[Venice's POV] Ilang beses kong pinaniwala ang aking sarili na panaginip lang ang lahat. Hindi ako nakasuot ngayon ng isang white sexy party dress habang mahigpit na nakakapit sa braso ng lalaking itinuturing kong mortal na kaaway. Pakiramdam ko'y kumukulo ang aking dugo at gustong isuka ng aking sistema ang lahat ng nakikita ko ngayon. Ito ang negosyong napili ni Cross dahil alam nitong maraming mayayaman at baliw sa perang nakatira sa Isla Velezenia. Sinamantala nito ang kagustuhan ng mga taong magsaya habang ang iba naman ay sinusubukan ang kanilang swerte ng hindi namamalayang unti-unti na palang nasisira ang kanilang buhay. "I suddenly felt like continuing our honeymoon in the mansion is boring. Why not do it in my own casino, di'ba?" he smirked at me. Hindi ko ito sinagot, pinagm