Chapter Seven

3259 Words
Gaya ng inaasahan ko, wala na si Xanthos paggising ko. Hindi na rin naman ako nag-e-expect. Xanthos hates me, he finds me annoying... he will never like me. “Ano'ng trip mo? Bakit ka pupunta rito?” tanong ni Cad sa kabilang linya. “H'wag ka munang magtrabaho ngayon. Kailangan ko ng kasama,” sabi ko saka tiningnan ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kuwarto ko. I'm ready to go, I'm just wearing a black long sleeve mesh crop top with black tube beneath and paired it with a high-waisted jeans. I missed wearing clothes like this. Palagi kasi akong busy sa trabaho. “Cook breakfast for me. Make sure your ref has lots of beer in it. Tinatamad ako pumunta sa bar mo, gusto ko muna ng tahimik,” sabi ko saka dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Napakunot ang noo ko nang mapansing may nakatakip sa mesa. Agad kong inangat ang pantakip na kulay red na may butas butas na palaging ginagamit ng mga katulong sa bahay pantakip ng ulam. Fried rice with egg and bacon? Who cooked this? Xanthos? I thought he doesn't know how to cook? Napailing na lang ako at tinakpan 'yon ulit. I won't eat this, baka hindi masarap. “Huy, bakit natahimik ka na riyan?” Natauhan lang ako nang marinig ko ang boses ni Cad sa kabilang linya. Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot sa batok ko. “H'wag ka na pala magluto ng breakfast, dito na 'ko kakain,” sabi ko na lang at kumuha ng spoon and fork sa lagayan saka umupo sa upuan. I don't want to waste food and besides, it seems like Xanthos wasn't the one who cooked this. I'll give this one a try. “Parang timang. Nga pala, anong oras ka pala pupunta?” “Give me at least thirty minutes,” I answered and instantly ended the call.  Napalunok ako saka sinubukang tikman iyon. Napangiwi ako nang mapansing masyadong maalat ang fried rice pati na rin ang itlog. Kung araw-araw ko 'tong kakainin baka magkasakit ako dahil sa alat. Napailing na lang ako at itinuloy ang pagkain. I'm just eating this because I don't want to waste food, iyon lang. Pagkatapos ng ilang minutong pagtitiis kainin ang fried rice na 'yon, nag-toothbrush na ako saka umalis. Hindi na ako naglagay ng make up dahil kay Cadence lang naman ako pupunta. Dumiretso na ako sa unit ni Cadence. Nag-taxi na lang ako para hindi hassle. I've been there for how many times. Madalas doon ako natutulog kapag nalalasing ako nang sobra. I trust Cadence naman, he may be a goofball but he never took advantage of me. Sa isang high-end condominium natuloy si Cad ngayon, malapit lang sa bar n'ya kaya rito na n'ya ko dinadala kapag lasing na lasing ako. Alam n'ya kasi na magagalit ako kapag inuwi n'ya ako sa bahay ng lasing. Ayaw kong makikita ako nina Dad ng lasing. Alam ko na ang PIN code ng unit ni Cad kaya hindi na 'ko nag-doorbell. Basta na lang ako dumiretso sa loob. My forehead creased when Cadence immediately rushed to my direction. He's wearing a simple t-shirt and short with apron. Cadence is a good cook, he's way better than me. “I told you not to cook breakfast for me anymore,” I said and kissed him on his cheek. Nasanay na siguro ako na gano'n ang bati sa kanya. “Ahm, hindi mo ba nabasa ang text ko? Sabi ko h'wag ka munang pumunta kasi pupunta 'yung mga kaibigan ko,” bulong n'ya. Napakunot ang noo ko saka umiling. Naka-silent ang phone ko. “Ano naman kung pupunta ang friends mo?” nakataas-kilay na tanong ko. “Puro lalaki 'yung mga 'yon, e. Baka mailang ka,” tila nag-aalalang sabi n'ya. “Basta ba hindi sila masamang tao, e. Hindi