Chapter 13

3240 Words
Tumayo si Maggie at nilapitan si Abby. Hindi siya makapaniwala na boyfriend niya si Paul na kilala nila noon. "Wow! Di ko inaasahan ito. Totoo ba ito?" reaskyon ni Maggie na talagang na-amaze at nakangiti. Nahihiya naman si Abby kaya napapayuko siya at pangiti-ngiti nalang ito. "Omg! You are Paul di ba?" tanong ni Maggie. Tinitigan pa niya ang binata. "I can't believe it!" Napangiti naman si Paul sa dalaga. Napatapik si Maggie sa balikat ni Abby, "Bakit hindi mo sinabi na boyfriend mo pala si Paul! Si Paul, ang sikat pagdating sa sports! Ang crush ng campus!" Sumagot naman si Paul na medyo nahihiya, "Hindi naman. Noon lang iyon." "Haist! Kilalang kilala ka namin. Especially..." Napatingin si Maggie kay Lala na nakaupo lamang. Napansin naman ni Lala na tumingin si Maggie sa kanya kaya tumayo ito agad. "Long time no see Paul!" bati ni Lala. "Kumusta ka na?" Napatingin lamang si Abby sa kaibigan na alam niya na crush ni Lala noon ang bf nito. Hindi sumagot si Paul sa dalaga at nagmukhang binalewala lang ng binata si Lala. Pinaupo ni Paul ang girlfriend nito at magkatabi sila. Medyo nagtaka si Abby sa pagiging seryoso ni Paul sa mga oras na iyon. Tuwang-tuwa naman si Maggie na makita ulit ang dalawa niyang kaibigan at kasama ang kanilang bf. Umupo na si Maggie at sumunod na rin si Lala. Magkatabi sina Lala at Maggie at magkaharap si Maggie at Abby. Sa dulo naman si Jerick at may vacant na dalawa sa tabi ni Abby at katabi ni Maggie. Nagsalita ulit si Lala at tinanong si Abby, "Kailan ang kasal?" "Huh?" Gulat na reaksyon. Napatingin sila kay Lala na nakangiti sa magkasintahan. Nahihiya naman si Abby at nedyo namumula ang pisngi pero seryoso naman ang binata. "Hindi pa namin pinag-uusapan ang tungkol sa kasal.." paliwanag ni Abby. "Ganoon ba.." paghihinayang ni Lala na pasulyap-sulyap sa binatang katabi ni Abby. "Huwag na ninyo patagalin dahil it might be..." di matuloy tuloy ang sasabihin ni Lala. "It might be...?" nag-aabang si Jerick sa sasabihin ni Lala. Seryosong sumagot si Paul na pangiti, "Huwag kayong mag-alala, kayo ang unang makakaalam tungkol sa aming kasal!" "Wow!" reaction ni Maggie. "Promise iyan ha!" "Syempre naman.. siguro panahon na para pag-isipan namin ang tungkol sa mga bagay na iyan!" dagdag ni Paul. Napatingin si Abby sa kasintahan, "Paul.." Lumingon rin si Paul kay Abby at kumindat pa ito, "Di ba? Why not?" "Tsk!" palihim na naiinis si Lala. Masaya naman si Jerick sa nalaman, "Congratulations in advance!" "Eh kayo? Mr. Jerick?" tanong ni Paul. Natahimik tuloy si Jerick at nakasalubong ang mga kilay ni Lala na seryosong seryoso na tumingin kay Paul. "Tama, kailan naman sa inyo?" tanong ni Maggie. Natawa nalang si Jerick na pasulyap-sulyap sa kasintahan. "Napunta yata sa amin ang usapan! Nakakatawa naman kayo!" Uminom nalang ng tubig si Lala at hindi na nagsalita. Nagsalita ulit si Maggie at proud na sinabi ang mga bagay-bagay, "Basta, invited kayo sa kasal ko!" "Wow! Congrats!" Bati ni Abby. Mukhang excited ito. Napalingon naman si Lala at nabigla sa sinabi ni