Chapter 8: Guidance

1708 Words
Hindi ko na kaklase sina Kiesha at Brix sa buong maghapong klase kaya hindi na ako makapag hingi ng paumanhin sa ginawang skandalo ni Jeho sa Cafeteria. Panay ang hikab ko habang nagdi-discuss ang pang huling subject teacher. Nakaka-antok talaga siya magturo. We're discussing about Livelihood. Hindi ko masyadong makuha iyong ipinunto niya dahil sa sobrang antok. Naghikab pa ulit ako at pumikit ng ilang sandali. Ngunit kahit anong gawin kong pagmulat ng mata hindi ko na magawa, nahuhulog na ang ulo ko. "Miss Roshana Dazzle Moonzarte! Sinong may sabi sa'yong puwede kang matulog sa klase ko! Stand up now!" Parang bumalik sa huwisyo ang kaluluwa ko dahil sa sigaw na 'yon. Lahat ng mata sa akin naka tingin. Dahil sa kahihiyan napatayo ako nang mabilis. Sakto namang dumaan si Herondale sa classroom napatingin siya sa akin at kumunot ang noo. Hindi mawala ang mata ko sa kanya habang kagat ang labi sa kahihiyan. Alam ko narinig niya ang sigaw ng guro. Sa lakas ba naman ng lapel niya sa bibig nag-echo talaga sa buong klase, abot hanggang labas. "I'm sorry, maam," nakayuko kong sabi. Hindi mawala sa isipan ko ang nadatnan ni Herondale sa akin. Kahit kailan hindi ako nahiya ng labis na ganito, ngayon lang talaga. "I need your parents tomorrow. Understand." Tumunghay ang ulo ko dahil sa gulat "But..." "No more buts. I need to talk to them tomorrow morning." Pakiramdam ko tuloy nauubos na 'yong konting hangin sa dibdib ko para pakalmahin ang sarili. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkataong magsalita dahil umingay na ang bell para uwian. "Class dismissed," huling sabi niya bago siya lumabas ng classroom. Nakatayo pa rin ako samantang nagsilabasan na ang mga kaklase ko. "Iyan kasi 'di porket mayaman puwede nang matulog sa klase. Anong akala niya sa sarili niya alam niya lahat?" bulong ni Helena habang papalabas. Tinignan niya pa ako mula ulo hangga't paa. Nag-flip-hair 'tsaka ako nilagpasan kasama ang dalawa niyang alagad. I heard she's the mean girl in the whole senior high school. Nilabas ko na lang sa kabilang tenga ang mga sinambit niya. Manhid na ako sa lahat ng mga narinig kong pag-do-down sa apelyido ko. Kesa mayaman ako spoiled na agad. Tanging nasa isip ko ngayon ay kung paano ko sasabihin kina mommy at daddy na pinapatawag sila. Immune na sila sa ganito. Ilang beses ba naman akong pinapatawag ng principal noong elementary days at mapahanggang ngayon. I sigh and breath deeply. Pagkapasok ko sa sasakyan ni Jeho walang imik pa rin ako sa kanya. Kadalasan 'pag pinapatawag ako ng principal siya agad 'yong sinasabihan ko nito. Pero dahil magkagalit kaming dalawa buong byahe tahimik kaming dalawa. Pinakiramdaman niya lang ako sa ta i niya. "Thanks," tanging sabi ko bago bumaba ng sasakyan. Narinig ko ang tawag niya kaso hindi ko na inabala ang sariling pansinin pa iyon. Nagdere-deretso akong pumasok sa malaking bahay. Naabutan ko agad sa sala si Alaster at si kuya Rohan naglalarob ng X-box. Nagmumurahan ang dalawa roon at nag-aasaran sabayan mo pa ng malulutong na mura.. Tapos si kuya Renzo at Deon nakatitig lang sa dalawa. Bagot na bagot ang pagmumukha ng mga ito. "Can you make it fast, Alas!" utos ni kuya Rohan, bored na bored na sa panunood. "Ito na nga tangina bro. Huwag mo'kong madaliin baka ikaw pa ang mapatay riyan!" "Watch your mouth, Alaster!" sita