"Rosh! Sasama ka ba sa amin?" Natigil ako sa ginagawang pagtipon-tipon ng mga tuyong damo sa bakuran dahil sa sigaw ni Mary Joy na bumibisita na naman sa aming bahay kubo. Ilang beses na siyang napagawi rito at magkakalat lang ng kung ano-anong chismiss. Minsan matanong rin siya sa buhay namin ni Heron, sinasagot ko naman siya ng mga kasinungalingan dahil ayaw kong malaman niya ang totoong buhay na meron kami ni Herondale sa labas ng probinsiya na ito. Ang sabi ni Heron sa akin. We need to live private. Hindi puwedeng kani-kanino kami magsasabi sa totoong pagkatao naming dalawa. And I agree with it. Ito rin naman ang gusto ko, ang walang makakaalam sa totoong Roshana Dazzle Moonzarte. "Mary Joy! Ikaw pala. Maupo ka rito," anyaya ko sa kanya sa isang mahabang upuan na gawa sa kawayan