"Why are you staring at me like that? Pagkatapos mo akong iwan habang nagkwekwento last time at daig mo pa ang stalker na pabalik-balik sa bahay ko, pumunta ka na naman ngayon ng walang dala ni prutas man lang bilang peace offering," wika ni Aimee habang naka-cross arms sa harapan ni Damian. Sinubukan niya itong ipagtimpla ng white coffee kanina. Hindi naman nito mabilang kung ilang beses siyang tinanggihan ng binata. She's trying her best to be polite but he's too hard to handle. Lumapit na lamang ito kay Damian at kinuha ang kapeng tinimpla para dito. Walang pasabi niya iyong ininom habang nakikipagtitigan sa mga mata nito. "Happy?" sakrastiko niyang sambit saka inilapag muli ang tasa. Kung noon pa nito gustong lasunin ang binata, sana ginawa niya na 'yon noong una palang silang nagk