Walang nagawa si Venice nang binuhat ito ni Cross mula sa gitna at mabilis na inilayo mula sa paningin ng mga taong nakakita sa buong pangyayari. She cried and gathered too much attention. Halos mabaliw naman ang binata sa pag-iisip kung anong maari nitong gawin upang mapatahan ang asawa. Sinubukan nitong maghanap ng mauupuan ngunit puno na ang lahat dahil sa dami ng tao. Mabilis na lamang itong naglakad papuntang home and living section at pinapaupo ang asawa sa isang sofa. "Ma'am, Sir, bawal pong umupo dito." Wika ng isang sales lady na lumapit sa kinaroroonan nila. Nanlisik agad ang mga mata ni Cross at inis na inabot ang mastercard sa babae. Kailangan niyang masigurado na tahimik ang lugar para sa asawa. "Get lost!" singhal nito ng makitang natulala pa ang sales lady sa kanyang ha