Steffi's P.O.V:
Umalis na muna ako sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng mga paa ko. I just want to be alone. Ba't hindi sumagi sa isip ko na kaarawan ko na pala sa susunod na Linggo? How can I even celebrate it kung ganito ako? Aside from that, ayoko rin na malaman ni Yohan na ako ang babaeng inaalagaan dati ni Nanay Aurora. Malay ko ba if he hates me, or my parents. Ni hindi ko alam ang totoong rason kung ba't umalis sa amin si Nanay Aurora. Kung kasalanan nga talaga ng magulang ko, lalong magiging mahirap para sa akin na mapalapit kay Yohan. Hindi rin pwedeng malaman niya na ako ang babaeng inaalagaan dati ng kanyang lola. I need to think of another way. Sapat nga ba ang dalawang buwan para gawin ang misyon ko? This is harder than I thought.
Napatigil ako nang marinig ako ng ingay ng mga sasakyan. Mga busina at pagharurot ng mga sasakyan, pagsipol ng mga traffic enforcer at ingay ng mga tao ang naririnig ko. Lumingon pa ako upang pagmasdan muli ang lugar kung saan nakatira sina Yohan.
"I should help him and Nanay. I need to hit two birds with one stone," I said to myself.
"Girl, nabalitaan mo ba 'yung nangyari kay Steffi? Trending siya ngayon sa page ng university nila."
I froze as soon as I heard my name. Lumingon ako sa gawi ng babaeng nagsalita kanina. Nasa isang metro lamang ang layo sa pagitan naming dalawa. Parehas silang nakasuot ng uniporme ng babaeng kasama niya. Pamilyar ang unipormeng 'yon sa akin. Private school. I rolled my eyes.
"Talaga? Hindi ko 'yan alam. Wala akong load, e. Ano ba raw nangyari?" kuryosong tanong naman ng babae.
"Naaawa ako kay Steffi. Hindi ko talaga inaasahan ang nangyari sa kanya."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Suddenly, I smirked. That's how being famous benefits you.
"Tingnan mo 'to." Nakita kong nakatingin din roon ang kaibigan nito. Out of curiosity ay sumilip din ako.
"What the hell?" bulalas ko nang hindi ko inaasahan ang nakita. Yes, trending nga ako sa page ng university namin, but it is not because of my accident. But, it is because of a certain issue that can even destroy my image. Who the hell made this?!
"Talaga? Playgirl siya? Kilala mo ba yung mga kasama niya? Grabe. Privacy ito. Sino kaya ang naglabas nito?" tuloy-tuloy na tanong ng babae.
Yes, you heard it right. It was a picture of me and a random stranger. Tatlong pictures iyon na iba-iba ang lalaking kasama ko. Pero hindi ako playgirl! May rason kung bakit kasama ko sila! Sino naman kaya ang kumuha ng litratong iyan at ipagkalat na kung sinu-sino lang ang lalaking kasama ko? That b***h will surely pay for this! Naglakad na ako palayo ng lugar na 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na dinadaanan lang ako ng mga tao. Para akong hangin na kahit presensya ko ay wala silang pakialam. Well, what would I expect? Kaluluwa na lang pala ako at hindi isang normal na tao.
Dinala ako ng mga paa ko sa hotel namin. Yes, we own a hotel pero wala akong interes dito. Kaya habang nasa ibang bansa ang mga magulang ko, si Ysabelle muna ang in-assign nila to keep an eye on this hotel. Ysabelle was my mom's secretary before noong nandito pa sila. She's like a daughter to her. 4 years ang gap namin ni Ysabelle. I really don't feel her presence kaya madalang ako bumisita rito sa hotel. I only visit here kapag kailangan ko ng room to stay when I think na suffocating sa bahay o 'di kaya kapag pagod na ako from school, at gusto ko na talagang magpahinga. Wala naman akong pakialam when my mom informed me about Ysabelle taking charge to manage the hotel for the meantime. As if I care.
"Good morning, sir!" the guard gracefully greeted the person behind me.
"Good morning. Nandito na ba si Ysabelle?" Mabilis pa sa alas kwatro akong napalingon sa nagsalita.
"Yes, sir."
It's my dad.
Sinundan ko ng tingin ang lalaking kapapasok lamang sa loob ng hotel. Hindi ba dapat ay nasa ospital siya at sinasamahan ako? Err. Nevermind. Gano'n naman talaga. Wala naman talaga siyang pake sa akin since then. Then now, he's looking for Ysabelle. Lagi na lang Ysabelle. Sa tuwing tatawag sila sa akin, puro Ysabelle na lang ang bukambibig nila. Pati ba ngayon na nag-aagaw buhay ako'y si Ysabelle pa rin ang iniisip at hinahanap nila? Wala talaga silang kwentang mga magulang.
I don't know what am I thinking, pero na-realize ko na lang na sinusundan ko na rin pala siya. He's walking towards Ysabelle's office. Ayoko mang pakinggan ang daughter-dad talk nila, pero hindi maiwasang ma-curious ako kung anong ginagawa ni Dad rito. Hindi na siya kumatok pa at diretsong pumasok na ng opisina. Tumagos na lamang ako sa glass door at hindi na nag-aksayang buksan pa ang pinto. Una kong napansin si Dad na nakatalikod sa gawi ko na ngayon ay kausap si Ysabelle.
"Hindi ko po inaasahan ang pagdating niyo, sir. Balita ko po naaksidente si Stef? Kumusta na po siya?"
Humalukipkip ako and even rolled my eyes. Kahit kailan talaga feeling close siya sa parents ko. No wonder nakuha niya ang mga loob nila. In other words, isa siyang dakilang sipsip.
"She's in coma. Napadaan lang ako dito because I want you to cancel everything para sa surprise birthday ng anak ko. We don't know when will she going to wake up," my dad said.
"Are you sure, sir?"
Tumango naman ito sa kanya bilang tugon. "Also, I need you to find these people." Nakita kong may inabot si Dad sa kanya na brown envelope. Tinanggap naman ito ni Ysabelle and opened it. Nakita kong may inilabas siya na papel sa loob ng brown envelope na 'yon. Bahagya pang kumunot ang kanyang noo nang makita niya ang kung ano mang nakalagay sa papel.
"Sino itong mga 'to, sir?" tanong niya.
"I have something to deal with them. Sinisira nila ang buhay ng anak ko. I need to see them tomorrow in the afternoon. Ikaw na ang bahala if you want to hire someone to help you look for them."
"Okay, sir."
"Kung may problema rito sa hotel, call me right away. Huwag mo munang tawagan si Stephanie dahil abala iyon sa pagbabantay sa anak namin. I don't want you bother her. Okay?"
Mabilis naman na tumango si Ysabelle. "Okay, sir."
"I have to go. Ikaw na muna ang bahala rito." Tinalikuran na siya ni Dad at nagsimula ng maglakad papunta sa pintuan. Before he could open the door ay muling nagsalita si Ysabelle.
"Sir, how about po sa isa niyo pa pong surpresa kay Stef?"
Surpresa? May isa pang surpresa maliban sa party?
"Just stick to the plan. We will still surprise her regarding that. Maybe this isn't the right time for that." Hindi na hinintay ni Dad na sumagot si Ysabelle, dahil umalis na ito agad pagkatapos niyang magsalita. If curiosity kills, then I'm probably dead by now. What are they talking about? Tungkol naman doon sa pinapahanap ni Dad, sino naman kaya ang mga taong 'yon? Ba't niya nasabing sinisira ng mga 'yon ang buhay ko? Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko't naisipan kong sundan si Dad. Muli itong lumabas ng hotel at sumakay sa kanyang kotse. Ako nama'y umupo sa likod niya.
