I've never been felt this awkward, kahit sinong taong nakakasama ko hindi ako naiilang sa kanila. Pero bakit pakiramdam ko ngayon napakasikip ng class room para sa aming dalawa? Hindi ko na lang binalingan si Heron sa desk niya at nagpatuloy na lang sa pagsagot. Mahirap magpigil ng emosyon kaya naman kahit parang sumikip ang atmosphere, panay pa rin ang pagsagot ko sa test paper. Lahat nang pinag-aralan ko kagabi nag-pop-up iyon sa isip ko sa kabila ng distraction sa harapan, gumana pa rin ang utak ko. Kaya naman nawala na sa isipan ko na may kasama pala ako sa loob ng classroom . Kung hindi ko lang narinig ang sapatos na papalapit sa upuan ko baka nasagotan ko ang number 15. Biglang kumabog ang dibdib ko habang pinapakinggan ang yapak ng taong papalapit. Nawala na naman ako sa katin