Sa mga sumunod na araw nagiging busy na ako sa pagpe-prepare sa gaganaping fashion show. Nagiging madali na lang sa akin ang lahat. Inspired ako lagi dahil alam ko na makikita ko si Herondale kapag practice. Maaga pa lang gumawa na ako ng cake pang-regalo ko kay Herondale. Napag-alaman ko kasing masiyado na siyang busy sa magigibg career niya. Napag-alaman ko kay kuya Jeho na magkakaroon sila ng singing album sa araw mismo ng fashion week, kaya absent sila sa mga araw na iyon at hindi sila makanood. Nadismaya naman ako, dalawang araw na lang magsisimula na ang fashion show. Todo supporta naman ang mga kapatid kung lalaki sa akin. Tungkol naman sa kumakalat na issue sa pagnanakaw ko ng singsing, hindi pa rin nalinis ang pangalan ko dahil pagkapunta raw ni kuya Jeho sa CCTV's room napagal