Yohan's P.O.V:
"Apo, kahapon ka pa balisa. May problema ka ba?"
Saglit akong napatigil habang naghuhugas ng pinggan ngunit agad din akong natauhan.
"Wala naman po, La. Hindi rin naman po ako balisa." Mas pinabilis ko pa lalo ang paghugas ko ng pinggan habang nakikiramdam ako kung nasa likod ko pa ba si Lola.
"Kahapon kasi ay naabutan kitang parang may hinihintay sa labas. Tsaka paggising ko ng ala una'y nasa labas ka pa. May hindi ka ba sinasabi sa akin, Yohan?"
Saktong natapos naman ako sa paghuhugas ng pinggan. Pinunasan ko muna ang kamay ko bago siya hinarap. "Lola naman, sino naman po ang hihintayin ko sa labas? Hindi lang talaga ako makatulog kagabi. Huwag niyo na pong isipin 'yon."
Kita kong bumuntong-hininga siya. "O siya, sige. Maligo ka na't baka mahuli ka pa sa klase."
Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Lola. Habang naglalakad ako sa sakayan ng jeep ay hindi maiwasang mapaisip ako kung nasaan na ba yung babaeng sunod nang sunod sa akin kamakailan. Alam kong masyadong naging masakit iyong mga huling sinabi ko sa kanya kaya siguro hindi na talaga siya bumalik at guluhin pa ako. Gustuhin ko mang tulungan siya ay talagang wala akong oras. Sa umaga'y nag-aaral ako, sa gabi naman ay si Lola ang inaasikaso ko. Tuwing Sabado't Linggo naman ay naglalako ako ng basahan. May pera pa namang naipon si Lola galing sa dating pinagtatrabahuan niya ngunit mas pinili kong gamitin na lamang iyon para sa mga gamot ni Lola. Nagkaroon ng Alzheimer si Lola kaya napili niyang tumigil na sa pagtatrabaho. Hindi pa naman malala ang kondisyon niya, dahil na rin sa gamot na iniinom niya. Isang beses pa lamang siyang sinumpong ng sakit niya. Gustuhin ko man na manatili na lang sa bahay ay hindi ko rin magawa dahil may pangarap din ako para sa sarili ko.
Simula noong limang taong gulang pa lang ako'y si Lola na ang kasama ko sa bahay. Nang mag sampung taon na ako'y umalis siya para magtrabaho, habang ako naman ay nakitira muna sa tiyahin ko. Hiwalay na ang mga magulang ko kaya napunta ako sa poder ng Lola ko. Noong nakaraang buwan lang naman nauwi rito si Lola nang nalaman niya ang tungkol sa sakit niya. Buti na lang at mabait ang mga amo kung saan nagtrabaho si Lola noon dahil pinangakuan siya nito na sila raw ang gagastos sa pang-check-up ni Lola kada buwan.
Bente-uno na ako pero 4th year highschool pa lang ako. Masyadong mahirap ang buhay kaya minsan ay tumitigil ako. Gustuhin ko mang makapaghanap ng sideline ay hindi ko magawa dahil na rin sa sitwasyon ng aking Lola.
Kinabukasan ay gano'n pa rin ang naging takbo ng araw ko. Habang nag-aantay ako ng jeep ay narinig kong may pinag-uusapan ang dalawang estudyante sa tabi ko.
"Kawawa talaga si Steff, 'no? Kaya pala hindi na siya nagpo-post sa i********: at f*******: niya kasi naaksidente pala siya."
"Saang ospital kaya siya naka-admit? Siguradong maraming natanggap na bulaklak o regalo 'yon."
Schoolmate ko pala 'tong mga 'to. Sino ba yung Steff na pinag-uusapan nila? Ba't naman parang may bumubulong sa akin para tanungin kung sino ang taong 'yon?
"Alam mo, kahit may nagsasabing masama raw ugali non, feeling ko, mabait pa rin siya. Maamo kaya mukha non."
Hindi ko na narinig pa ang ibang usapan nila nang may tumapat ng jeep sa harap ko. Sumakay na ako at hindi na muling inisip iyong pinag-uusapan ng dalawang babae kanina.
Alas kwatro nang matapos ang klase ko. Habang nililigpit ko ang mga gamit ko'y biglang may tumawag sa cellphone ko. Itong cellphone na ito ay bigay lang din sa akin ni Sir Samuel at Ma'am Stephanie. Sila yung amo ng dating pinagtatrabahuan ni Lola. Nang malaman kasi nila ang tungkol sa sakit ni Lola, ibinigay nila sa akin 'to. Para kung sakaling may mangyari ay madali lang akong makontak.
Nang makita ko ang pangalan ng tiyahin ko'y sinagot ko na agad ang tumawag.
"Yohan, nasaan ka?" Sa paraan pa lang ng pagtanong niya'y iba na agad ang kutob ko.
"Nasa eskwelahan po, Auntie. Bakit po?" kinakabahang tanong ko.
"Nandito ako sa bahay niyo. Bibisitahin ko sana si Nanay, kaso wala siya."
"Baka po nasa kila Aling Marites po," umaasang sagot ko.
"Wala raw, e. Ang sabi nila'y kanina pa raw umaga bandang alas nwebe umalis si Nanay. Hindi rin naman daw nila naitanong kung nasaan."
Pagkarining na pagkarinig kong wala si Nanay sa bahay ay lalo akong ginapangan ng kaba. Nagmadali na akong iligpit ang mga gamit ko saka kumaripas ng takbo palabas ng paaralan.
Hindi alam ng tiyahin ko ang tungkol sa sakit ni Lola. Ayaw ipaalam ito ni Lola dahil ayaw niyang mag-alala ito sa kanya.
Sa laki ng Maynila ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Pasado alas kwatro na ng hapon at wala pa siya sa bahay. Saan naman kaya nagpunta iyon? Kailangan ko ng tulong. Pero, sino naman ang hihingian ko ng tulong?
Muling tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon galing sa aking bulsa. Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag at basta-basta na lang sinagot ito.
"Hello po. Ano ang kailangan niyo?" bungad ko.
"Yohan?"
Bigla akong napatingin sa screen ng cellphone. Putek! Si Ma'am Stephanie pala ang tumatawag.
"Nako. Pasensya na po, Ma'am. Bakit po kayo napatawag?"
"Kakausapin ko sana si Nanay—"
"Ma'am, iyon na nga ang problema ko, e. Nawawala po si Lola."
"Ano? Saan daw nagpunta? Sino huling nakakita sa kanya? Nasaan ka ngayon?"
Ipinaliwanag ko sa kanya ang buong detalye. Habang kausap ko siyang naglalakad din ako't abala ang tingin sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko siya, ngunit imbes na si Lola ang mahagilap ng mata ko'y, isang babaeng nakatungo habang tumatawid sa kalsada. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya nang may makita akong isang sasakyan na papunta na sa direksyon niya. Bakit mukhang hindi pa tumitigil ang sasakyan? Bulag ba siya?
"Miss, tabi!" sigaw ko ngunit parang bingi ito't walang narinig. Nanatili pa rin itong nakayuko—tila wala sa sariling tumatawid.
Naglipat-lipat ang tingin ko sa kotseng paparating na at sa babaeng hanggang ngayon ay wala pa ring malay na masasagasaan na siya. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya hindi niya ako napapansin.
Nang makalapit ako sa kanya'y muli akong sumigaw, "Miss!" saka ko siya itinulak dahilan para parehas kaming mapahiga sa daan at madaganan ko siya.
Steffi's P.O.V:
I was really devastated when I found out Trexie's dirty business behind my back. I didn't expect that the people I considered as my friend doesn't treat me as their friend. Hindi ko lubos akalain na mga traydor pala sila.
All I thought, having them is enough. I treated them more than a friend, but more like a sister. Bakit sa dinami-dami ng tao na pwde akong traydurin ay mga kaibigan ko pa? I deserve an explanation. I need to see them. I need to go back to where my body is lying. Baka nandoon sila.
"Miss!"
Upon hearing that ay biglang may tumulak sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ang semento sa likod ko.
"Hoy, bata! Ano ba sa tingin mong ginagawa mo? Nagpapakamatay ka ba?!"
Iyon ang una kong narinig nang itulak ako ng kung sino man. Hindi ko alam kung sino siya dahil bigla akong napapikit. Alam kong nakadagan siya sa akin. Ayokong idilat ang mga mata ko. But how come this person was able to see my presence?
Nang buksan ko ang mga mata ko'y nakatayo na ito habang kaharap ang kung sino man. "Kayo po? Anong sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Muntik na kayo makasagasa ng tao kanina!" sagot niya. Kumunot naman ang noo ko nang pamilyar sa pandinig ko ang boses na 'yon.
"Anong babae? Ikaw lang naman ang mag-isang tumatawid kanina. Anong babae ba ang pinagsasabi mo?!" galit nitong sigaw pabalik sa kanya.
Bago pa man siya sumagot ay tumayo na ako't para harapin iyong lalaki na kausap din ng lalaking tumulak sa akin kanina.
"Siya—" Natigil sa pagsasalita si Yohan nang makita niya ako.
Wait, si Yohan? Ba't siya nandito? Sinusundan niya ba ako?
"Ano?! Paanong—" Natigil din sa pagsasalita ang lalaki nang makita ako. I bet siya ang driver ng sasakyang muntik nang makabangga sa akin.
Ah, s**t. Wait. Why am I being too preoccupied? How come tumatawid ako ng kalsada kanina? What is happening to me?
"Naku! Sorry, miss. Pero, wala talaga akong nakitang ibang tao kanina." Nagkamot pa ito ng batok. Wait, is he talking to me?!
"N-nakikita niyo siya?" Yohan interrupted.
The man slowly nodded. "Oo, nakapagtataka nga. Hindi ko talaga siya nakita kanina, o baka nawala lang ang pokus ko sa daan."
Napatingin sa akin si Yohan, tila hindi makapaniwala sa narinig. Yo, moron! Parehas lang tayo!
"Ah, nevermind, sir. Just be careful next time," I said.
He even bowed a little as a sign of apology. "Salamat. Saan ba ang punta niyo? Ihahatid ko na kayo bilang pambawi man lang."
"s**t!"
I heard Yohan cussed so I divert my attention to him. Pati si Kuyang Driver ay napatingin din sa kanya.
"Kailangan ko nang umalis. Bahala na kayo diyan." After he said that ay bigla na lang siyang nagmamadaling umalis. I guess something happened to him.
"Ah, I have to go too," sabi ko saka hinabol si Yohan.
"Yohan! Hey!" Lumingon siya sa direksyon ko ngunit agad din siyang umiwas ng tingin as if he didn't saw me at all. Nakita kong nakisilong muna siya't umupo sa isa sa mga benches dito sa park.
Nang makalapit ako sa kanya'y tumabi ako. I have a lot of questions in mind, but I prefer setting aside all of those. I can sense that Yohan is in trouble.
"Yohan, anong nangyari?" I asked nicely.
"Kung nandito ka para kulitin na naman ako para tulungan ka, umalis ka na lang. Wala akong panahon para sa'yo."
Nang malaman ko ang tungkol sa ginagawa sa akin ng mga taong tinuring kong kaibigan, napapaisip na ako kung gusto ko pa bang mabuhay ulit.
"No, I am here as your...friend or a stranger." I sighed. "Pero kung ayaw mong makita ako, naiintindihan ko. Aalis na lang ako." Tumayo na ako saka tinalikuran siya. I started walking away from him not until…
"Kailangan kita."