Lutang ang isip ko sa mga pangyayari kanina lang. Hindi ko lubos akalain na dadating si Herondale at ipagtanggol ako sa mga nag-uusap sa akin. Wala siyang salita habang hila-hila niya ako palabas ng gymnasium. Hindi na rin ako maka-imik. Napapangiti na lang ako nang palihim, dapat sana umiyak ako dahil sa nangyari kanina pero hindi pala, kabaliktaran ang naramdaman ko ngayon. Natutuwa pa ako dahil ipinagtanggol niya ako. Natutuwa ako sa ginawa niyang eksena roon upang hindi ako mapahiya. Dumiretso kami sa locker room para kunin ang bag ko roon. Hindi ko nga alam kung bakit alam niya kung saan naka pwesto ang locker ko. Kahit sa pagbukas niya sa locker, mahigpit niya pa ring hawak ang kamay ko. Para akong sinayaw ng langit at lupa, lalo na nung mabuksan niya ng tuluyan ang locker ko bu