Ilang minuto pang pinagmasdan ni Venice ang asawa bago ito nagdesisyong bumangon at umalis sa kama. Hindi niya mapigilang huwag mapangiti habang tinititigan ang gwapong mukha nito. Ibang kilig at saya talaga ang dala ni Cross sa kanyang puso. Magsalita man ito o hindi, nagagawa nitong bigyan ng kulay ang buhay niya. "Gene?" tawag nito ng marinig ang mga hagigik at tawa ng batang lalaki habang nakikipaglaro kay Molly sa likuran ng mansyon. Tumakbo naman ang bata papalapit sa kanya at bumati ng magandang umaga habang tila sabik ding sumunod sa likuran nito ang tutang si Molly. "How's my cute and adorable baby?" sambit nito at hinalikan ang anak. Malambing namang tumugon ang maliit na si Molly at naglumikot pa sa kanyang kamay. Hindi niya mabilang kung ilang beses itong hinalikan ng anak