Steffi's P.O.V:
Buong araw akong hindi nagpakita kay Yohan. Ayoko munang makita siya. I'm really losing hope. Is this my karma for ignoring him before I had my accident? Tss. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na nga ba akong nagbuntong-hininga sa araw na 'to. Ngayon lang din ako nakaramdam ng pagod. Ni hindi ko alam kung anong oras na ba ngayon, pero mukhang malalim na ang gabi dahil wala na akong nakikitang masyadong tao rito sa Memorial Circle. Ba't nga ba ako madalas na tumatambay dito? What's memorable in this place? Well, I think I had no choice but to rest here for awhile. Dito na lang din siguro ako magpapalipas ng gabi. Hindi ko na rin alam kung ano bang mangyayari bukas. Pangalawang araw ko pa lang sa misyon ko, pero sukong-suko na ako.
"Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao, iyong Yohan pa talaga ang napili niyo? Ang sama-sama kaya ng ugali non!" sigaw ko habang nakatingala sa langit.
Why am I wasting my time with this nonsense mission? Tsaka, paano kung guni-guni ko lang yung nakausap ko? Paano kung hindi naman totoong may misyon ako?
"Ahh! You're so stupid!" singhal ko sa sarili habang sinasabunot ang buhok ko sa sobrang frustration.
"Sumusuko ka na ba, Steffi?"
Natigilan ako saka nilingon ang katabi ko. Siya, siya nga. She's—"So, totoo ka pala talaga? Hindi pala ako napa-paranoid?"
Seryoso siyang ngumiti sa akin. "Sumusuko ka na ba sa misyon mo?" nakangiting tanong niya sa akin.
Muling nanumbalik ang frustration na naramdaman ko kanina.
"A bit. Hindi ba kasi pwedeng ibang tao na lang?! Ang tigas ng puso nung Yohan na 'yon! Sa tingin mo, deserve niya na matupad ang mga kahilingan niya? I'm tired chasing him!" bulalas ko.
"Sumusuko ka na? Ayaw mo ng mabuhay pa?" tanging sagot niya na para bang binalewala nito ang mga hinaing ko.
"I still want to live. But—"
"Kung gayon, ay aalis na ako."
"But—" hindi niya pa rin ako pinapatapos dahil muli siyang nagsalita.
"Ang kahilingan niya ay nakadepende sa desisyon ng iyong puso. Kailangan mong lawakan ang iyong pag-iisip, at buksan ang iyong puso. You have less than two months to do it."
At sa isang kurap ko lang ay nawala na lamang ito bigla sa paningin ko. Muling nanumbalik ang sinabi ng babaeng 'yon sa akin. Well, I guess, she's my guardian angel?
"Ang kahilingan niya ay nakadepende sa desisyon ng iyong puso…"
Now, what does she mean by this? How can I even grant his wish kung naiinis ako sa kanya? He doesn't deserve any of my gennie power! The nerve of that guy! Ano siya, sinuswerte?! Aish.
Kinabukasan ay naisipan kong bumalik muna sa ospital. So far, I miss my life. Miss ko nang mag-aral, mag-hang out with friends, the bar, movies, and everything that matters to me.
Habang naglalakad ako'y sumagi sa isip ko yung tungkol sa sinasabi ni Daddy. Kaya imbes na papunta na akong ospital ay umiba ang direksyon ng paglalakad ko. Tirik na tirik ang araw ngunit wala man lang akong naramdaman na pawis sa katawan ko. Pagkarating ko sa hotel ay dumiretso na ako sa opisina ni Ysabelle. Bigo ako nang wala akong maabutan na kahit anino man lang ng kahit na sino.
Umalis na ako ng opisina na iyon. Baka wala pa sila rito. Habang naglalakad ako sa hallway ay aksidenteng narinig ko ang usapan ng mga housekeeper na nakasalubong ko. Tumigil ako saka sinundan sila habang pinapakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Nakita mo ba yung dalawang lalaki na kasama ni Ma'am Ysabelle? Sa tingin mo, bagong bellboy ba 'yon dito?" tanong nung isa na kung 'di ako nagkakamali'y nasa mid 20's na.
"Nako. Hindi naman siguro. Ang gugwapo kaya non. Pero kung bagong bellboy sila, ba't sa conference room sila dinala at hindi sa resource office?"
Then, an idea came in. Kaya siguro wala si Ysabelle sa opisina niya dahil nasa loob sila ng conference room. I need to know who are those bastards my dad is so eager to see.
Tumakbo na ako paakyat ng conference room. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto kung nasaan sila ay mabilis na akong pumasok sa loob.
"Who are responsible of taking this pictures and posting it on your university's page?" Ang tanong iyon ni Dad ang bumungad sa akin nang makapasok ako.
My eyes widened when I saw Joshua, Nathan, Jeremy and Isaac inside this conference room with my dad and Ysabelle who is now sitting on the couch. Nakatungo silang apat habang sinesermonan sila ng daddy ko.
"Wait, sila yung kasama ko sa pictures na kumakalat ngayon. Does it mean—" napatigil ako nang magsalita muli si Daddy.
"Answer me, boys! Kaano-ano ba kayo ng anak ko? Tsaka ano itong kumakalat na mga litrato na kasama niya kayo? Can anyone explain this to me?!" singhal sa kanila ni Dad.
Muli kong naalala ang nangyari sa likod ng mga litrato na kumakalat ngayon.
"Stef, alam mo ba kung nasaan si Trexie?" Joshua asked me.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang parking lot nang makasalubong ko siya.
