Buong byahe sa loob ng bus. Nakatulog lamang ako sa balikat ni Heron. Sobrang sarap sa feeling na kasama ko siya sa isang byahe at magkatabi pa kami. Ganoon talaga iyon 'no? Kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo na iisipin ang ibang bagay bukod sa inyong dalawa. It feels really good. When he wake me up. Pagkarating sa destinasyon namin. Sumakay pa kami ng isang motor na may side car. It's my first time to ride it, nakaka-enjoy pala. Ang daming magagandang tanawin na nadadaanan namin.Umaga na kaming nakarating sa lugar na iyon na puno ng kabundukan at mga punong madadaanan. May maliliit na bahay at mga batang kanya-kanyang pagpapakain sa kanilang mga hayop ang nasilayan ko habang sakay sa tinatawag nilang motorcycle. "Di ba kalabaw 'yan? Tingnan mo!" tuwang-tuwa kong sabi kay Heron na