naman siguro sila killers, 'no?” natatawang sabi ko na lang saka yumakap sa braso n'ya. “They are killers though,” he murmured. “Ha?” tanong ko dahil hindi ko gaanong narinig ang sinabi n'ya. Alanganing ngumiti na lang siya saka napakamot sa kilay n'ya. “Wala, sabi ko umupo ka.” Hinawakan ni Cad ang kamay ko at pinaupo ako sa couch. Umupo rin siya sa tabi ko saka inalis ang apron na suot n'ya. “Sabihin ko na lang sa kanila na h'wag ng pumunta,” sabi ni Cad saka kinuha ang phone n'ya at nag-type ro'n. Hindi na lang ako kumibo at sumandal sa balikat n'ya. “What's wrong?” Cad asked and put his phone on the mini table. He held my hand and gently squeezed it. There's a hint of concern in his voice. “Wala naman, nasaktan lang ang pride ko,” bulong ko saka napabuntong-hininga. “Weh? Baka naman brokenhearted ka?” tila nang-aasar pa na tanong n'ya. “Ewan ko sa 'yo,” sabi ko na lang saka yumakap sa braso n'ya. Mamaya na ako makikipagkwentuhan sa kanya. Gusto ko munang matahimik kahit saglit. Wala akong ginawa kagabi kundi ang isipin nang isipin si Xanthos. Cad held my jaw and made me face him. He looks serious while staring at me. I just bit my lower lip and sighed. “Kiara, what's wrong? I know there's something wrong, tell me or--” I sealed his lips with a deep kiss to shut him up. Mukhang effective naman dahil talagang natahimik siya. Cadence held both of my cheeks gently and deepened the kiss. I hugged his nape and responded to his sensual kiss. I sat on his lap, his hand goes down until it reached my back. He pulled me closer to him. Cadence is really one of the best kisser, he can take you to different places and dimensions with just a simple stroke of his soft lips... but Xanthos' kiss was... Xanthos? Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Wala sa sariling itinulak ko si Cad. Natigilan naamn siya at napatingin sa 'kin. “Sorry, I was... carried away,” hinging paumanhin ni Cad saka napakamot sa batok n'ya. “No, it's okay. May naalala lang ako,” sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kanya. “Your future step-dad?” tila natatawang tanong n'ya. “Hindi 'no,” sabi ko na lang at sinubsob ang mukha ko sa leeg n'ya. Cadence gently stroked my hair. He let me sit on his lap for a few minutes and just stroked my hair quietly. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I never felt this way before while making out with Cad. Hindi lumilipad ang isip ko sa kung sino, hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang sumilpot si Xanthos sa isip ko. “Hindi ka ba kinikilig kapag magkalapit tayo nang ganito?” tanong ni Cad. Tumunghay ako at tumingin nang masama kay Cadence. Natawa na lang siya saka kinurot ang ilong ko. “Hmm, hindi,” natatawang sagot ko. Napaismid naman si Cad. “Hindi ka normal na babae. Lahat ng naging girl-friends ko nagkagusto sa 'kin, pati nga si Abi, e,” pagyayabang n'ya. My eyebrow arched. “Porke hindi nagkagusto sa 'yo hindi agad normal na babae?” natatawang tanong ko. “Oo naman. Look at me, Kiara. I'm epitome of perfection. I'm handsome, fit, intelligent, rich... and my sense of humor? Dang, I'm perfect. Pati sa s*x magaling ako. Lahat na sa 'kin na,” pagyayabang pa n'ya. “Pati kayabangan,” pambabara ko na lang. But I kinda agree, Cadence is almost perfect. I don't understand myself why I didn't like him romantically. Natahimik kaming pareho. Hindi na lang nagsalita si Cad at hinayaan akong tumulala. Cad's presence is enough to comfort me. I honestly want a brother like him. “Kiara.” Natigilan ako sa