naman ni kuya Deon. Umigting ang panga niya sa pangigil. "You're such a weakshit! Talo ka na!" sigaw ni Rohan at sumuntok pa sa hangin. "Another round. Nandaya ka eh. Putangina'to!" nayayamot namang saad ni Alaster na hindi tanggap ang pagka talo sa laro. "I told you stop spitting some shitty words, bulls head!" Tinapunan ni kuya Deon si Alaster ng unan. Napa-iling naman si Renzo habang naka dekwatro sa upuan. "E, langya madaya kasi yang kapatid mo. Sinong 'di makapag mura nun!" lukot na mukha niyang reklamo. "Shut up Alas! Talo ka na, iyong usapan ah. Akin na ang sasakyan mo ngayong gabi." Ngisi ni Kuya Rohan sa naasar na kapatid. "Bakit si Angela pa ang gusto mo? Doon ka kay Bella, kahit buong buwan mo pa iyon dalhin okay lang sa'kin," ani Alaster. "Pfftt... Sinong Angela? At Bella? Mga babae mo ba iyon? Pahinge naman diyan Alas." Biglang sulpot ni Jeho. Dahilan para mapatingin ang mga kapatid ko sa akin sa bungangaan. "Nandito na pala kayo," naka ngising bati ni Kuya Renzo. Nilapitan ko silang lahat at sumiksik sa gitna nila. Naka-upo kasi silang apat sa sofa. "Bakit nakabusangot itong bunso namin?" tanong ni kuya Deon. He tap my back. "May umaway siguro riyan. Anong pangalan ng maasikaso ng kamao ko," sabi naman ni Alaster na walang matinong sinasabi. Napa tingin ako kay Jeho na prenteng-prenteng naka upo sa kaharap kong sofa. Mag-isa lang siya roon. "May isa kasi tayong kapatid na bigla na lang susugod sa taong hindi naman siya inaano," sumbong ko sabay paikot ng mata sa kawalan. Suminghap si Jeho at napa-iling-iling. "Look I'm sorry. I'm just being protected to you little sis." "Pero masyado naman kasing mababaw ang dahilan mo. Walang ginawa iyong tao, kaklase ko lang siya at gustong makipag kaibigan. Masama ba iyon?" "I told you I will protect you. I'm sorry little sis." He breath deeply while messed up his dump hair. "Langya ka talaga Jehova. Anong ginawa mong kabulastugan? Nakipag away ka sa mas bata sa'yo?" tanong ni kuya Rohan. "Wala naman akong ginawa, muntik ko lang masapak ang kaibigan niya kanina. Dikit nang dikit sa kapatid natin, e." "Tarantado ka talaga. Mapapahamak iyong kapatid natin niyan e," sabi naman ni Alaster sa tabi. Kahit minsan marunong din pala mag-isip itong Alas na'to. Mabuti at alam niya ang kahinatnan pag ganon. Naalala ko tuloy iyong pinag diskitahan niyang lalaki nun, noong siya naman ang magkapareho kami ng pinapasukang University. Sa pagka-alala ko Elementary ako no'n tapos siya nasa grade 7 pa lang. Nakita niyang binigyan ako ng flowers nung lalaking kalaro ko. Sinuntok ba naman deretso sa mukha ang batang lalaki. Sa tuwing naiisip ko ang ginawa niya nagsisiklaban ang inis ko. Wala talagang alam ang mga kapatid kung ito kundi magbasag ulo sa lahat ng lumalapit sa akin. "I don't gave a damn. Gusto ko nga basagin pagmumukha nun kanina, kundi lang ako napigilan ni Castillejos." "Asshole," bulalas ko. Mabilis akong tumayo sa pagkaka-upo dahil alam kung wala akong mapapala kung magsumbong ako dahil lahat sila gusto akong protektahan pag may lalaki ng lalapit sa akin. "Roshana! Where the hell did you learn that kind of word?" galit na tawag ni kuya Deon. Mabilis bawat hakbang ko paakyat ng hagdanan. Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar. Narinig ko pa rin ang pag-uusap nila sa sala na nagpapatindi ng pagka-irita ko. "Alaster did you teach our baby girl curse like that?" tanong ni Renzo na hindi rin nagustuhan ang lumabas sa bibig ko. "Seriously? Kailan pa ako nagmura ng English? Malamang 'di ako nagturo non. Pero puwede din naman turuan ko siya ng malulutong na mura. Maganda 'yong pag-aralan." Hagalpak na tawa ni Alas. Ang huli kong namataan sa kanila nakatikim ng pagmumura si Alaster sa lahat. Nang mag-gabi pinuntahan ko si Mommy sa kwarto niya para ipag paalam sa kanya ang nangyari. I saw her sitting in the bed in her night gown. She looks really like me, lahat sa kanya nakuha ko talaga kaya pag magkasama kami akala ng lahat nakakatandang kapatid ko lang siya. "Mom" I called using my soft voice. The cold room enveloped my skin. I climb directly on the bed when she stop reading the books and look at me with a wide smile on her face. "Do you need something, Roshana?" Tumabi ako sa kanya sa sa malaking king size bed kinuha ko ang braso niya para sumuksok sa gitna non. I heared her laught. "What about this time...hmm?" she asked softly while brushing my hair using her finger. "Where's daddy?" Malambing kong tanong. "He's taking a shower, iha." Tumango ako mas niyakap pa siya lalo sa gilid ng bewang. Tahimik lang kami mukhang alam din yata ni mommy na may sadya nga ako. Madalang lang kasi ako pumupunta sa kwarto nila at may balita pang dala pagnagkataon. Ilang minuto ang lumipas lumabas na si daddy sa shower room at nakapag bihis na rin ito ng pang tulog. "Nandito pala ang anak natin. You can't sleep princess?" tanong niya at pinagitnaan ako ng dalawa. "Mukhang may problema ang anak natin. She looks so sad," sabi ni mommy. Kinagat ko ang pang ibabang labi. Kilalang-kilala na talaga nila ako, maski yong mga kuya ko alam na agad nila kung may problema ba ako o wala. "Can you tell us now? " sabi ni daddy. Huminga ako nang malalim. Pinuno ng hangin ang dibdib. This is not my first time talking about this. Iyong pinapatawag sila sa paaralan dahil sa akin hindi ito kailan man isang beses o pangalawa. Lagpas bente na yata sila pinapatawag pero hindi ko parin maiwasang makonsensiya. "Mom, dad. Pinapatawag kayo sa Guidance office" mahinang sabi ko, biglang nanliit sa pagiging ganitong gawain ko na tinatawag sila sa guidance. Wala akong narinig sa kanilang dalawa. Nagtitigan lang sila at tumango sabay ngiti ng matamis na para ba'ng hindi na talaga bago yon sakanila. "Is that it, iha?" Si mommy. I nod silently. "What's the problem? May umaway na naman ba sa'yo? Did someone bullied you? " Iniling ko ang ulo ko ." No." "Then what is it?" "Nakatulog ako sa klase ni Mrs.Alcazar ." malungkot kong sabi nang maalala ko ang eksena kanina at mas nakakahiya pa narinig saka nakita iyon ni Herondale Ilang sandali tumahimik ang dalawa. Hindi kalaunan tumawa si mommy. "Alright. This is the first time na pinatawag ka dahil lamang sa naka tulog ka sa klase. I thought it's another scandalous,iha." She hold my hand and press it. Pinapagaan ang loob ko. "Iyon lang pala bakit ang lungkot mo? There's no big deal we can solve that tomorrow. Pupunta kaming dalawa sa University na yon" Iyon ang huling pag uusap namin bago ako lumabas ng kwarto. See that, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil maliit na bagay lang naman itong pag papa-guidance ko bukas pero ang bigat ng pakiramdam ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD