Chapter 7: Ring

1730 Words
"Bakit ka umalis noong nakaraang araw sa Studio? Tsaka umiiyak ka pa? " tanong ko kay Kiesha isang araw. We are in our lunch break. Kahit na iniiwasan ko siya hindi ko pa rin mapigilang pakisamahan siya dahil sa sobrang kakulitan. Siya lang rin ang kasa-kasama ko mula nung kapapasok ko lang dito. Nitong umaga ilang beses ko siyang iniwasan kaso kahit anong gawin ko gagawa talaga siya ng paraan para makausap niya ako. Sa klase ni Mr. Castellijos wala namang nangyari. Nagpa-quiz lang siya pagkatapos umalis na. Nagmamadali yata siya non. "Kiesha..." tawag ko nang hindi siya sumagot, patuloy siyang kumakain tila lutang. "H-huh? A-Ano yung tanong mo?" She blinked twiced. Napa-iling ako 'tsaka ininom ang softdrinks na hawak. Why I was curios about her tears yesterday. Wala na ako doon kung may namamagitan man sa kanila nung Prof namin na si Heron o wala. Or maybe sa kanta lang talaga siya naapektuhan? What's the reason? "Wala. Nevermind" I smiled slightly. "Come on. May sinasabi ka,e." I shaked my head once again. "May assignment ka na sa next period?" Pag-iiba ko sa usapan "Oo nga pala wala pa. Ikaw meron na?" Klaro sa kanya ang pamumutla. I nodded. "Pwede pa kopya? Nakalimutan ko kasi gawin ang assignments ko kagabi dahil andami kong iniisip na problema sa bahay." Pinag tiklop niya ang dalawang kamay sa harapan ko. Kinuha ko ang notebook sa bag at nilapag sa harapan niya. I can't resist her face. Kiesha is cute, namumula ang kanyang pisngi kahit walang nilalagay na kahit ano. Kung titigan mo siya inosenting-inosenti siyang tingnan. "Yay! Thank you. Mabuti na lang savior kita," she said happily while copying my assignments. Nginitian ko siya sandali at hindi na dinistorbo. Pinagmasdan ko ang buong paligid ng Cafeteria, konti lang ang tao sa loob dahil iyong ibang studyante mas gustong kumain doon sa rooftop. May malaking Cafeteria din doon halos lahat ng studyante pumupunta. Mas maganda nga ang ganito dahil walang nagpupuntag studyante rito, pili lamang. Mga sampu lang kaming kumakain dito. I started to like this school as of now. Naka isang linggo na ako rito at wala pa namang nangyayaring kabulastugan sa akin and this is new to me. "Hey...pwede maki-upo sa lamesa niyo?" Natuon ang atensyon ko sa kakapasok lang na lalaki. Naka ngiti siya sa amin ni Kiesha. "Ikaw pala Brix. Halika tabi kayo ni Roshana," sabi ni Kiesha. Tinignan ako ni Brix. Siya ang katabi ko sa upuan, minsan ko lang siyang nakaka-usap sa loob ng klase dahil na rin sa ayaw kung makahalubilo ng tao. Kadalasan siya at si Kiesha lamang ang magka-usap dalawa, hindi na ako sasabat pero nakikinig ako minsan lalo na't interesting yong topic ng dalawa. "Hi Rosh. Pwede akong umupo sa lamesa niyo?" Nagkamot siya ng ulo tila nahihiya sa paghinging permiso. "Sure." Nginitian ko siya ng ka-onti ng sa ganon mawala ang tensyon niya sa akin. "Thanks." Nilapag niya ang tray na hawak sa lamesa. Pagkatapos umupo siya sa tabi ko dahil wala ng ibang upuan na bakante. "Bakit dito ka kumain. Diba doon ka sa rooftop?" tanong ni Kiesha. Nagkibit balikat ang kausap. Sinulyapan ako sandali bago sumagot. "Kanina ko pa kayo hinahanap. Pumunta ako sa rooftop sobrang daming tao, mas domoble ngayon dahil nandon ang banda ng University na ito." Saktong pagkasabi niya nun bumukas ang pinto at umingay ang kaninang tahimik na Cafeteria dahil pumasok ang sinasabi niyang Banda. Sina Jeho