"Salamat, Manang." Sambit nito bago ini-lock ng pintuan. Tinanggihan niya ang alok ng ginang na tulungan itong asikasuhin si Cross dahil ayaw niyang marinig nito ang mga sinasabi ng asawa. Ayaw niyang makaramdam ito ng hiya sa ibang tao kinabukasan kaya minabuti niyang silang dalawa lamang ang maiwan sa silid. Hindi tuloy nito mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay habang hawak ang maliit na batyang naglalaman ng maligamgam na tubig na may halong alcohol. Mabuti na lamang at mabilis na sinagot ni Manang ang tawag nito at hinatid ang lahat ng hiningi niya. Huminga ng malalim si Venice at muling nilapitan ang asawa sa sofa. He keeps on groaning at paminsan-minsan ay parang kinakausap na naman siya nito. Ramdam pa rin nito ang paninikip ng kanyang dibdib dahil sa sinabi ng asawa.