Habang nagsi-seatbelt siya'y bigla siyang napatigil. Pati ako'y natigilan din habang pinagmamasdan siya. Lumingon siya sa gawi ko. Suddenly, I felt uneasy. Bakit pakiramdam ko'y naramdaman niya ang presensya ko?
I heard him sigh. "Weird. Imposible naman na nandito ang anak ko. I know how much she hates me."
I blinked many times. What does he mean by that? Naramdaman niya nga talaga ako? But his last sentence is kinda painful. Hindi dapat ako maawa sa kanya. He deserves to feel that. He deserves to feel guilty.
"I hate you so much. I hate you."
Bumaba na ako ng kotse niya bago pa man ako mabaliw kasusunod kung saan siya pupunta. Ano bang pumasok sa kokote ko at naisipan kong sundan siya? I'm going crazy.
Naglakad na ako pabalik sa lugar ni Yohan. Medyo may kalayuan ang bahay nila sa hotel namin. But I don't even feel tired at all. Ganito ba talaga kapag multo ka? Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa lugar ni Yohan ay naaanig ko na siya hindi kalayuan sa akin. Kasalukuyang traffic ngayon at kasalukuyan din siyang nag-aalok muli ng basahan sa mga sasakyang na-stuck sa traffic. Naka-brown na damit ito at white na shorts. Naka-black na tsinelas at magulo ang buhok habang bitbit ang malaking kulay pula na plastic na may lamang mga basahan. Sa init ng panahon ay wala man lang itong suot na kalo.
Nang malapit na ako sa kinaroroonan niya'y tumigil na ako sa paglalakad at tumayo sa gilid habang hinihintay siyang makabalik sa tabing-daan. Nang umusad na muli ang trapiko ay nagmadali na itong makisilong sa tabi. Pinunasan pa nito ang noo gamit ang mismong damit nito. Ew. Wala ba siyang face towel?
Hindi niya pa ako agad napansin dahil masyadong mainit ang panahon at halata sa kanyang itsura na nasisilaw siya. Nang makalapit siya sa kinatatayuan ko'y hindi niya ako pinansin. I wonder if he already saw me, or talagang hindi niya lang talaga ako napansin. Nasa tabi niya lang ako ngunit wala man lang ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Since I'm being impatient already, I initiated the conversation.
"Aren't you going to say 'hi' or glance at me?" ani ko habang nakahalukipkip.
"Alam mo, masaya na akong umalis ka kanina. Akala ko hindi na kita makikita. Nakakasira ka ng araw. Umalis ka na." I glared at him. He remained serious.
"Why are you so harsh? Ano bang ginawa ko sa'yo? Titigilan naman kita, basta kailangan mo muna akong tulungan! I need your full cooperation if you really want me to disappear from your sight!"
I saw him smirked. Lalong uminit ang dugo ko sa kanya. "Gaya ng sabi ko." Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. "Hinding-hindi kita tutulungan. Wala kang aasahan sa akin kaya huwag mo nang aksayin ang oras mo para kumbinsihin ako. Wala akong oras na tulungan ka."
Natameme ako sa sinabi niya. I didn't expect him to say that. Kinalma ko pa rin ang sarili ko despite what he said.
"You will still need me. Mark my word," sabi ko nang maalala ang sampung kahilingan na pwede kong ipatupad kapag humiling siya.
He even faced-palm like he's really frustrated. "Hindi kita kailangan! Hindi mo ba naiintindihan? Wala akong pake sa'yo! Wala akong oras sa'yo! Naiintindihan mo ba 'yon?!" galit na galit niyang sambit sa'kin.
Tila mabigla ako sa bigla niyang pagsigaw sa akin. Napaawang ang labi ko. Trying to compose any words to utter.
"You're so…" Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. I shook my head in disbelief. "Heartless." Tinalikuran ko na siya saka kumaripas ng takbo.