na may naka sabit na guitara sa balikat. Na unang pumasok si Herondale bago sumunod iyong apat pa sa likuran. Sunod nun may naka sunod na mga babae rin sa likuran nila nag tutulakan dahil na rin nasa unahan ang mga hinahangaan nila. Impit ang tili ng iilan. Nagkagulo pa ang mga babae sa loob. "And speaking of them..." rinig kong sabi ni Kiesha. Kinagat ko ang straw na nakatigil sa bibig ko habang sinusundan sila ng tingin. Dumaan sila sa tabing lamesa namin at klaro sa paningin ko na dumirekta ang mata ni Herondale Castellijos sa akin, umangat ka-onti ang upper lips niya. Bago niya tinignan si Kiesha na kanina pa suminghap sa titig ng lalaki sa kanya. Para akong nanood ng pelikula dahil iyong mga babeng naka sunod sa kanila parang mga fan girl sa k-drama na patay na patay sa guwapong bida. "Roshana,Who's this guy beside you?" Nawala ang pagkatulala ko nang mag-echo ang boses ni Jeho sa pandinig ko. Nakatitig siya nang mariin kay Brix habang naka tukod ang dalawang kamay sa lamesa namin. Nasa likuran namin umupo ang ka Banda niya. Napatigil siya rito dahil na rin sa lalaking katabi ko na mukhang pagdidiskitehan na naman niya. Isa sa ayaw ng mga kapatid kong lalaki ay iyong may umaligid sa aking lalaki. "Kaklase ko siya. Anong problema mo?" Kunot noong tanong ko. "Kaklase? Bakit sobrang lapit nito sa'yo? " Binalingan niya ako sandali bago kay Brix. Tinignan niya ito ng sobrang diin. "Ano? May gusto ka ba sa kapatid ko? Ngayon pa lang binalaan kita. Bawal 'yang magka-boyfriend kaya kung may plano kang mang ligaw sa nag-iisang prinsesa namin. Bilangin mo na 'yang oras mo." Nagdidilim ang kanyang mga mata habang sinasambit iyon. Hindi naman naka-imik si Brix dahil sa narinig. Napahilamos ako sa mukha ko. Damn Moonzarte, kahit kailan pahamak talaga kaya walang lumalapit sakin eh dahil sa mga bibig ng mga ito. "Jehova Moonzarte! I can't believe you! You're over reacting. Ano ngayon kung magkatabi kami. Can't you see? There's no vacant chair." Pinandilatan ko siya ng mata "Then he shouldn't be here. Huwag na sanang makisawsaw sa lamesa niyo kung ganon" Umayos siya sa pagtayo. Madilim pa rin ang kanyang aura. "Come on, stop being so over reacting kuya. We're eating here peacefully. Leave us alone will you!" Pumikit ako nang mariin. I really hate his attitude like this. It's really suffocating. "What?ako pa ngayon. Ayaw ko lang may umaligid sa'yong lalaki. Your too young ," inis niyang wika. Nakakuha na siya ng atensyon sa lahat. Nakakahiya dahil mukhang kinaawan ako ng lahat. Gusto kung maiyak dahil para akong pinagkaitan ng tadhana. I was going to speak when Brix stand up and look my brother who had horror face. "I want to be her friends. Bawal pala, I understand that your protecting to her pero nasosobrahan ka na sa pananalita. Let your sister free. I suggest, bro." "Ano! Sino ka para turuan ako kung anong tamang gawin para sa kanya? And don't you f*****g call me 'bro' you're nothing but a shit." Nanlaki ang mata ko at napa singhap ang lahat nang kwenelyuhan ni Jeho si Brix. "I'm just saying what is right. Kung totoong kapatid ka niya maiintindihan mo siya," balewalang sabi nito sa kausap. "Wala ka na don kung anong gusto kong mangyari sa kapatid ko. Get lost!" "Jeho!" Hindi ko maiwasang manginig sa takot dahil sa nag-uumapaw na galit niya. Kamuntikan niya pang masuntok si Brix kung hindi lang tumayo si Herondale Castellijos at napigilan niya