Maggie, "Really? Kailan? Akala ko ba.." "Malapit na!" kinikilig na sabi ni Maggie. "Congrats Ms. Idol!" bati ni Jerick. "Thank you!" Dumating na rin ang waiter na magseserve ng pagkain nila. Pagkatapos magserve ay umalis na ito. Nagsimula na sila sa pagkain. Napansin ni Abby na kulang ng dalawang baso sa mesa nila. "Kulang yata ang baso.." wika ni Abby. "Sabihan mo nalang ang waiter.." sagot ni Maggie. "Ako na ang kukuha sa counter, " ani ni Jerick. "Ako na!" wika ni Abby at tumayo na ito. "Ako na!" sabi ni Paul. "Dito ka nalang, ako na ang kukuha..." Giit ni Abby kay Paul. Napangiti naman si Paul sa dalaga. Selos naman si Lala na pinapanood ang dalawa. Umalis si Abby at pumunta sa may counter kung saan naroon ang mga baso. "By the way Maggie, anong oras darating ang boyfriend mo?" tanong ni Lala. "Hmmm.." patingin tingin sa pinto si Maggie na mukhang may hinihintay. Hanggang, dumating na ang bf nito. "Narito na siya!" Nakangiti si Maggie ng makita ang binata na nakasuot ng formal na damit. Napatingin naman sina Lala, Jerick at Paul sa lalaking dumating. Tumayo si Maggie at sinalubong ang kasintahan. "Siya ba ang boyfriend ni Maggie? Ang gwapo!" wika ni Lala at napatitig ito. Di niya talaga inalis ang titig habang naglalakad ito. Napakakisig nito. Nakangiti naman si Jerick at tuwang tuwa na makita ang boyfriend ng idol nito. "Ang gwapo!" Tahimik naman si Paul at no comment. Dala-dala na ni Abby ang dalawang baso at pabalik na siya sa kanilang mesa ng napatigil ito. Nakita niyang kasama ni Maggie ang boss niya. Pagkarating nila Maggie sa may mesa nila ay pinakilala niya ang kasintahan. "Friends! Narito na siya.. I want you to meet my fiance, Si Kristoff!" pagpapakilala ni Maggie sa binata. Narinig ni Abby ang mga sinabi ni Maggie at nagulat ito. Namilog ang kanyang mga mata at di sya makapagsalita. Sa pagkagulat niya ay nabitawan niya ang dalang mga baso. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Parang tumigil ang oras. Pagkabasag ng dala nito ay napalingon silang lahat sa kanya. Medyo nataranta si Abby at nagulat rin sa nangyari sa mga dalang baso na nabasag. "So-sorry.." Tumayo si Paul at pinuntahan si Abby. "Okay kalang ba?" Nilapitan siya ng waiter at tinulungan na mailigpit ang kalat. "Okay lang ako.." sagot ni Abby. Napatingin rin si Kristoff kay Abby na inaalalayan ni Paul pabalik sa mesa nila. Hindi niya inaasahan na makikita si Abby roon. Pinaupo na ni Maggie si Kristoff na kaharap ni Paul. Nakayuko si Abby at di makatingin sa binatang dumating. "Okay ka lang ba, Abby?" tanong ni Maggie. "Okay lang ako.." napilitang ngumiti si Abby sa kanila. Pinakilala ni Maggie ang mga kaibigan niya, "Hon, sila pala ang mga kaibigan ko na kinikwento ko sa iyo sina Lala at Abby..." "Hi! Kumusta?!" bati ni Lala na nagpapacute. Ngumiti naman si Abby at mukhang nagpapanggap na di niya ito kilala. "Hi! Nice to meet you!" Napatingin lamang si Kristoff at nagtataka sa kinikilos ni Abby. "Kasama naman nila ang kanilang mga boyfriend. Si Jerrick, bf ni Lala at si Paul naman ang bf ni Abby!" Dagdag pa ni Maggie. Napalipat ang tingin ni Kristoff na napakaseryoso kay Paul. Naging seryoso rin ang tingin ni Paul sa kanya. Nagpatuloy sila sa pagkain. Habang kumakain ay nagsasalita si Maggie, "Hon,sila ang magiging bridesmaid ko sa kasal natin!" Napalingon si Kristoff kay Maggie na bakas sa mukha ng binata na hindi alam ang tungkol sa kasal. Nabulunan naman si Abby at umubo ito. "Uhoo!" "Okay ka lang ba?" tanong ni Paul at agad nagbigay ng isang basong tubig. "Teka lang Maggie, ang tungkol sa kasal.." nagsalita si Kristoff at para bang pinipigilan ang dalaga na magsalita tungkol rito. Nakaabang naman si Jerick sa reaction ni Kristoff. Sinagot agad ni Maggie, "Alam kong secret pa ang tungkol sa kasal natin pero mga kaibigan ko sila kaya kailangan nilang malaman.." Pasulyap -sulyap si Kristoff kay Abby na kanina pa umiinom ng tubig. Ilang beses na itong nagparefill sa baso nito. "Malalaman at malalaman rin iyan, bro!" Sabi ni Paul. "Congratz!" Inilapag ni Abby ang baso at binati rin niya sila, "Congratz! Congratz sa inyo!" Napipilitang ngumiti ang dalaga. Abby's pov Hindi ko akalain at talagang nabigla ako ng malaman na si Sir Kristoff ang fiance ni Maggie. Tama, Maggie! Magkatulad sila ng pangalan. Bakit di ko naisip iyon?" Siya pala ang fiancee niya. Si Maggie na kaibigan ko ang siyang fiancee ni sir! Si sir.. si sir.... Si sir... Nakatulala lang akong nakaharap kay Sir Kristoff. Nag-uusap sila ni Maggie. Sa isip ko.. maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Oh hindi! Paano kung malaman ni Maggie na may nangyari sa amin? Anong sasabihin niya? Anong mangyayari? Siguradong magagalit siya! Siguradong magiging taksil ang iisipin niya.. mang-aagaw! Anong gagawin ko? Ang laki ng kasalanan ko! ---- Nagpatuloy sila sa pagkain. Hindi maiwasang magkwentuhan sila habang kumakain. Nagyaya si Jerrick bigla sa kanila, "Ano kaya kung mag-out of town tayong anim, what do you think?" "Nice, idea!" pagsang-ayon ni Maggie sa suggestion ng binata. "Pwede tayo roon sa amin sa probinsya kung saan may magagandang tourist spots. May rest house kami roon. Ano? Payag kayo?"dagdag ni Jerrick. "Tama, pwede rin tayong magcamping sa may lake.." wika ni Lala. "Wow! Gusto ko iyan!"reaction ni Maggie. "Magandang idea!" wika naman ni Paul. Napangiti si Abby at sumang-ayon rin, "Nice bonding. Sige! Payag ako!" Tahimik lamang si Kristoff na katabi ni Maggie. "Okay! So go na tayo! Sa next Biyernes at magoovernight tayo roon!" masayang sinabi ni Jerrick. Sinabihan ni Maggie ang kasintahan, "Sasama ka, okay!?" Napatingin si Kristoff kay Abby at sinabing, " I will check my scheds!" Hindi na nagsalita si Abby at napatingin nalang ito sa boss nya. Nagpanggap na siyang di niya kilala si Kristoff kaya paninindigan nalang niya ito. Narinig naman ni Jerrick ang sagot ni Kristoff at sinabihan niya ang binata, "Bro, sumama ka na! Minsan lang ito kaya huwag mo ng palagpasin. Mas mabuti na kompleto tayong anim para mas masaya!" "Yah, masaya kapag kompleto tayo!" dagdag ni Lala na panay tingin kay Paul. Si Paul naman ay napansin si Lala na nakatitig sa kanya kaya iwas tingin naman ito sa dalaga. "Excited na tuloy ako! At last magkakaroon ako ng break!" ani ni Maggie. "Puro ka kasi trabaho!" sambit ni Lala. Pinagtanggol naman ni Jerrick ang kanyang idol. "Lala, ganyan talaga kapag sikat! Di ba Ms. Idol!" Napangiti naman si Maggie sa binata. "Haist! Sino ba ang kinakampihan mo?" nagtatampong reaction ni Lala sa kasintahan. Tumayo bigla si Abby, "Pupunta muna ako sa ladies room." "Ako rin! Sabay na tayo!" wika ni Maggie at tumayo na rin. Sabay na pumunta sina Maggie at Abby sa ladies room. Si Lala naman ay medyo napapaisip at ilang minuto lang ay tumayo na rin ito. "Pupunta muna rin ako sa ladies room. Maiwan ko muna kayo mga boys!" Dali daling pumunta si Lala sa ladies room. Sa ladies room ay nag-reretouch na si Maggie sa kanyang make up. Si Abby naman ay naghuhugas na ng kamay. "Nabigla talaga ako na boyfriend mo si Paul, Abby. Di ko talaga inakala. I was shocked!" ani ni Maggie habang naglalagay ng foundation sa mukha. Ngumiti lamang si Abby na siyang reaction nito. "Siguradong nabigla rin si Lala ng malaman niya. Alam mo naman di ba na crush niya si Paul noon.."dagdag ni Maggie. "Alam ko.." "Well, siguro talagang kayo ang nakatadhana ni Paul at hindi si Lala. Mga bata pa naman tayo noon." Bumukas ang pinto at pumasok si Lala, "Teka, teka, mukhang ako ang pinag-uusapan ninyo." "Ikaw nga!" Straightforward na sagot ni Maggie. "Tungkol ba iyan kay Paul?" tanong ni Lala. "Si Paul na boyfriend ni Abby.." "Tumpak!" Nakangiting reaction ni Maggie. Nagpaliwanag agad si Abby, "Lala, hindi ko ginusto na mangyayari to. Hindi ko intensyon na ibigla kayo." "Don't mind it! Well, at first nabigla talaga ako!" sagot ni Lala na nakataas ang kilay. Yumuko at nahihiya si Abby kay Lala. "Sorry.." "Wala na akong magagawa kung kayo na. Past is past na!" "Ang totoo.." magpapaliwanag sana si Abby ng magsalita ulit si Lala. "Huwag mo ng isipin iyon Abby. Eh, wala akong magagawa kung ikaw ang pinili ni Paul." "Lala.." Pangiti -ngiti nalang si Lala sa dalawang dalaga at iniba agad ang topic, "Maggie, ang gwapo ng bf mo!" "Oo nga ang gwapo niya.." sagot ni Maggie. "Jackpot! Mayaman na, gwapo pa!" dagdag pa ni Lala. Tahimik lamang si Abby at nakikinig sa kanila. Natatawa naman si Maggie sa sinasabi ni Lala. "Eh, how about your bf Lala!" "Syempre, mabait at walang katulad. Kahit di siya masyadong kagwapuhan, he is caring at mapagmahal."paliwanag ni Lala. Meanwhile, kung nag-uusap ang mga girls tungkol sa kanilang bf ay nag-uusap rin ang boys tungkol sa kanilang mga gf. "Masaya ako at nakilala ko kayo na mga bf ng bff ni Lala. Syempre friends na rin tayo!" ani ni Jerrick na napakafriendly makipag-usap sa dalawa. "Matagal na kayo ni Lala?" tanong ni Paul. "Oo, mga isang taon!" sagot niya. "Ah, I see.." "By the way, balita ko crush ka ng gf ko noon noong nag-aaral pa kayo, totoo ba?" Natawa si Paul sa tanong ni Jerrick, "Balita ko nga!" Mas napatitig si Jerrick kay Paul at matapang na sinabi na, "Sorry bro pero sa akin na may gusto si Lala!" Mas natawa pa ito. "Okay." Painom - inom nalang ng wine si Paul. Si Kristoff ay walang kibo at panay inom ng wine rin. "Bagay kayo ni Ms. Abby!" sabi ni Jerrick kay Paul. Napalingon at napatingin si Kristoff kay Jerrick at kay Paul. Napakaseryoso ng mukha nito. "Thanks! Sabi nga nila, we are meant to each other." Napatanong si Kristoff sa binata, "Matagal na kayong magkakilala ni Ms. Abby?" Sinagot naman niya, "Matagal na. Since nag-aaral pa kami sa highschool at mas nakilala ko siya noong college." "Ahh.." "Kaya hindi ko na siya pakakawalan pa. Kahit anong mangyari ay ipaglalaban ko siya!" Pinalakpakan ni Jerrick ang mga sinabi ni Paul, "That's the man!" Si Kristoff naman ay hindi na umimik muna at uminom nalang ulit ng wine. Bumalik na ang tatlong dalaga at umupo na sila. "Ano ang pinag-usapan ninyo?" tanong ni Lala. Sinagot naman agad ni Jerrick, "Edi kayo!" Patawang sinabi niya ito. Nagsalita si Maggie at niyaya niya sila, "By the way, magkakaroon ako ng thanksgiving party bukas ng gabi. You are all invited. Dapat naka-coctail dress kayo Abby and Lala then suit naman sa inyo boys!" Nagreact si Lala, "huh? Wala akong ganiyang damit. Alam mo naman na ganito ang mga suot ko at di ako pumupunta sa mga ganyang sosyal na okasyon!" "Ako rin Maggie.." dagdag pa ni Abby. "Ako na ang bahala sa dadamitin ninyo. Basta pumunta kayo!" demand ni Maggie na nakanguso na ang mga labi. "Magtatampo ako kapag di kayo pupunta." "Pupunta kami!" sabi ni Jerrick. "Walang problema basta ikaw Ms. idol." "Aasahan ko iyan." Kinabukasan ay sinamahan ni Maggie sina Lala at Abby sa suki nitong boutique. Sa loob ng boutique ay naroon ang iba't ibang magagara at magagandang mga bistida, gowns, bags at iba pa. "Pumili na kayo sa gusto ninyong susuotin mamaya sa party ko!" ani ni Maggie na umupo agad sa couch. "Wow!" na-amaze ang dalawang dalaga pagkakita sa mga damit. "Ang gaganda lahat!" Nilibot nila Abby at Lala ang buong boutique at inisa isang tiningnan ang mga damit na nakahanger. "Sukatin na ninyo kung ano man ang magustuhan ninyo!" dagdag pa ni Maggie. "Di ako makapili! Lahat sila ay magaganda!" sabi ni Lala na kumikinang kinang ang mga mata. Napalingon si Abby kay Maggie at mukhang nalungkot, "Pero Maggie, ang mamahal nito. For rent ba ito?" "Do not worry, ako na ang sasagot!" sagot ni Maggie. "Just choose!" "Really?" masayang wika ni Lala. Dali dali itong kumuha ng mga damit at pumunta sa dressing room para magsukat. Kumuha rin si Abby at sinukat sa dressing room. Nakapili na rin sa wakas ang dalawa para suotin mamayang gabi sa party ni Maggie. Ang napili ni Lala ay isang black fish tale dress na backless. Medyo sexy ang dating nito. Sinamahan rin niya ng stilleto heels na kulay black. Si Abby naman ay long fluffy gown na peach ang ibaba at black sa itaas na laces. Nagustuhan rin niya ang susuotin niya na ankle wrap high heels with buckels na kulay silver at gold. Mukhang ready na ang dalawang dalaga. "Perfect!" ani ni Maggie. --------- Bago pumunta ni Lala sa hotel kung saan ang party ni Maggie ay dumaan muna siya sa bar kung saan siya nagtratrabaho. Dala -dala niya ang paperbag na ang loob ay ang gown