"How are you feeling, honey? Nahihilo ka pa rin ba?" tanong ni Cross sa kanya habang nasa kalagitnaan sila ng byahe. Lampas isang oras na yatang nagmamaneho ang asawa ngunit hindi pa rin malaman ni Venice kung ilang oras pa ang kailangan bago sila makakarating sa syudad na sinasabi nito. Ngumiti nalang siya dito at nagpakita ng isang malaking thumbs-up sign. "Hindi na. Saglit lang 'yon kanina pero mabilis ding nawala," she answered him an assurance that her condition is fine. Ayaw na nitong mag-alala pa sa kanya ang asawa. Napabuga na lamang ng hangin si Cross. Halatang nag-aalala pa rin ito kahit anong sabihin niya. "You need to get some rest. Malapit na tayong makapasok sa balwarte ng mga Sandoval. Maybe we can stay in the nearest hotel tonight bago tayo pumunta sa mansyon ni Don Seb