ang kamao nito baka nagkagulo na sa loob. "Stop it, Moonzarte. Your making a damn scene. Let him go," maowtoridad na saad nito. Napa tingin naman ang kapatid ko sa kanya bago niya binitawan si Brix ng padabog. Tinuro-turo niya pa ito. "Huwag mo akong pakitaan ng ka angasan mo. You shitty head, kaya kitang balibagin ngayon. From now on don't near my sister," malutong niyang sabi. Tinignan ako ni Jehova madilim pa rin ang mga mata. Hinila niya ako palabas naiwan naman ang mga tao sa loob na naka nganga. Another scene nanaman sa bagong paaralan ko. Kahit saan ako magpunta may mangyayari talaga. At nababahiran ang pangalan ko sa kasamaan ng mga kapatid ko. Iyong akala ko na okay na ang lahat. Pero kakasimula ko paang sa unang papel ko sa panibagong paaralan na ito nadudumihan na naman ang pangalan ko. Mas dobleng hiya talaga kung nasuntok siya ni Jeho. "Ano ba'ng problema mo! Isa ka pa eh! Akala ko iba ka sa mga kapatid natin pero mas malala ka pala!" sita ko nang padabog kong binawi ang braso ko sa pagkaka-hawak niya. Walang studyante sa pinaghihintuan namin kaya naglakas loob akong magsalita at pagalitan siya. "For god sake, Roshana Dazzle Moonzarte!Seriously? Mas nilabanan mo pa ang taong 'yon." "Walang ginawang masama ang tao sa'yo bakit mo siya binantaan. Gusto ko lang mamuhay na walang ingay o eskandalo sa paaralang ito pero anong ginawa mo. Nagsisimula ka ng gulo." "Tama lang 'yon sa kanya. Mabuti nang matakot ng sa ganon walang makakalapit sayong lalaki. Your too young and beautiful, ayaw kung may lalaking eeksena sa buhay natin. Can't you understand that." "Naintindihan ko iyon pero masyado kayong selfish. Maski konti bigyan niyo ako ng chance na may kaibigan man lang," mangiyak-ngiyak kong sabi. Ilang kaibigan ko na ang ibinandona nila dahil lang sa ayaw nila sa mga ito. Hinilot niya ang noo. " Kaibigan? Bakit pang Ilang kaibigan mo na ba ang dumaan sa'yo?Pero anong ginawa nila trinaydor ka lang. Kaya kahit anong gawin mo mang hihimasok ako, kami... Sa kung anong desisyon mo sa buhay." "Pero hindi na ako bata para bantayan bawat galaw ko!"Angal ko. Kinuyom ko ang dalawang kamao. "You're minor age. Do you think hahayaan kita nang ganon lang?" masiklab niyang saad. "I hate you!" sigaw ko bago siya iniwan doon. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at mas pina-bilisan ko pa bawat hakbang Naiinis ako dahil kahit anong gawin kung pagpapaintindi sa kanila kung anong gusto kung mangyari sa buhay ko hindi nila pinahihintulutang mangyari. I love them as my brother pero minsan sumusobra na kasi at nakakasakal ng damdamin. Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi. Huminga ng malalim. Pang limang kapatid ko na siya na magkaoareho kami ng University. Akala ko magiging okay ang lahat dahil naiintindihan niya ako. Pagka liko ko sa hallway nakakita ako ng singsing na may malaking diamond na naka dikit. Nag kikislapan ang kulay nito, mabilis kung pinulot yong diamond ring. Palinga-linga ako sa paligid kung may tao bang naglalakad baka nahulog at naiwala ito kaso maski isang pigura wala akung namataan na tao sa hallway na tinahak ko. Sobrang tahimik. "Kanino ba ito?" saad ko sa kawalan. Sakto namang tumunog na iykng bell hudyat na tapos na ang lunch. Ipinasok ko na lang sa bulsa yong singsing ng skirt na suot bago lumisan sa hallway na iyon para pumasok sa pang hapong klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD