Huminga ito ng malalim at tinanggal ang sout niyang heels ng sa wakas ay makapasok na sila ni Cross ng 408 Suite. Nakangiti nitong tiningnan ang mga mwebles ng silid lalo na ang lamparang nasa kanilang tabi. Sa unang tingin palang ay malinaw na sa kanya kung bakit napabilang ito sa mga sikat na five star luxurious hotel sa New York. Naisin man ngunit wala na itong balak na itanong sa asawa kung magkano ang bayad sa tatlong linggong paninirahan nila at baka malula na naman siya tulad ng nangyari sa first class cabin na pinili nito. Inisip na lamang ni Venice na parte ng imbitasyon ang lahat ng 'yon at nararapat din naman para sa isang multi-millionaire na tulad ng asawa. "Do you feel dizzy?" kaagad na tanong ni Cross saka ito bahagyang sinulyapan. Malakas namang ibinagsak ni Venice ang ka