En-enjoy ko na lang ang sarili sa gabing iyon para kahit papaano mawala ako sa ulirat. Pilit kong iniiisip ang mga positibong mangyari kaya kahit hindi ako okay pinilit kong tumawa pa rin. "Hello girls! Sabi ko na nga ba e, hindi ako nagkakamali. Ikaw nga ito, Rosh!" Natigil ako sa tawanan namin ni Kiesha nang may biglang dumating na apat na lalaki. Isa sa kanila ang familiar sa akin. "Uy! Kirby! Ikaw pala iyan! Bakit kayo nandito?" gulat kong sabi. "Nice meeting you again, Rosh. Birthday ng kaibigan ko na si Joshua, dito namin na piling mag-celebrate... Pwede ba kaming sumali sa lamesa niyo." "Sure! Why not! Medyo boring na rin kasi kami ni Rosh dito mabuti na lang nandito kayo," tuwang-tuwang sabi ni Kiesha. "Okay lang ba, Ms. Moonzarte?" hinging permiso pa ni Kirby. "Oo nam