at heels niya na gagamitin sa party. Nakasuot lamang siya ng denim with rubber shoes. Dumaan siya roon para magpaalam na di muna siya magtratrabaho sa gabing iyon. Papunta na sana si Lala sa quarter ng sumalubong ang isa sa kaibigan ni Lala sa kanya. Mukhang nag-aalala. "Nasaan si manager?" tanong ni Lala ng kaharap na ang kaibigan. "Gurl, hinahanap ka ni Manager!" "Huh?" "Bakit ganyan ayos mo?" tanong nito na talagang nag-aalala. "Magpapaalam sana ako na di muna ako magduduty ngayong gabi. Bakit? May problema ba?" Wika ni Lala. "Naku, malaking problema!" "Huh? Anong problema?" Dumating ang manager at nakita si Lala. "Lala! Our saviour!" sabi ng manager. "May problema po ba?" tanong ni Lala sa manager. "Malaking problema! At ikaw lang ang naiisip kong makakasolve nito." "Huh?" "May VIP na nagpabook na kay Ellaine. Unfortunately hindi makakapunta siya dahil may sakit ito..." "Then?" "Iniharap na lahat ng kasamahan ni Ellaine na magentertain sa kanya pero wala siyang nagustuhan." "Edi, umuwi nalang siya!" Tinapik niya ang balikat ni Lala, "Ano ka ba! VIP ang taong ito. Nakasalalay ang bar sa kanya." "So anong magagawa ko?" "Alam mo naman na iba ka sa lahat. You have a unique beauty and character!" "Hindi naman kasi ako katulad ni Ellaine talaga!" Paliwanag ni Lala. "Isa pa, narito ako para magpaalam na di muna ako magtratrabaho dahil may dadaluhan po ako na party!" "Lala, isipin mo nalang na para ito sa buong kasamahan mo sa bar, dito sa club. Nakasalalay sa iyo ang lahat!" "Anong gagawin ko ba talaga?" pagmamatigas ni Lala. "You will just entertain him. Just be with him. Magkwentuhan kayo. Samahan mo siya kumain, inuman... ikaw na bahala basta hindi siya mabored!" "Paano kung more than that ang gusto niya?" "Haist, hindi mangyayari iyan! Huwag kang mag-alala."sabi ng manager sabay tulak kay Lala patungo sa dressing room. "Magbihis ka na dahil naghihintay na siya." Naunang dumating si Abby sa function hall kung saan gaganapin ang party. Marami na ang naroon na talagang nakasuot ng cocktail dresses o di kaya long gown. Ang mga lalaki ay nakasuit o formal attire. Mukhang mayayaman at nga kilalang tao ang naroon. May mga media rin sa loob ng hall na nag-aabang sa pagdating ni Ms. Maggie. Tahimik lamang si Abby na nakatayo sa may gilid habang hinihintay si Lala at iba pa. "Natraffic siguro si Lala.." bulong ni Abby sa sarili. Abby wears the gown na binili ni Maggie sa kanya. She' s so pretty sa ayos niya. Nice rin ang hairstyle nito and make - up na talagang bagay sa kanya, simple but elegant. May dala rin siyang maliit na glitter pouch. Dumating na rin si Jerrick na hindi nakasuot ng eyeglasses. He is just wearing his contact lenses. Mas attractive ang aura ng binata. Nakasuot siya ng formal. Sa una ay hindi nakilala agad ni Abby. "Ms. Abby!" bati ni Jerrick. Napalingon si Abby sa binata, "Uhm?" "Ako ito si Jerrick! Bf ni Lala!" masayang pagpapakilala nito Natuwa naman si Abby na nakita ang binata. "Ah! Jerrick! Tama! Sorry hindi kita nakilala agad." "Okay lang!" Nahihiyang sagot nito. "Bagay sa iyo na walang suot