Nagdaan ang araw na maganda naman ang takbo ng pag-aaral ko. Hindi kami masyadong nagkapansinan ni Heron sa klase niya.Dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang huling pag-uusap namin. Napaka-arogante talaga ng lalaking iyon kahit kailan. Siya na nga ang nilayo ko sa tamang gawin, siya pa itong nagpaka martyr. Nagpapakatanga siya sa maling babae. Sinong matinong tao, na lumalapit pa rin sa nagugustuhan niya kahit na sinasaktan siya nito? Well, kung sa bagay masiyado pa akong. bata para ganoon mag-isip. Pero hindi ba? Hindi dapat niya pinapa-iral ang naramdaman niya gayong nasasaktan na siya. Gusto niya si Aaliyah pero ang babae na nagustohan niya may kalaguyong iba. Tama ba'n g, magpaka manhid pa rin siya sa nararamdaman niya doon? Nakita niya itong may kahalikan sa loob ng Campus. 'Yan