"Yes. Actually, papunta na ako sa meeting place namin. Why?" I asked.
Nagkamot pa ito ng batok bago magsalita, "Can I join? A-ah, naiwan ko kasi ang kotse ko. If you don't mind…"
Saglit pa akong napaisip bago tumango. "Sure. Ako na magda-drive. Hop in."
Iyon ang isa sa mga litratong kumakalat ngayon. Kung saan sabay kaming pumasok ni Joshua sa kanyang kotse. For Pete's sake, Joshua is Trexie's boyfriend! Bakit ngayon lang nagsi-sink in sa akon itong issue na 'to?!
"What the hell. Nasaan na ba 'yon?!" bulalas ko nang hindi ko mahanap ang susi ng kotse ko sa loob ng bag. Sa sobrang abala ko sa paghahanap ay may nakabangga akong tao.
"Oh, s**t. Sorry!" he apologized.
I didn't mind it and just continued looking for my key. Natigil lang ako nang biglang may humila sa akin dahilan para magkalapit ang mga katawan namin. Halos yakap-yakap na nga niya ako.
Iyon ang pangalawang litrato na kumakalat. Paano ko nalaman ang pangalan niya? Dahil…
"Don't touch me, you moron! Ano ba?!" I gritted my teeth in anger and pushed him away. Pinulot ko ang ibang gamit na nahulog galing sa bag ko. Finally, I found my key! Napaupo rin siya upang tulungan ako sa mga gamit ko. Saktong ID ko ang nahawakan niya.
"Steffi Yusan? Hmm. Nice name. I'm Nathan by the way." Isinauli niya sa akin ang ID niya saka naglahad ng kamay at inaasahan akong makipagkamayan sa kanya. I just rolled my eyes saka siya nilagpasan.
Si Jeremy at Isaac naman ay mga kaibigan din ni Trexie and Athena. Usually we hang-out tuwing nagba-bar kami. The picture that was captured was me and Jeremy sitting comfortably on the couch while his right arm is placed on my shoulder. Iyong sa amin ni Isaac, sabay lang kami umalis no'n sa bar, we were just together at may hipokritang kumuha ng litrato at ginawan talaga ng issue 'yon. Kung sino man 'yon, she/he will surely pay for this mess!
"Sir, we apologize but we are innocent as well. Nagulat na lang din kami ni Isaac that there are pictures of us with Steff going around. We are Steffi's friends," Jeremy said.
Tiningnan ko si Dad upang makita ang reaksyon ng mukha. He is still mad. Kita ko ang galit sa mga mata niya.
"How about the both of you?" He's referring to Nathan and Joshua.
"It was an accident. She's busy checking her bag without even noticing the people around her. Aksidenteng nabangga niya ako, at yung litrato kung saan kayakap ko siya, hinila ko po yung anak ninyo dahil muntik na siyang makabangga muli ng ibang tao," Nathan explained.
Napunta ang tingin ni Dad kay Joshua na ngayon ay tahimik at mukhang walang balak na magsalita. "You. Do you have any plans explaining yourself to me?"
"I don't need to explain further, sir. I'm innocent. Nakisabay lang ako sa kanya because I need to see my girlfriend, who is Trexie, Steff's best friend."
Ramdam kong may diin ang pagbanggit niya ng best friend. Iba ang kutob ko rito kay Joshua. I know he's up to something.
"If you are all innocent, then why did you let this happen?! Bakit hindi kayo gumawa ng paraan to turn down this photos going around?!" ramdam ko pa rin ang galit ni Dad.
"If I found out that someone asked you to do this to destroy the image of my daughter, I'll sue you," may halong pagbabanta na sabi ni Dad.
Narinig ko ang pagsinghap nila. I can feel it too. I knew that something's wrong. Imposibleng coincidence lang ang lahat na 'to. I know what Dad is trying to point out, maybe his conclusion is right. Maybe there's someone behind this issue going around, and their main purpose is to destroy me.
Pinaalis na sila ng Daddy ko. Sinamahan sila ni Ysabelle palabas while my Dad stayed and sat at his chair. Napahawak siya sa kanyang sentido. Halatang stress na siya sa nangyayari.
"Huwag na huwag ninyong kakalabanin ang anak ko dahil ako ang haharap sa inyo."
I froze when I heard him say that. Wala siyang ibang kausap pero ramdam ko ang galit niya. Ano ang kinagagalit niya? Is he acting out? Why does he suddenly care for me?
Pero bakit parang natutuwa ang puso ko? Bakit parang gusto ko siyang yakapin at pasalamatan? I quickly shook my head. I'm going crazy again. Umalis na ako bago pa ako tuluyang mabaliw at baka may magawa pa akong hindi dapat. Nang makalabas ako ng conference room ay nakita kong naglalakad pabalik si Nathan. Para siyang nagmamadali. Nang matapat siya sa pinto ng conference room ay kumatok ito ng tatlong beses bago ito binuksan. Kaya imbes na umalis na ako'y muli akong pumasok.
"What brings you here?" my dad asked him emotionless.
I can see that Nathan is tense based on his body movements. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Sir, I have something to say…" Hindi sumagot sa kanya si Dad—tila hinihintay ang balak sabihin.
"It was Trexie's idea. Steffi's best friend. She wants to destroy your daughter's image. 'Yung sa akin po ay planado. Hindi ko lang alam sa iba. I'm sorry, sir."
Unti-unting namuo ang galit sa puso ko. Naging malabo ang paningin ko dahil sa butil ng luhang namumuo rito.
Traitor.