak ulit sa trabaho. Nagawa ko naman ng tama ang inutos niya. Ako na rin ang nagsasampay ng nilalabhan niyang damit tapos siya naman ang nagluto ng pritong isda. Ganoon ang routine namin sa mga nagdaang araw na kasama ko siya sa iisang kubo. Tinuturuan niya ako sa mga gawaing bahay. Ako ang naglilinis at siya naman ang mangunguha ng kakainin namin. Minsan sinasama niya ako sa ilog para doon kami maligo dalawa. Nag-sasabuyan ng tubig, nag-aasaran. Nagtatawanan. I never felt this happy before. Hindi ko na naiiisip na umuwi pabalik sa Mansion namin at harapin ang totoong buhay na meron kaming dalawa. "Tao p