pag-iisip at napatingin kay Cad na seryosong nakatitig sa 'kin. Napabuntong hininga siya saka inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa ilalim ng tainga ko. “May gusto ka na sa kanya, 'di ba?” Natigilan ako sa tanong n'ya. “Kanino?” “Kanino pa ba? E 'di sa future step-dad mo kuno,” natatawang sabi na lang n'ya. Natawa na lang din ako sa sinabi n'ya. “Don't be ridiculous, Lettiere. I don't like him. Naapakan lang talaga ang pride ko dahil wala akong epekto sa kanya,” sabi ko na lang saka napailing. Tumango na lang siya kahit 'di siya mukhang convinced. Yumakap na lang ulit ako sa batok n'ya. “Hello, Cadence, my friend--oh f**k!” Napapitlag ako sa gulat nang makarinig ng boses. Dali-dali akong umalis sa kandungan ni Cad at umupo na lang sa tabi n'ya. Mabilis kong inayos ang damit ko pati ang buhok ko. “Gago talaga, kaya pala ayaw mo na kami papuntahin ha. Nakakasama ka ng loob p're.” Napatingin ako sa nagsalita. Nakangisi siya sa 'min habang nakapamulsa, may dalawang lalaki pa siya na kasama na hindi ko masyadong makita. Agad namang kinuha ni Cad ang unan sa tabi n'ya saka binato sa lalaki na nasalo naman nito. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatungo dahil sa kahihiyan. Naramdaman ko na lumapit sa 'min ang mga kaibigan ni Cad at umupo sa kabilang couch. Napatunghay ako at pasimpleng tumingin sa mga kaibigan ni Cadence. Natigilan ako nang mapatingin sa kanya na nakaupo sa single sofa habang nakatingin sa amin ni Cad. There's no hint of emotions in his eyes but I don't know why I suddenly felt uneasy. What the hell is he doing here? “Guys, kaibigan ko nga pala, si Kiara,” pagpapakilala ni Cadence sa 'kin sa mga kaibigan n'ya. “H-Hello,” I muttered and smiled at them awkwardly. I can't take my eyes off him. He's staring at me too with an unknown emotion in his dark brown eyes. I still can't believe that he's one of Cad's friends. I feel so uneasy right now, my hands are shaking. “Kiara, that blonde guy is Ashteroh. The guy next to him, 'yung mukhang gago, si Eron 'yon. 'Yung nakaupo sa single sofa, si Xanthos 'yon.” Nanatili akong nakatitig kay Xanthos. Of course I know him. “Lumayas na kayo, baka hindi komportable si Kiara sa inyo,” sabi ni Cadence. To be honest, Cad's friends are all handsome. Ashteroh looks like a pure foreigner, mukhang walang bahid ng dugong pinoy rito. His blonde hair makes him look like a Greek God, mukhang suplado nga lang. Eron is dashing too. Parehas sila ng charm ni Cadence, they both look friendly, kumbaga playboy type ang hitsura. “Hello, Kiara, single ka ba?” nakangiting tanong ni Eron sa 'kin. Ngumiti lang ako sa kanya saka tumango. “Ako rin,” sabi ni Eron. Natigilan ako nang mapahagalpak ng tawa si Cadence. Natawa rin si Eron at nag-apir pa silang dalawa. Napakunot na lang ang noo ko. Ano'ng nakakatawa ro'n? “Sure ka ba na okay lang sa 'yo na nandito sila? Pwede naman kita ihatid sa inyo ngayon,” sabi ni Cadence saka umakbay sa 'kin. Pasimple akong napatingin kay Xanthos. Matiim na nakatingin siya sa amin ni Cad. Napaiwas na lang ulit ako ng tingin sa kanya. Why is he looking at us like that? “It's fine,” sagot ko na lang kay Cad saka ngumiti sa kanya. Inilapit ni Cad ang labi sa tainga ko. “Bakit mukha kang kinakabahan? Natatakot ka ba sa mga tropa ko? Akong bahala sa 'yo, kurutin mo lang ako kapag gusto mo na magpahatid,” bulong n'ya. Muli akong napatingin kay Xanthos. Matiim pa rin siyang nakatitig sa 'min. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao n'ya pati ang pag-igting ng panga n'ya. “O-okay,” sabi ko na lang saka mas sumiksik sa tabi ni Cad. Bakit ganyan siya makatingin sa 'min? Saka bakit nandito pa rin siya sa Pilipinas. “Ahm, iinom lang ako ng tubig,” pagpapaalam ko saka agad na tumayo. I didn't wait for Cadence to respond, I immediately stood up. Nanginginig ang mga tuhod na nagtungo ako sa kusina. Huminga ako nang malalim at kumuha ng tubig sa ref saka uminom. I wanna go home, but I don't want to show Xanthos that I'm uneasy around him. I want to show him that he doesn't affect me at all. “What are you doing here?” Napapitlag ako nang may magsalita sa likuran ko. Napabuntong hininga na lang ako at pilit na pinakalma ang sistema ko bago siya hinarap. I raised my eyebrow and put my hand on my waist. Xanthos crossed his arms over his chest and stared at me. I bit my lower lip because I find him sexy on that pose. He can be a model. Kahit nga nakatayo lang siya, ang lakas na ng dating n'ya. “Why are you here?” he asked again. “Because I want to. Cadence is my friend, am I not allowed to stay at my friend's house? Stop acting like my dad, it doesn't suit you,” I said with confidence. I don't have any plans to show him that I'm intimidated by his presence. “Do you always seat on your friend's lap?” he asked with a hint of sarcasm in his voice, emphasizing the word ‘friend’ Agad na naningkit ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Ano'ng gusto n'yang iparating? “So what if I seat on my friend's lap? I can kiss my friend, I can sleep with my friend, I can have s*x with my friend... I can do whatever I want with my friend, Xanthos. You want me to stop bothering you, right? Bakit ikaw naman ngayon ang nangungulit?” nakangising tanong ko. His eyes darkened with what I've said. Xanthos is usually emotionless, seeing him like this kinda scares me... but I don't know why I find him hot at the same time. I'm so weird... he made me like this. “Kung wala ka ng sasabihin, aalis na 'ko.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad ko na siyang iniwan sa kusina saka dumiretso sa living room. Umupo kaagad ako sa tabi ni Cadence. “Ba't ang tagal mo? Akala ko nilamon ka na ng ref,” natatawang sabi ni Cad saka umakbay sa 'kin. Sumunod din agad si Xanthos. Napadako ang tingin ko sa kanya. Walang kibong bumalik na siya sa kinauupuan n'ya kanina. “Hindi ka ba komportable? Gusto mo yayain ko si Abi?” tanong ni Cad saka marahang hinaplos ang buhok ko. Kinakabahang napatingin ako kay Xanthos. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa mga tingin n'ya sa 'min. Pakiramdam ko sasapakin n'ya si Cadence ano mang oras. But why would he do that though? Maybe he's just irritated or in a bad mood. Of course he's not jealous. He doesn't like me, right? He's just irritated, that's all. Why am I trying hard to convince myself with his s**t? Why am I so bothered? Muli akong napatingin kay Xanthos. Nakatitig pa rin siya nang masama sa 'min. Kinuha n'ya ang baso sa mini table saka ininom ang tubig do'n. Umigting ang panga n'ya na tila pinakakalma ang sarili. “H'wag na, uuwi na rin ako,” sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin kay Xanthos. “May masakit ba sa 'yo? Ba't ang putla mo?” nag-aalalang tanong ni Cad saka hinawakan ang pisngi ko. “Wow, Cadence. Sinasadya mo talaga kaming inggitin, 'no?” nakangising tanong ni Eron habang nakatingin din sa 'min. Si Ashteroh naman tahimik lang na nakatutok sa cellphone n'ya na tila walang pakialam sa amin. “Gusto mo ng umuwi? Ihahatid na kita.” Tumayo si Cad at inalalayan din ako patayo. Hinawakan n'ya ang kamay ko at akmang aalis na kami nang may humawak sa kabilang braso ko. Halos mapatalon ako sa gulat. “I'll take her home.” Napalingon ako kay Xanthos na seryosong nakatingin kay Cad. Napakunot naman ang noo ni Cadence. “Ahm, bakit mo ihahatid si Kiara, 'tol?” tanong ni Cad at napakamot pa sa batok n'ya. “Because she's my girlfriend's daughter and we live under the same roof,” Xanthos answered blandly. Cad's mouth agape. Eron gasped and covered his parted lips. Si Ashteroh naman na kanina ay walang kibo, napatingin na sa amin. Gulat na napatingin sa akin si Cad. Kulang na lang yata himatayin siya dahil halos naubos ang kulay ng mukha n'ya. “W-wait, Kiara, so meaning to say... He's... He's the one you are talking about?” he asked, still shocked. I bit my lower lip and nodded. “Eron, p're,” pagtawag ni Cadence kay Eron. Tumayo naman si Eron saka lumapit kay Cad. “Bakit, p're?” tanong ni Eron. “Pakisalo ako ha, hihimatayin ako,” sabi ni Cad bago saka napasapo sa dibdib n'ya. Natigilan ako nang basta na lang ako hilahin ni Xanthos paalis sa unit ni Cad. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pumalag at nagpatianod na lang sa kanya. Tahimik kami hanggang makarating sa kotse n'ya. Tahimik din kaming pareho sa biyahe. To be honest, marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na salita sa bibig ko. Nakarating na kami sa bahay. Naiinis na hinubad ni Xanthos ang coat n'ya saka basta na lang hinagis sa couch. Umupo siya ro'n at sumandal saka ipinikit ang mga mata n'ya. Nanatili akong nakatayo sa gilid habang nakatingin sa kanya. “Bakit ka nandito? Akala ko ba susundan mo si Mom business trip n'ya?” tanong ko. Xanthos didn't respond. “Gaano mo na katagal kaibigan si Cadence?” tanong ko pa pero hindi n'ya rin sinagot. Napabuntong-hininga na lang ako. Xanthos finally opened his eyes and stared at me. I blinked twice when he stood up and took a deep breath as if he's trying to calm himself. Napaatras ako nang humakbang siya papalapit sa 'kin. Muli akong napakurap dahil may kung anong nagwawala sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Mas kinakabahan pa 'ko sa sitwasyon ko ngayon kaysa noong nag-take ako ng CPA board exam. I don't know how Xanthos managed to be scary and sexy at the same time. He looks scary with his glaring eyes but it also made him look sexier which I found weird. How is that even possible? “You have to take responsibility, Kiara.” Natigilan ako sa sinabi n'ya. Hinapit n'ya ang baywang ko papalapit sa kanya nang nasa tapat ko na siya. Napasinghap ako at tila wala sa sariling napakapit sa dibdib n'ya dahil sa ginawa n'ya. “W-what did I do? Why do I have to take responsibility?” I murmured. I felt so weak in between his muscular arms. Pakiramdam ko bibigay ang mga tuhod ko anumang oras, idagdag pa ang puso ko na ayaw kumalma. “Did you kiss him?” he asked and touched my lower lip gently. I don't know but it seems like he put some magic to my soul. I answered his question honestly and nodded. His jaw clenched while staring at my lips. He took a handkerchief inside his pocket and gently wiped my lips. My mouth parted because of what he did. I absentmindedly stared at him while he's wiping my lips gently. “What have you done to me?” He stopped wiping my lips and stared at my eyes. “H-huh?” I asked, still absentminded. “You bewitched me,” he mumbled before he crushed his soft lips against mine... and I became helpless once again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD