While preparing for my dress. Huminga ako nang malalim. Nagdadalawang isip ako kung baba, ba ako ng sasakyan. Nagbuntong hininga na lamang ako bago sinilip ang isang bahay na hindi ko akalaing bubungad sa akin sa pagpunta ko ngayon. I wasn't expecting this. Doble pa sa inaasahan ko ang nakikita ko ngayon. I was shocked knowing na ganito ba talaga ang bahay nina Heron. Bumaba ako sa sasakyan na pinag-drive ng family driver namin. Nagpahatid lang kasi ako sa kanya dahil hindi pa rin ako hinayaang magkaroon ng sariling sasakyan nina Mommy at Daddy. "Manong tatawagan ko lang po kayo kung magpapakuha na ako rito," saad ko sa driver na ika-tango niya. Lumabas na ako ng kotse saka ko ulit pinagmasadan ang isang bahay na may gate na gawa sa kawayan. Ilang beses kong tiningnan ang papel kong