na eye glasses," wika ni Abby. Napakamot ng ulo si Jerrick dahil nahihiya at na-flattered na ito. "Ganoon ba. Minsan ko lang ginagawa ito." Napangiti si Abby at natutuwa sa binata. "Ikaw rin Ms. Abby, mas lalo po kayong gumaganda!" "Palabiro ka rin!" Natawa nalang ang dalawa sa kakapuri sa isa't isa. "By the way, tumawag na ba si Lala sa iyo? Hindi pa kasi siya dumarating?" nag-aalalang tanong ni Abby. "Hindi pa. Ang sabi niya kanina, mauna na ako rito kasi may dadaanan pa siya." "Ganoon ba.." "Huwag kang mag-alala, darating rin ang kaibigan mo! Sigurado, nagpapaganda pa iyon!" Mukhang tiwalang tiwala si Jerrick sa kasintahan nito. Napadaan ang waiter na may dalang mga basong wine sa tray. Kumuha si Jerrick ng dalawa at ibinigay ang isa kay Abby. "Cheers muna tayo!" yaya ni Jerrick. Tinanggap naman ni Abby ang baso. Samantala, si Paul naman ay nasa opisina pa nila at may tinatapos na gawain. Mag-oovertime sila dahil may tinatapos na project. "Haist, bakit ngayon pa?" naaasar na sambit ni Paul na palihim lamang. Napapabuntong-hininga nalang ito sa kakaisip tungkol sa dadaluhan nila. Nangako pa naman siya kay Abby at sa kabigan nitong si Maggie na pupunta siya. Tumunog ang cellphone ni Abby. May natanggap na mensahe ito mula kay Paul. Napatingin si Jerrick sa dalaga na nagbabasa ng text. Pagkatapos basahin ni Abby ay ibinalik niya agad ang cellphone sa pouch. "Sinong nagtext? Si Lala ba? tanong ni Jerrick. "Hindi, si Paul!" sagot ni Abby. "Ahh, so coming na siya?" "Hindi pa. May tatapusin sila na work sa office nila. Susunod lang siya rito mamaya kapag tapos na." "Ahhh, so busy siya!" Bakas sa mukha ni Abby ang kalungkutan na hindi makakarating ang kasintahan pero pinilit niyang ngumiti sa harap ni Jerrick. Biglang naging maingay ang paligid at tumakbo papuntang pinto ang mga media. Dumating na sina Maggie at kasama niya si Kristoff. Nakasuot ng silver na long gown si Maggie. Kumikinang ito na talagang mapapatitig ka. She was so sexy with her dress. Backless at so sexy ang harapan. All eyes ay nakatitig sa kanya as she is the main person sa party. This is her thanksgiving party for the success sa kanyang fashion show. Kasabay niyang dumating ang kanyang fiance na si Kristoff na nakasuot ng blue suit with white inner polo. Nakahawak sa may braso si Maggie na talagang kitang -kita na they are sweet couple. Lumapit na ang mga media at mga photographer na panay kuha ng picture sa dalawa. Ang mga reporters na nasa labas ay gusto ring pumasok pero pinipigilan sila ng guard. Mga malalaking company na mga media ang allowed lamang sa loob. Pumasok na ng hall ang dalawa. Lahat ay nakatingin sa dalawa habang naglalakad patungo sa stage. "Ang sweet nila.." sabi ng isa. "Nice couple!" "Ang cute nila.." "Handsome and pretty, bagay talaga sila!" Nakatayo sina Abby at Jerrick sa may likuran at kitang kita nila ang dalawa na nasa stage. Napatitig rin sila at natulala. "Ang ganda niya.." pabulong ni Jerrick." Ubod ng ganda! She's a goddess!" "Bagay nga sila.." bulong rin ni Abby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD